CHAPTER 6

5.2K 50 0
                                    

Chapter 6: Second meeting

“IKAW nga ang babaeng nabangga ko habang lulan ako ng sasakyan ko three months ago,” malamig na saad niya. Nabangga niya?

I tried to remember what he said that he hit me three months ago. It’s like something just flipped my brain and I already remember that incident. He even thinks na isa akong manloloko. Samantalang nanakawan pa ako.

“Are you okay, Miss?”

“I’ll take you to the hospital, Miss.”

“No need.”

“What?”

“Masakit ang balakang ko, bumagsak ang likuran ko sa sahig kaya bayaran mo ako.”

“That’s why, I insisted to take you to the hospital, and I’m the one who pay your bills.”

“Pera, pera na lang ang ibigay mo sa akin sa halip na dalhin mo ako sa hospital. Parehas lang naman iyon, magbabayad ka pa rin.”

“You don’t have wounds, and you looks fine. Maybe... this is your trick to make us pay for you because the accident? You mastered it, do you? How did you do that?”

“Gusto mong makita ang likod ko?”

“I’ll take you to the police station instead of hospital.”

“What...”

“Oo, mukha akong pera. Pero hindi ako manloko. Hindi ko gawain ang perahan ng mga tao para lang banggain ako? Baliw lang ang nakaisip sa bagay na iyon. Walang kuwenta.”

“What are you doing? Get off me, woman!”

“Shít!”

“Isang libo lang ang halaga na kinuha ko kahit malaking damage ang nagawa mo sa akin. Mabait pa ako sa lagay na ito kasi hindi kita ninanakawan.”

Kung tutuusin ay matagal na iyon at wala namang dahilan para alalahanin pa niya ang pangyayaring iyon. Muntik ko na nga ring makalimutan kung hindi niya lang pinaalala sa akin. Bakit kailangan pa niyang balikan iyon? Isang libo lang naman ang nakuha ko mula sa kanya dahil binangga niya ako ng kotse niya. Pasalamat siya at hindi ako masyadong nasaktan.

“Nagkamali ka lang,” malamig na saad ko saka ko siya tinalikuran.

***

“Froyee, hanap ka ni Ma’am. Akyat ka na sa opisina niya.” Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi ng katrabaho kong saleslady. Kadarating ko lamang. Dalawang buwan pa lang akong nagtatarabaho rito. Hindi man kalakihan ang sahod ay sapat na iyon para sa gastusin ko sa apartment.

Malaki naman ang tips ko sa clubhouse at ibinabayad ko lang sa renta. Sa pagkain at pambili ko ng mga damit ko ay sahod ko iyon mula sa marangal na trabaho. Kung tutuusin ay hindi ko na kailangan pang magtrabaho sa umaga pero gusto ko pa ring ipaalala sa sarili ko na may kaunti pa akong dangal na iniingatan.

Wala akong pinag-aralan. Tumunton naman ako sa high school pero wala akong maipakitang karunungan na nakapag-aral nga ako. Madali lang akong nakapasok dito dahil sa mukha ko.

Hindi na ako nagtanong pa at basta na lamang akong nagtungo sa opisina ng manager namin. Kumatok ako nang tatlong beses saka ko ito binuksan.

Babae—tamang sabihin na lesbian siya at sa tuwing nakikita niya ako ay malagkit pa niya akong tinititigan.

“Pumasok ka, Froyee.” Tumikhim ako at sinunod siya. “I-lock mo ang pintuan.” Nang hindi ako kumilos ay siya ang lumapit sa akin at sinara ang pinto.

The Billionaire's Private Stripper (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon