19

9 1 0
                                    

Kamalasan ang nangyari, nahabol sila ng mga kawal tinamaan si Jane ng bala mula sa baril na gamit ng isa sa mga kawal. Nagulat nalang si Farris sa pagkalingon niya bumagsak si Jane.

"JANE!" sigaw niya

Pagkabagsak ng babae kusang pumikit na ang mga mata nito dahil sa malakas na tama. Hindi na niya alam ang gagawin sa mga oras na iyon.

Nanlaki ang mga mata ni Chase sa nakatutok na baril sakaniya sabay pinaputok.

--

Hinahabol ni Farris ang hininga niya. Galing siya sa isang masamang panaginip na akala niya totoo na.

Naisip ni Farris na bumaba na muna nadatnan niya ang babae na abala sa paghahanda para sa kaarawan ni Chase. "Abala ka yata sa paghahanda" napalingon naman si Jane "Ay oo para sa birthday ni Chase yearly naman namin itong ginagawa" nakangiting tugon nito. "Tulungan na kita diyan baka mahulog kapa" alok niya.

~---
Pagkalipas ng halos tatlong oras sa preparasyon para sa kaarawan ni Chase.

"Ayan tapos na rin sa wakas paguwi nalang niya ang hihintayin natin"

7:05 pm

Pagkauwi ni Chase nagtaka siya dahil nakapatay lahat ng ilaw. Kaya pumasok na ito, tahimik ang loob ng buong bahay hanggang sa.. "SURPRISE!" biglang bumukas ang ilaw at bumungad sina Farris at Jane kasama ang iba pa nilang mga kakilala. Hindi mawari ang mukha ni Chase na parang natutuwa na maiiyak. Nilapitan naman siya ni Jane habang hawak ang cake. "Happy Birthday" bati nito. "Bongga may pa cake pa" pumikit na siya sabay inihipan ang kandila.

Para kay Chase masaya ang naging kaarawan niya. Masaya niyang pinagmamasdan ang mga bisita lumapit naman si Farris sa kaniya mula sa likuran nito. "Parang may kulang" sambit ni Farris

"Ano yun? parang wala naman" nagtatakang tono ni Chase. "Oo nga pala may sorpresa pa pala kami sayo" tugon ni Chase. Umalis si Farris sa tabi nito kumunot naman ang noo ni Chase.

Pumasok si Farris kasama ang isang babae.

Nanlaki naman ang mga mata ni Chase nang makita iyon "Ameerha!?" sigaw niya. Ngumiti ang babae sa kaniya, lumapit si Chase at niyakap ito na may pagkasabik. Naluluha siya habang yakap si Ameerha "Dumating ka" sambit nito "Matagal kitang hinintay" dagdag pa niya.

Masaya sina Farris at Jane na makitang magkasama sina Chase at Ameerha. Tumingin si Chase kay Farris na nangungusap ang mga mata "Pero, paano?" tanong niya.

Bumalik sa nakaraan.

Palihim na bumalik si Farris naisipan niyang tumungo muna sa palasyo para tingnan kung ano na ang nangyayari rito. Napansin niyang tahimik ang buong palasyo nakarinig siya ng maingay na tunog sa bandang bilangguan kaya pumunta siya roon. Nakita niya ang payat at mukhang nagdusa na ama. Patong-patong kasi ang isinampang reklamo sa ama kasama na rin dito ang salang pagpatay sa asawa na ina niya at sa kaibigan na si Eros. Hinatulan ito ng pagkakabilanggo habang buhay tuluyan na rin siyang tinanggalan ng karapatan sa trono.

Pagkatapos masaksihan ang nangyari sa ama hindi nagtagal kinilala rin siya bilang papalit sa kaniyang ama ngunit naisip niya munang dalawin si Ameerha. "Haring Ceraudus" bati nito sa ama ng prinsesa "Maligayang pagbabalik, Prinsipe" bati nito pabalik. "Narito ako para ipagpaalam ang inyong anak para mahiram ko muna siya saglit may nais lang akong pasayahin" pagpapaalam ni Farris.

Tumingin si Haring Ceraudus sa anak "Gusto mo ba?" tanong niya sa anak. Ibinaling naman nito ang tingin kay Farris ilang segundo lang at ibinalik ang tingin sa ama "Kung saan ka masaya aking anak, sige pumapayag ako" tugon ng ama. Napayakap nalang si Ameerha sa ama.

~----
Pagbalik sa kasalukuyan.

"Kaya narito si Ameerha" pagtatapos ng salaysay ni Farris. "Pero nais niyo bang sumama sa akin?" aya ni Farris. "Saan?" tanong naman ni Jane.

Bumalik sila sa mundo nina Farris at Ameerha bumungad sa magkapatid ang pagbabago nito kumpara sa panahon na si Haring Lucas pa ang namumuno. "Ang daming pinagbago, mukhang maayos na ang lahat" sambit ni Jane.

Sinalubong sila ng mga kawal at tagapaglingkod sa palasyo, pagpasok nila marami rin ang naghihintay sa kanilang pagbabalik. Pumunta si Farris sa may bandang harapan kung saan naroon ang trono ng hari. Isang matandang lalaki ang nagsalita "Bumalik tayo sa aking tanong mahal na prinsipe" sambit nito. Taas noong nakatayo si Farris sa trono ng ama "Tinatanggap mo ba ang korona?" tanong nito. Tumingin siya kay Jane bago sumagot "Oo tinatanggap ko" sagot ni Farris. Pagkalungkot ang bumalot sa mukha ni Jane nang sagutin ni Farris iyon napayuko nalang siya.

Isinuot na kay Farris ang korona siya ay opisyal nang kinikilala bilang bagong hari ng palasyo nagsipalakpakan naman ang iba. "Maraming salamat sa inyong lahat, sa pagtitiwala, pagmamahal" balak ni Jane na hindi tapusin ang mga sasabihin ni Farris palakad na sana siya palayo "At sa aking reyna.." nanlaki naman ang mga mata ni Jane tsaka lumingon. Papalapit na si Farris sa kaniya, inilabas nito ang napakagarang kahon. Binuksan niya ito na naglalaman ng isang gintong singsing na kumikinang pa. "Maaari ba kitang pakasalan, Binibini?" tanong ni Farris.

Pilit pinipigilan ni Jane ang pagluha. Walang pagaalinlangan na tinanggap ang alok na kasal ni Farris. Isang malaking ngiti ang ibinigay ni Farris sabay isinuot na ang singsing.

----
Pagkalipas ng dalawang taon. Naging maayos ang pamamahala nina Farris at Jane sa palasyo kasama ang anak nila na si Prinsipe Farell. Habang sina Chase at Ameerha naman ikinasal na rin at mayroon na ring anak na isang prinsesa, si Prinsesa Chierra.

Magkabilang Mundo ( Parallel Series #1 )Onde histórias criam vida. Descubra agora