✧✧

3 0 0
                                    

Simula

Hindi ko namalayan ang ’yong pagdating,
Hindi inaasahan ang iyong presensya.
Para bang hindi makapaniwala,
Sa piling mo’y walang pagdududa..

Tila ba natatangay ng hangin,
Ngunit ang direksyon ay patungo sa ’yo.
Nagbago ang dating pagtingin...
Para bang damdamin ko’y nahuhulog sa ’yo...

Tawanan sa gitna ng maingay na kapaligiran,
Para bang may sariling mundo sa kawalan..
Ano nga ba itong nararamdaman...
Ikaw nga ba ang isinisigaw ng damdamin?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 05 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

HiraethWhere stories live. Discover now