CHAPTER 46

4.1K 60 2
                                    

Chapter 46: Four weeks pregnant

NASAGOT ko na nga ang tanong ko dati na kung ano naman ang koneksyon ko kay Froland. Anak siya ng mama ko pero hindi ako sigurado kung kapatid ko ba siya.

Ngayon naintindihan ko na, nabigyan na ako ng kasagutan sa mga gumugulo noon sa akin. Si Frelando ay kapatid ko lang siya sa ama at iba ang kaniyang ina. Hindi iyon si mama.

Pero nagulat ako sa rebelasyon na nalaman ko. Nagawa akong ilayo ng sarili kong ama kay mama at umabot iyon ng tatlong taon? Alam niyang may anak ito pero ni minsan kaya ay sinubukan niya akong hanapin?

“Froyee, anak. . .” tawag ni mama sa pangalan ko. Tipid akong ngumiti.

“S-Sorry po kung hindi ko na sinubukan pang lapitan ka, dahil ayokong manggulo sa pamilyang mayroon ka, Mama,” emosyonal na sabi ko at ilang beses siyang umiling.

“Kahit nawala ka man ay parte ka pa rin ng pamilya namin, anak. Anak pa rin kita,” she said at nag-uunahan sa pagpatak ang mga luha niya.

Kakaibang saya ang nararamdaman ko at this moment. Hindi ko na nga naisip pa na maaalala pa ako ni mama at ngayon ay alam ko na ang dahilan kung bakit hindi na siya bumalik noon sa terminal ng bus. Dahil lang pala sa naaksidente siya.

Muli akong ikinulong sa mahigpit na yakap ng aking ina at naiyak na lamang ako dahil ito ang pakiramdam na hinahanap-hanap ko noon. Ang pamilyar na init ng kaniyang katawan, and I can’t help na umiyak sa naghalo-halong emosyon sa aking dibdib.

“I missed you, so much, Mama. . .” I uttered.

“I miss you more, baby. . .”

***

Binigyan na muna ako ng sapat na oras ng aking mama para makapagpalit ng damit. Nahihiya man ako sa parents ni Milkaine ay wala na akong choice pa kundi ang pumasok sa kuwarto niya.

“Nasa kabila lang naman ang kuwarto ko, Milkaine,” sabi ko sa kaniya. Nakaalalay siya sa akin at hanggang sa banyo niya.

“Alam ko,” sagot niya lamang. “Take your shower first, baby. Hihintayin kita sa labas. Be careful, okay?” Tumango lamang ako. Hinagkan pa niya ako sa noo bago siya lumabas.

I took a deep breath. Hinubad ko ang lahat ng saplot sa aking katawan at naisipan kong magbabad sa bathtub. Hindi naman agad aalis si mama. Iyong mga kapatid ko lang at ang biological father ko. Hindi pa kami nakapag-usap nang kami lang dahil parang nahihiya siya o marahil ayaw niya sa akin?

Kaya nagawa niyang itago ako noon sa mama ko at inilayo pa. Tapos noong nawala na ako ay hindi na siya nag-effort pa na hanapin ako noon. But for me, si mama lang ang mas mahalaga. Ang makasama ko lang siya— Bigla ko namang naisip si Milkaine.

May posibilidad nga na buntis na ako at alam kong hindi niya ako hahayaan na lumayo sa kaniya. Clingy iyon, eh. Maski nga ako ay parang ayoko ring humiwalay pa sa kaniya.

Nakaramdam naman ako nang antok at bumibigat ang talukap ng mata ko. Naisipan kong umidlip na muna pero tuluyan lang akong nakatulog.

Naalimpungatan lang ako nang may bumuhat sa katawan ko. Nakaikot na ang kaliwang braso ko sa leeg niya. Naisubsob ko ang mukha ko sa leeg niya at nanuot sa ilong ko ang mabango niyang perfume.

“Maliligo lang naman pero heto ka, natutulog. Tsk,” sermon niya at ibinaba niya rin ako kasabay nang pagbalot niya ng roba sa hubad kong katawan. “Ginawa mo pang kama ang bathtub,” dagdag na saad pa niya at nang tumingala ako ay sumalubong lang ang nakakunot niyang noo. Inabot ko iyon at tinanggal ang linya.

“I’m sleepy kasi. Hindi ko na namalayan. Ang mama ko pala? Umuwi na ba siya?” tanong ko at may maliit na tuwalya siyang ipinatong sa ulo ko para patuyuin ang buhok ko.

The Billionaire's Private Stripper (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon