CHAPTER 2

29 1 0
                                    

CHAPTER 2
NAGISING si Silex na mabigat ang ulo, siguro ay dahil marami siyang iniisip kagabi. Nakalimutan na nga niya kung kailan siya nakatulog basta na lamang pumikit ang mga mata niya, dahil sa pagod.

Huminga ng malalim si Silex, naubos niya nga pala ang pera niya kahapon kaya wala siyang pambili kahit na agahan man lang. Kumakalam na din ang sikmura niya dahil kagabi pa siya hindi kumakain, kung tinanggap lang sana niya ang inaalok na pagkain noong lalaking muntik pumatay sa kaniya. Pero ‘di bali na, ang importante ay nilayuan na siya nito.

Binuksan ni Silex ang mga bintana at nasilaw naman siya sa sikat ng araw sa labas. Tirik na tirik ang araw at talaga namang napakabanas.

Pahikab-hikab pa siyang binuksan ang pintuan ng maliit na kwarto na tinutuluyan niya. Kung tutuusin ay napakaliit ng kwarto na tinutuluyan niya pero para kay Silex ay malaking bagay na ito kung may banyo naman ay bakit pa siya tatanggi.

Itong maliit at masikip lang ng kwarto ang nakuha niya mula sa dating asawa. Magpasalamat nga raw siya na binigyan pa siya ng kahit kaunting.

Biglang tumunog ang telepono niya kaya naman agad niya itong tinignan kung sino ang tumatawag ng ganito kaaga. “Hello?” bati niya sa telepono.

Walang pangalan ang tumatawag sa kaniya at tanging numero lang nito ang nakita niya. “Sino po kaya sila?” magalang na tanong niya sa kabilang linya.

“Am I speaking to Ms. Zalgoda?” tanong ng isang babae. “We have received your application regarding with the Personal Assistant application. We would like to invite you in a job interview with the Chief Executive Officer of Exalt Corporation. We are looking forward to meet you.”

Halos gusto na ni Silex na magsisigaw pero pinigilan niya ang sarili. Kailangan niyang maging propesyonal sa mga ganitong bagay para maka-ahon siya sa hirap.

“For more information, please check your email. Thank You and Have a nice day.” anang babae at ibinaba na ang telepono.

Nagtatalon si Silex sa tuwa sa mga narinig niya. Pagkatapos ng tatlong taon na paghihintay ay sa wakas may trabaho na rin siya, hindi niya na kailangan pang maghanap ng mauutangan para lang makaraos siya sa isang araw.

Dininig nadin ng langit ang kaniyang mga dinadasal sa araw-araw. Ngayon, ang tanging kailangan niya na lang gawin ay maghanda para sa interbyu niya bukas, hindi p’wedeng masayang at mauwi na lang sa lahat ang mga pinaghirapan niya. Minsan lang dumating ang swerte kaya mag-uuwi na siya ng puno ang lalagyan.

“Mr. Axelt, nandito na po si Ms. Zalgoda.” anang sekretarya niya matapos nitong buksan ang pintuan.

Ngumiti siya dito at sinenyasan ito na papasukin ang bisita. Buti na lamang at siya ang nakakuha sa kaisa-isang babae na pinakasalan ni Gray Jacos, ito na ang pagsisimula ng pagsira niya sa pangalan ng matagal na niyang karibal sa negosyo.

Tumayo siya ng pumasok na ang babae sa loob at nakatingin lamang siya rito mula ulo hanggang paa. Halos mapalunok siya para pigilan ang sarili dahil nakasuot ang babae ng maikling skirt at ang pang-itaas naman nito ay halos iluwa na ang dibdib niya.

Inilahad niya ang kamay niya sa babae habang may ngiti sa mga labi para matanggal ang nakikita niyang nerbyos sa mukha nito. “Welcome to Axelt, Ms. Zalgoda.” aniya at kinamayan naman siya nito. Kagaya ng inaakala niya, nanlalamig ang kamay nito senyales lamang na kinakabahan ito. “Please, take a sit.” magalang na tugon niya.

Matapos maupo ni Silex ay tsaka lamang siya umupo sa kaniyang swivel chair. Ngumiti siya sa babae na talaga namang nakaka-akit ang ganda. Hindi na siya nagtataka kung bakit pinakasalan ito ni Gray.

ROMANTIC RIVALRYWhere stories live. Discover now