Chapter 8

317 6 0
                                    

CHAPTER EIGHT

NAPATINGIN si Bayani sa luminous hand ng suot na diver's watch. Napamura siya. Pagkatapos ay napatingin sa katabi na himbing na himbing na natutulog. Nakayakap ang isang kamay nito sa baywang niya.
Maingat niyang inalis ang kamay ni Dana sa kanyang baywang at ang binti nito sa kanyang binti, at labag sa loob na bumangon. Bago tuluyang lumabas ay saglit niyang tinitigan ang dalaga, saka yumuko at kinintalan ito ng halik sa mga labi.
Kahit tulog ay napangiti ito. He couldn't help himself but smile back at her. Gusto niyang bumalik sa kama pero nilabanan niya ang tukso. With strong determination ay lumabas na siya ng kuwarto na iyon.
Nagbihis siya—itim na sweatshirt, pantalong maong, at ang kanyang jacket. Binitbit niya ang itim ding backpack. Nagmamadali na siyang bumaba. Natanaw na niya na naghahanda na ang malaking bangkang-pangisda para umalis.
Sumenyas siya sa pamamagitan ng dala-dalang flashlight na hintayin siya. Tumakbo na siya palapit doon.
Hinintay lang siyang makasakay at pinaandar na ng kapitan ang bangka.
"Akala namin ay hindi ka na darating," sabi ni Mang Luis.
"Medyo napahimbing ho ang tulog ko," sagot ni Bayani. Magmula nang dumating siya roon ay madalas na siyang sumama sa mga ito sa pangingisda.
Ngayon ang pangalawang beses na sasama siyang dadayo sa ibang lugar para mangisda.
"Bakit, pinuyat ka ba ni Dana?" biro ni Mang Luis.
Napahalakhak siya. "Saan daw ho ba tayo ngayon?" tanong niya.
"Baka doon sa dati," anang matanda.
"'Di ho ba, malapit na iyon sa Taiwan? Baka puwedeng dumiretso na tayo doon. Makapag-abroad tayo ng libre. Puwede na tayong mag-TNT doon," biro niya.
"Magandang ideya 'yon, ah," sang-ayon naman ng iba nilang kasamahan.
"Gusto ba ninyong ratratin tayo ng mga Taiwanese 'pag na-spot-tan tayo sa border nila," sabi naman ni Mario, ang kapitan ng bangka. "Hanggang doon lang tayo sa Philippine territory."
Nahiga na ang iba habang naglalakbay ang sasakyang-dagat. Magnanakaw ng kaunting tulog.
Humanap si Bayani ng mapupuwestuhan. Napatingin siya sa dagat. Marami roong maliliit na mangingisda. Doon lang sa malapit ang mga ito. Parang mga bituin ang ilawan ng mga ito kung tatanawin sa malayo.
"Sino 'yan?" Kahit mahina ay narinig niya ang tanong na iyon ng isang lalaki kay Mario.
"Si Ani, pamangkin ni Mang Luis, bakasyunista. Galing 'yan ng Saudi," sagot ng kapitan.
Hindi na kumibo ang lalaki.
Pag-akyat pa lang niya sa bangka ay agad na siyang napansin nito. Noon lang niya itong nakitang sumama sa bangka.
Lumapit siya sa dalawa. Bumati. Ipinakilala siya ni Mario sa lalaki. "Pareng Allan, si Pareng Ani."
"Kumusta, pare?" Nakipagkamay siya rito.
Bahagya lang itong ngumiti nang makipagkamay sa kanya. Alam niya, ina-assess siya nito.
"Bakasyunista ka pala rito, pare. Tagasaan ka ba?" usisa nito.
"Sa Maynila," maikling sagot niya.
"Sa Maynila? Hindi naman dating dinadayo ng mga bakasyunista ang lugar na ito. Bakit dito ninyo naisipang magbakasyon?" tanong ni Allan.
"Ewan ko ba sa misis ko. Writer kasi iyon, eh. Naghahanap siya ng lugar na tahimik. Kung saan siya makakapag-concentrate sa pagsusulat. Kaya nang ialok sa kanya ng kaibigan niya ang isang bahay-bakasyunan ay hindi na siya nagdalawang-isip. Agad na pumunta rito. Sinundan ko na lang siya rito. Hindi kasi niya alam na uuwi na ako mula sa Saudi."
"Di parang nasa honeymoon uli kayo, pare?" biro ni Mario.
Napahalakhak si Bayani.
"Bakit, pare? Balak mo pa ring bumalik?" Si Ramon.
"Parang ayoko na. Pinag-uusapan nga namin ni Misis na dito na lang kami tumira. Bibili na rin lang kami ng bangkang-pangisda."
"Maganda naman ang kita sa pangingisda, pare. Tingnan mo ang may-ari ng bangkang ito, ang bilis umasenso. Tatlong taon pa lang siyang nag-o-operate, pinayaman namin siya nang husto."
"Kaya nga ako sumasama, Pareng Mario. Para makita ko naman kung paano talaga ang kita sa pangingisda," sabi niya.
"Mahina pa ngayon," sabi ni Mario. "Pero kapag sinusuwerte, pare, iyong kikitain mo sa loob ng isang buwan ay kikitain mo lang sa loob ng isang araw."
Anim na oras silang naglakbay bago inihinto ni Mario ang bangka. Inalis nito sa pagkakatali ang dalawang maliliit na bangka na nasa gawing likuran ng sinasakyan nilang bangka. Iyon ang gagamitin ng mga ito na panghila sa malaking fishing net.
Ilang sandali pa ay abala na ang lahat.

NAGISING si Dana sa tama ng sikat ng araw sa kanyang mukha. Napabalikwas siya ng bangon. Wala na si Bayani sa kanyang tabi. Pero may iniwan itong sulat sa ibabaw ng unan.
I'll be back soon, Hero.
Napangiti siya. Daig pa niyon ang telegrama. Tiniklop niya ang sulat at inilagay sa drawer. Kahit masakit ang kanyang katawan ay magaan pa rin ang pakiramdam niya. Bumangon na siya at naligo. Pakanta-kanta pa siya habang naliligo. Nang bigla siyang matigilan. She had never felt this happy before. Parang gusto niyang kumanta at sumayaw.
Matapos kumain at hugasan ang pinagkainan ay nagbalik na siya sa kuwarto. At nagsimulang magtrabaho. Pero nahihirapan siyang mag-concentrate. Lalo na tuwing mapapadako ang paningin niya sa kama. Naaalala niya ang nagdaang mga pangyayari kagabi...
Nagising siya nang maghahatinggabi. Bumangon siya at nagpunta sa banyo. Pero hindi siya agad nagbalik sa higaan. Sa halip ay lumabas siya sa veranda. Nalilito siya. Gusto niyang mag-isip.
Nang maramdaman niyang sumunod sa kanya si Bayani. Niyakap siya nito sa baywang at hinapit palapit dito.
"Nagsisisi ka ba?" banayad na tanong ng lalaki.
She wanted to, pero wala siyang madamang pagsisisi sa pagkakaloob niya ng sarili sa binata.
Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat at pinihit paharap dito. Ikinulong nito sa dalawang palad ang kanyang mukha. "Dana, please. What we shared was beautiful... don't ever regret it," bulong nito at masuyo siyang kinintalan ng halik sa mga labi.
Yes, it was beautiful. Isinandig niya ang pisngi sa malapad na dibdib nito. "Nalilito ako. I was no longer sure which was real and which was fantasy," sinserong naibulalas niya.
"This is real, sweetheart," bulong ni Bayani. Pagkatapos ay buong alab na hinalikan siya sa mga labi. Pero bago pa sila tuluyang matangay ay bahagya siya nitong inilayo. "We'd better stop. I know you're still sore."
Nagbalik sila sa higaan. Kontento na ito na yakap-yakap lang siya.
Ngayon na gising na gising na siya, nalilito pa rin siya. She was not promiscuous. In fact, she doesn't agree in premarital sex. Iyon ang sabi niya noon kay Egay nang umungot ito na magpunta sila sa pribadong lugar.
Napabuntong-hininga si Dana. In such a short time, biglang nagbago ang lahat. Ibinigay niya ang sarili sa isang lalaki na hindi naman niya boyfriend. And yet, hindi niya pinagsisisihan iyon.
Lumabas siya ng cottage at naglakad-lakad sa tabing-dagat. Gusto niyang makapag-isip nang husto.
Bakit niya nagawang magpaubaya kay Bayani na almost stranger pa sa kanya? Was she in love with him? Sunud-sunod siyang napailing. Hindi iyon maaari. Wala pa halos isang buwan silang magkakilala. Sa mga romance novel lang nangyayari iyong umibig ang isang lalaki at babae sa isa't isa sa maikling panahon.
Personally, she didn't believe in love at first sight. Maaari mong magustuhan ang isang tao sa isang iglap. Or even strong physical attraction. But love, no! It will take a longer process to fall in love with someone. Kailangang makilala mo munang mabuti ang isang tao for you to fall in love.
At si Bayani ay hindi pa niya lubusang kilala.
She had no regret that he was her first lover. Ang hindi niya matanggap ay ang umiibig siya rito. It was not true. Nadadala lang siya ng sitwasyon. Nang romantikong kapaligiran.
Nang bigla ay may maalala si Dana. Kinabahan siya. Bayani didn't use any protection last night. Paano kung magbunga iyon?
Minsan lang ang namagitan sa kanila pero alam niyang posibleng magbunga iyon. Huminga siya nang malalim. Saka na lang niya poproblemahin ang hindi pa naman dumarating.
Masakit na sa balat ang sikat ng araw kaya nagpasya na siyang bumalik sa cottage. Nagpapasalamat siya at wala si Bayani. Kahit paano ay nakapag-isip-isip siya. Hindi na dapat maulit ang namagitan sa kanila.

SHE WORKED steadily for hours. Hindi na niya namalayan ang paglipas ng mga oras. Masakit na ang kanyang leeg at balikat nang tumigil siya. May kasiyahan na muli niyang binasa ang mga natapos. Namangha siya sa kinalabasan ng kanyang mga isinulat.
Now, they have more feelings. Buhay na buhay ang kanyang mga characters. Gusto pa niyang magsulat at tapusin ang nobela sa isang upuan pero nagrereklamo na ang kanyang katawan at sikmura. Napilitan na siyang tumayo.
Lumabas si Dana ng kuwarto at nagpunta sa kusina. Nanibago siya. Wala pang nakahandang pagkain sa mesa. Hindi pa bumabalik si Bayani. Nasanay na siya na paglabas niya ng kuwarto ay may nakahanda nang pagkain sa mesa.
Gumawa na lang siya ng sandwich at gatas, at kumuha ng dalawang hinog na saging. Tama na iyon para sa kanyang hapunan. Dinala niya ang pagkain sa veranda.
Gabi na ay wala pa rin ang binata. Hindi na siya nag-aabalang magtanong kung saan ito nagpupunta dahil may kutob siyang hindi rin siya nito sasagutin. Kung minsan ay dalawa hanggang tatlong araw itong nawawala. Nito lang mga huling araw na halos maghapon lang ito sa bahay. Kung aalis man ay agad ding bumabalik.
Naroroon sa pinagpaparadahan ang motorsiklo nito. Nangangahulugang babalik ito.

NAPATINGIN si Dana sa relo—alas-otso na ng gabi. At wala pa rin si Bayani. Pangalawang araw nang hindi ito umuuwi. Kagabi ay may pananabik siyang naghintay. Pero kaninang paggising niya at malamang wala pa rin ito ay naiinis na siya. Inis na unti-unting napapalitan ng pag-aalala.
Paano kung may nangyaring masama kay Bayani? Sino ang makakaalam? Nakita niya ang wallet nito sa bag. Kung bakit kasi hindi ito nagdadala ng anumang identification sa katawan.
Nagra-riot na ang imahinasyon niya. Ang sabi nito ay malapit nang matapos ang misyon nito. Paano kung nasilat iyon? Paano kung naunahan ito ng masasamang elementong sinusubaybayan?
Panay ang paroo't parito niya sa kabahayan. Hindi kaya mas makabubuting mag-report na siya sa pulis?
Mabilis siyang pumasok sa kanyang kuwarto para magbihis. Magpupunta siya sa presinto.
Palabas na siya nang muli siyang nakapag-isip. Baka naman mas lalong malagay sa panganib ang buhay ni Bayani.

Braganza (Bayani) - Maureen ApiladoOù les histoires vivent. Découvrez maintenant