CHAPTER 3

20 1 0
                                    

CHAPTER 3
NAKAUPO ngayon si Silex sa loob ng sasakyan katabi ang boss na si Trevor at panay ang pagsulyap niya rito.

Mula kasi noong may kinausap ito sa telepono gamit ang lengwahe na hindi niya maintindihan ay nanahimik na lang ito bigla at hindi na siya kinibo. Para bang masamang balita ang napag-usapan.

“Sir, ayos ka lang ba?” nagtanong na siya, hindi na kaya pa ng utak niya na mag-isip kung ano ba ang nangyari sa boss niya, hindi naman siya manghuhula.

Nakatingin lamang ito sa bintana at hindi man lang siya sinulyapan. “Yeah, all good.” maikling sagot nito na wala man lang bahid ng emosyon.

Parang nagbago bigla ang ihip ng hangin, kanina ay tuwang-tuwa pa ito habang nag-uusap sila pero ngayon? Akala mo’y pinagsakluban ng langit at lupa. Hindi alam ni Silex ang gagawin niya, gusto man niya na malaman ang nangyari ay ayaw niya ring makialam dahil hindi naman niya buhay iyon.

“Sir, nandito na po tayo.” ani Manong Isko, ang drayber ng kotse at tumigil ito sa harapan ng isang nagliliwanag na hotel. Parang pasko dahil sa mga pailaw sa labas ng hotel, halos masilaw na nga si Silex kahit nasa loob pa lang sila ng sasakyan.

Dito kasi gaganapin ang birthday ng kaibigan ng boss niya kaya’t kailangan niyang sumama para bitbitin at ihanda ang mga gamit ni Trevor. Magaan naman ang mga bitbit niya dahil tuxedo lang naman at bag nito ang dala niya na hindi naman masyadong kabigatan.

“Silex, we’ll be here for three days. Are you sure you still want to come?” tanong muli sa kaniya ni Trevor. Natanong na siya nito kanina kung sigurado ba talaga siya kasi makakasama niya so Trevor sa loob ng tatlong araw.

Tumango naman si Silex at natawa ng mahina pagkatapos ay napailing-iling ng kaunti. “Sir naman, wala ka namang bilib sa akin. Atsaka, kung ganiyan lang din naman po kaganda ang tutuluyan natin ay bakit pa ako tatanggi?” sarkastiko at pabalang na tanong niya.

Nakita niya ang maliit na ngiti na namuo sa labi ni Trevor. “Ganiyan Sir! Ngumiti lang kayo, mas magandang tignan kapag nakangiti ka.” aniya at ngumiti.

Mabait na tao si Trevor para kay Silex dahil una na lamang ay tinanggap siya ng kompanya nito kahit na alam nito ang nangyari dati sa kaniya at kay Gray. Wala pang kompanya ang naglakas ng loob na gawin iyon, bukod tangi sa Axelt. Siguro’y wala lamang nag-a apply sa kanila kaya napilitan na sila na kunin ako? Tanong ni Silex sa sarili at umiiling-iling. Imposible namang mangyari ‘yon, napakalaki at napakaganda ng Axelt, lahat siguro ay gugustuhing magtrabaho doon.

“Silex? Silex!” tawag sa kaniya ni Mang Isko na agad na nagpakurap ng mabilis sa mga mata niya. Bumalik siya sa reyalidad.

Luminga-linga ang mata ni Silex sa loob ng sasakyan at napansin na wala na kalapit niya ang boss. Bumaling siya sa matanda. “Si, Sir Trevor kaya?” tanong niya.

“Hay naku,” huminga ng malalim ang matanda at tinulungan siya sa pagdadala ng gamit ni Trevor. “Nauna na sa’yo, kanina ka pa tawag-tawag ay nakatulala ka naman. Ano bang iniisip mo?” tanong sa kaniya ni Mang Isko.

Tinulungan siya ni Mang Isko na makababa ng kotse habang bitbit ang maleta at gamit ni Trevor. “Wala naman Manong, lumutang lang ako ng saglit ang ganda kasi dito.” aniya at luminga-linga sa paligid. Naalala tuloy niya noong nag-propose sa kaniya si Gray, nirentahan pa nito ang buong hotel para lang alukin siya ng kasal.

“Masanay ka na.” tugon ng matanda habang naglalakad sila papasok ng hotel, napakaraming tao at lahat ng iyon ay mukhang mayayaman dahil sa magarbong suot ng mga ito. “Si Sir Trevor, solong anak lang ‘yon kaya kapag may pa-party ang mga kaibigan niya—pumupunta talaga siya kahit busy siya.” dagdag pa ng matanda at pumasok sila sa elevator.

Nakalimutan nga pala ni Silex na bukod sa meeting ng boss niya ay kaarawan nga pala ng kaibigan nito kaya magtatagal sila doon sa loob ng tatlong araw. Pagmamay-ari din kasi ng kaibigan ni Trevor ang hotel kaya naman ito na ang naisipang gamitin para sa kaarawan.

“Silex, kanina pa kita hinahanap.” ani Trevor pagkabukas ng elevator. Naghihintay pala ito sa kanila ni Mang Isko sa 3rd floor. “Saan ba kayo galing?” tanong ni Trevor at nakatakip ito sa hallway ng hotel na para bang may tinatago sa kaniya.

Kumunot naman ang noo niya at biglang nagtaka sa kinikilos nito kaya tumingin siya sa gilid at doon nakita niya ang dating asawa na may kahalikang ibang babae sa labas pa mandin ng kwarto. Nakasandal ang babae sa pintuan habang hinahalikan ito ni Gray at nilalamas pa ang dibdib nito.

Hindi alam ni Silex kung masasaktan ba siya o mandidiri sa nakikita niya. Sa tagal niyang hindi nakita ang lalaki ay hindi man lang ito nagbago, isa pa ring babaero at manyak!

“Silex...” bulong ng amo niya at hinawakan ang braso niya. Tinakpan muli ni Trevor ang dalawa at tinignan siya nito sa mata. “Are you okay? We can just get out of here, don’t worry about the—” napatigil ito ng ngumiti si Silex.

“Ano ba kayo Sir!” nakangiting saad niya at umirap sa hangin. “Para lang diyan ay aalis na tayo? Matagal na kaming tapos, naka-move on na po kaya ako.” mataray na saad niya.

Nakita niya sa mata ni Trevor ang awa para sa kaniya pero ngumiti na lang si Silex. Aaminin niya, masakit ang nakita niya dahil kahit kailan man hindi niya makakalimutan ang lalaki na nagpa-paniwala sa kaniya na may pag-ibig pero, hindi naman porket ngayon na nagbalik na ito ay iiwasan niya na ito na parang natatakot siya rito. Hindi, ipapakita niya rito na mas maayos at maganda na ang buhay niya ngayong wala na si Gray sa loob noon.

“Ah, Axelt my brother.” narinig niya ang tinig ni Gray at nakita niya na naglalakad ito papalapit sa kanila.

Hindi maiwasan ni Silex ang matakot at napahigpit ang hawak niya kay Trevor habang ito ay lumalapit. Matagal na simula ng makaramdam siya ng pananakit mula sa lalaki pero hanggang ngayon ay hindi parin niya makalimutan kung paano siya bugbugin ng lalaki.

“You’re with someone?” tanong ni Gray habang siya ay nasa likod ni Trevor at nagtatago. “A girlfriend maybe? Look at you, always want to keep things private.” sarkastiko ang boses nito.

Hinawakan ni Trevor ang kamay niya at inilabas siya mula sa pagkakatago sa likuran nito. “I’ve had enough hiding my relationships, I’d like to be public this time.” malaking ngisi ang nakaguhit sa mukha ni Trevor habang hawak-hawak siya nito.

Nakita niya ang reaksyon ni Gray at titig na titig ito sa kaniya na halos balatan na siya ng buhay. Nakita pa niya kung paano ito tumingin sa kaniyang dibdib. Manyak talaga! Pero, tama ba ang narinig ko? Ano’ng ginagawa ni Sir Trevor?!

“Are you kidding me, Trevor?” tanong ni Gray at natawa. Tumingin ito sa lalaki. “My wife, you are in a relationship with a woman that I have!” malakas ang sigaw nito.

“Your ex-wife and the woman you had.” ani Trevor at ngumiti sa lalaki, sumulyap pa ito kay Silex kaya naman namula na siya. “Time flies Jacos, look at the diamond you threw, shining through the night.” dagdag pa ng lalaki at kumindat pa sa kaniya. “Kaya nga lang, sa kama ko na.” pang-aasar pa nito.

ROMANTIC RIVALRYDonde viven las historias. Descúbrelo ahora