CHAPTER 1

68 3 0
                                    

CHAPTER 1
“So, what’s your name?” tanong sa kaniya ng isa sa mga staff na ngayon nag-i interbyu sa kaniya.

Ngumiti si Silex. “Silex Zalgoda, 27 years old at nagtapos po ako sa kursong Business Management.tugon niya rito at ipinasa ang kaniyang Resumé sa kaharap.

“You are the ex-wife of Mr. Gray Jacos?” tanong ng staff at napailing-iling na lang sa kaharap. “Alam mo Ms. Silex, sayang ka. Maganda ang background mo at ang kurso na kinuha mo sa kolehiyo. More than perfect ka pa nga para sa trabaho.” sumimangot ang babae at tumingin sa status niya sa Bio-Data. “Pero alam mo naman kung gaano kalakas ang impluwensya ni Mr. Jacos pagdating sa negosyo. Masisira ang kompanya namin kapag hinayaan ka naming magtrabaho dito.” mahinang saad nito at iniabot sa kaniya pabalik ang kaniyang Bio-data na ibinigay kanina. “Pasensya na talaga pero hindi ka namin p’wedeng tanggapin.” saad nito at tumayo na.

Naiwan si Silex na nakaupo lamang roon at nagsimula na ring iligpit ang mga gamit niya. Hindi na siya nabibigla sa ganitong nangyayari, halos tatlong taon na simula nang paghihiwalay nila ng Bilyonaryong asawa pero hanggang ngayon ay sini-sigurado parin ng asawa na miserable ang buhay niya.

Hindi niya malilimutan ang mga sinabi nito sa kaniya bago sila tuluyang maghiwalay. Nakatatak iyon sa isipan niya pero kahit isa ay wala siyang pinagsisihan sa naging desisyon niya na iwan ang asawa kahit sabihan siya ng ibang tao na malaking pagkakamali ang naggawa niya.

Walang araw na hindi siya nakaranas ng pagmamahal mula sa asawa. Sigaw, pagbabato ng mga gamit at pilit na pagtatalik lang ang naranasan niya mula rito. Kung wala lang impluwensya at pera si Gray ay sigurado siya na nakulong na ito.

Hindi niya nga alam sa sarili niya kung bakit pinakasalan niya ang lalaki kahit tatlong buwan palang silang magkakilala. Masyado siyang nasilaw sa pera kaya sa anim na taong sila ay kasal, bawat araw ay pinagsisisihan niya lalo na ang pagsiping sa lalaki.

Pagkatapos ng paghihiwalay nila ay hindi na niya ito nakita ulit. Matapos nitong isumpa ang buong pagkatao niya ay bigla na lang itong naglaho ng parang bula pero hindi na iyon iniisip ni Silex dahil ang mas importante sa kaniya ay magkaroon ng maayos na trabaho para sa sarili niya.

Noong hiniwalayan niya si Gray ay siya ding humiwalay ang pamilya niya sa kaniya dahil itinakwil siya ng mga ito kaya’t wala nang ibang aasahan si Silex kun’di ang sarili niya.

“Nabalitaan mo ba? Nag-apply raw rito ‘yong babaeng hiniwalayan si Mr. Jacos.” narinig ni Silex na bulungan ng dalawang babaeng nasa likod niya habang nakasakay siya ng elavator.

Tumawa ang babaeng kausap nito habang nag-aayos ito ng lipstick sa salamin. “Oo, narinig ko hindi siya natanggap dahil diyan. Alam naman niya kung gaano kasikat si Mr. Jacos, sinayang pa niya!” malakas ang sigaw nito at halos marindi si Silex sa naririnig.

“Iyon ang literal na pera na nga, naging bato pa.” tugon ng babaeng kausap. “Kung ako sa kaniya, babalik ako kay Mr. Jacos kahit pa saktan ako ‘no. Isipin mo ‘yun, wala kang ibang gaggawin kun’di bumukaka!” pagbibiro ng babae at nagtawanan ang dalawa.

Noong bumukas ang pintuan ng elevator ay agad na lumabas si Silex. Sanay na naman siya na pag-usapan ng ibang tao dahil sa ginawa niya noon pero hindi niya kayang sikmurain ang kayang gawin ng mga babae ngayon para lang sa pera. Kahit bugbugin? Kahit mapag-samantalahan na at mawala na ang dignidad bilang isang tao basta para sa pera ay gaggawin? Bakit ganoon? Sa pera na lang ba umiikot lahat?

Nasilaw si Silex sa matinding sikat ng araw ng makalabas na siya ng kompanya. Matinding init ang naranasan niya, kahit kakalabas pa lang niya ng gusali ay halos tagaktak na ang pawis niya. Itinakip niya ang dalang folder sa mukha para hindi ito tamaan ng araw at nagsimulang maglakad patungo sa kalsada.

ROMANTIC RIVALRYWhere stories live. Discover now