3 ~ SING

7.4K 615 75
                                    

CHAPTER THREE

PLANADO na ang lahat sa akin bago pa ako pumasok sa eskwelahan. I will break up with Nathan. Siguro, magpapahinga muna ako sa pagboboyfriend at kay mommy ko nalang ibibigay ang atensyon ko.

Trevor is right. Instead of having boyfriends, I should just focus with my mom and think of ways on how I could help her get healed. I did my researched about new doctors. I found the best one in Bacolod. Kakausapin ko ulit si mommy na magpalit ng doktor at baka sakali na makaroon ng progress ang pag galing niya.

"Bakit? Ano ang nagawa kong mali? Bakit biglaan, Chantria?"

I feel bad when I told Nathan that I want to end our relationship. Hindi naman talaga ako seryoso eh. Malungkot lang ako at kailangan ko siya para kahit papano ay sumaya naman ako.

Uwian na namin at inaya ko siya sa likod ng Gymnasium. Akala niya ay maghahalikan kami pero nabigla siya na gusto ko palang makipag-break na sa kanya.

"Nathan, hindi na ako masaya sa relasyon natin. Nagsasawa na rin kasi ako dahil palagi tayong magkasama. Tapos palagi ka pang nagtetext at tumatawag tuwing weekends."

"Kung gano'n, hindi na kita palaging itetext at tatawagan. I'll give you space every weekends-"

"No. Mag break na tayo. I don't like to be in this relationship anymore." I cut him off and guilt crept on me when I saw his eyes watered... parang i-iyak siya at pinipigilan lang.

"Mahal kita, Chantria. Ayokong makipag break sa 'yo. Please..." he tried to get my hand but I stepped backwards.

I saw pain in his eyes but I seriously don't want this relationship anymore. At kung ipipilit niya ang sarili niya sa akin, mas magagalit lang ako at lalayo talaga sa kanya.

"Puwede naman na magkaibigan nalang tayo-"

"Ayoko kitang maging kaibigan!" He cut me off, a bit angry now.

"Kung ayaw mo, bahala ka. Basta para sa akin, break na tayo."

"Bakit nga biglaan? Siguro may iba ka na?"

I looked away. Wala naman akong iba. Naisip ko lang na ayaw ko na sa kanya.

Tinangay ang buhok ko ng hangin kaya maagap kong sinikop ang mga 'yon para hindi tuluyang kumalat sa aking mukha.

When my eyes went to the football field, I saw Trevor right away. He is watching us. They are already preparing to leave. At alam ko na kung saan muna sila magpupunta. Sa loob ng Gymnasium.

"Si Trevor ba?" hinuha ni Nathan.

Naabutan ko siyang nakatingin kay Trevor.

"Sa kanya ka umangkas noong Biyernes? Alam ko 'yon, Chantria. Pero hindi na kita tinanong dahil umasa ako na sasabihin mo sa akin. Pero hindi. Bakit? Nanliligaw ba siya sa 'yo?"

I keep my mouth shut and waited for Trevor to get closer to us with his other teammates.

"Alam mo naman na playboy 'yang lalaki na 'yan. Gusto mo yatang masaktan niya."

"Stop it, Nathan. Umuwi ka na. Break na tayo! 'Wag mo na akong kausapin."

I grabbed my bag but he pulled my arm so that I would face him again.

Naramdaman ko ang higpit ng kapit niya sa aking braso. My skin is soft and sensitive. Alam ko na kung magtatagal ang paghigit niya sa akin, mag-iiwan iyon ng marka sa balat ko.

"Ayokong makipag-break sa 'yo!" His voice volumed up. Kaya napatingin sa gawi namin ang grupo ni Trevor.

Hinila ko ang braso ko mula sa pagkakahawak niya ngunit hinila niya rin ako pabalik sa kanya kaya sumubsob ako sa kanyang dibdib. I gasped because I didn't expect him to be this aggressive.

La Carlota 2: Behind the Raindropsजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें