CHAPTER 5

14 2 2
                                    

CHAPTER 5
“Sir Trevor?” tawag ni Silex sa amo dahil kanina pa ito sa loob ng kwarto, nagbibihis. “7:30 na po, baka ma-late na kayo.” dagdag pa niya at kumatok muli.

Napa-atras siya nang lumabas ang lalaki at mukhang iritado ito dahil naka-kunot ang kilay. “Can you help me with this thing? I can’t do it by myself.” halata ang inis nito pero kalmado parin siya nitong kinausap.

Iginiya ni Trevor ang braso sa kaniya dahil hindi nito kayang itupi ang polo nito hanggang siko na mag-isa. Kinuha ni Silex ang dulo ng polo at tinanggal ang pagkaka-butones noon at dahan-dahang itinupi. Napangiti na lamang siya sa ginagawa dahil naalala niya pa noong tinuruan siya ni Gray kung paano ito gawin, kahit naman papaano ay naging mabuti ito sa kaniya...sa una nga lang.

“Thanks, I don’t know what to do without you.” anang lalaki at ngumiti ito sa kaniya.

Halos mamula na si Silex sa mga sinasabi nito kaya napatungo na lamang siya. “Ginagawa ko lang naman po ang trabaho ko Sir.” aniya at ngumiti sa lalaki. “Siya nga po pala, sabi ko sa’yo! Bagay sa inyo!” komento niya sa suot ng amo.

Nakasuot ito ng puting polo at puting pantalon, natuwa si Silex dahil sinunod ng lalaki ang payo niya. Ang linis tuloy nitong tignan, lalo na at bukas ang polo nito hanggang dibdib at nakatupi pa hanggang siko. Para tuloy siyang anghel galing sa langit. Ang pogi! Sigaw ni Silex sa isip niya.

“Huy ‘teh, paki-pulot nga nung panga mo sa sahig, nalaglag ata e.” pagbibiro ni Marj kaya inirapan naman niya ito.

Natawa si Trevor. “Marj, what’s my schedule for tomorrow?” tanong ng lalaki.

“Ah! Well, you do have a meeting with Mr. Chan at 7:00 AM–” pinutol na agad siya ng lalaki.

Huminga ito ng malalim. “Could you please re-schedule that meeting?” tanong nito at umiling-iling. “There’s no way I can meet him early tomorrow.” dagdag pa nito at sinuot na ang sapatos.

“What the fuck are you looking at?” iritadong tanong ni Gray sa kasintahang si Estiella habang nakahiga ito sa kama.

“You look good.” anang babae kaya napakunot lalo ang kilay niya.

Itinupi niya ang polo niyang itim na hanggang siko at tinalikuran lamang ang babae. Naghahanap na siya ng pantalon na isusuot. Naramdaman niya ang mga bisig ni Estiella sa beywang niya. “I could go for another round, you know?” mapang-akit na tanong nito sa kaniya.

Agad na nag-init ang dugo ni Gray at marahas na tinanggal ang braso ng babae sa kaniya. Hinawakan niya iyon ng mahigpit at halos itapon na ang babae sa sahig. “Don’t fucking touch me with your disgusting little hands, you slut!” malakas na sigaw niya at tumingin sa babae habang nanlilisik ang mga mata.

Nakabahid sa mukha ni Estiella ang takot para sa kaniya, hawak-hawak nito ang mga kamay niyang namumula dahil sa mahigpit na kapit ng lalaki. “You don’t get to tell me what to fucking do, you’re my whore, not my wife.” kalmado na ang boses nito pero halata parin ang galit sa mga mata.

Dinakma nito ang leeg niya at pinisil iyon ng mahigpit. “Stop testing my fucking patience, whore.” ani Gray at marahas na binitiwan ang leeg niya at halos ihagis na siya sa sahig. Tumalikod ang lalaki sa kaniya at kumuha ng itim na pantalon, pinapawi niya ang luha sa mga mata niya habang dahan-dahang tumatayo mula sa sahig. “If I see your face again, I will fucking kill you.” dagdag pa ng lalaki at halos tumindig ang mga balahibo sa katawan niya.

Nagsuot si Gray ng pantalon at padabog na umalis sa loob ng kwarto. Naglakad siya sa hallway at nakita niya si Trevor na kakalabas lang din ng silid. Halos hindi niya makontrol ang galit na nanalaytay sa loob niya dahil katulad na katulad niya ito ng suot maliban na lamang sa kulay.

ROMANTIC RIVALRYWhere stories live. Discover now