CHAPTER 6

16 2 2
                                    

CHAPTER 6
“Saan mo ba ako balak dalhin?!” malakas ang sigaw ni Silex habang nagpupumiglas sa pagkakatali ni Gray gamit ang necktie nito. “P’wede ba pakawalan mo na ako?! Ano pa bang kailangan mo sa akin?!” malakas na sigaw niya.

Nagmamakaawa na siya sa lahat ng diyos na kakarinig sa kaniya na palayain na si Gray pero ni isa sa mga dasal niya ay walang duminig. Hindi siya makakilos o makasigaw kanina dahil hawak nito ang beywang niya at alam ni Silex na isang maling galaw malaki ang chansa na patay siya.

“Shut your mouth, Silex.” tanging tugon ng lalaki habang nagmamaneho ng sasakyan. “I’m just holding myself, don’t try me.” dagdag pa nito.

Huminga si Silex ng malalim. “Ano bang akala mo? Matatakot ako sa’yo? Pagkatapos ng lahat ng ginawa mo sa’kin noon?!” malakas na sigaw niya at nagpupumiglas parin siya. Hindi na siya natatakot sa lalaki dahil hindi na nito hawak ang katawan niya. Hindi siya bobo, alam niya kung paano ipagtanggol ang sarili niya sa mga ganitong sitwasyon.

“Shut the fuck up!” malakas na sigaw nito at itinigal ang sasakyan na halos magpasubsob sa kaniya. “Sorry, I shouted. It’s just please, shut up.” ani Gray sa kalmado at mababang boses, malambot pa ito at parang naglalambing.

Kumunot ang noo ni Silex. “Since when did you learn how to speak gently?” tanong niya at ngumisi. “Parang dati lang halos duraan mo na ang mukha ko ah?” sarkastiko ang mga tanong niya.

Hinarap siya ng lalaki at tumingin ang malamig nitong mga mata sa kaniya. Halos tumayo ang mga balahibo niya dahil sa kakaibang pakiramdam na naramdaman ng puso niya. “Since the day you left.” pabulong ang pagbigkas niya pero sapat na para marinig niya iyon.

Bumalik ang mga mata ni Gray sa daan at nagsimulang patakbuhin muli ang sasakyan. “You’re not the only one who suffered.” anito.

Ano?! Akala niya ba ganun ganun na lang kadaling kalimutan lahat ng ginawa ng lalaki sa kaniya? Halos mabaliw siya, napunta siya sa Hospital, hindi makahanap ng trabaho at halos hindi maka-kain dahil walang pera tapos may lakas ng loob ang lalaking ito na sabihin na naghirap din siya?! Eh siya nga itong dahilan kung bakit naghirap si Silex, kung bakit nawala sa kaniya pati ang pamilya niya, kung bakit nakaranas siya ng isang kahig, isang tuka. Ang kapal talaga ng mukha!

“Sige nga, sabihin mo nga sa’kin. Ano ba talagang kailangan mo sa akin?” kalmadong saad niya at tinigilan na ang pagpupumiglas mula sa pagkakatali sa mga kamay niya dahil nagsusugat na ang mga ito. “Sex ba?! Oh sige, kunin mo na! Ngayon na! Matapos na lang ‘to at makabalik na ako.” malakas anv sigaw niya at bumukaka sa harap ng lalaking nakatuon ang atensyon sa daan.

Huminga ng malalim si Gray at narinig iyon ni Silex. Itinigil muli nito ang sasakyan at bumaling sa kaniya. Nakatingin ito sa pagitan ng hita niya,  sabi na nga ba. Ito parin ang dating Gray na nakilala niya.

“Kunin mo na, parausan mo lang naman ako ‘di ba? Pinakasalan mo lang naman ako—?” naputol ang sasabihin niya nang hinawakan nito ang binti niya at itinikom ang dalawang hita niya.

“Pinakasalan kita kasi minahal kita.” mahinang saad na halos magulat siya. “I know, I’m an asshole but please, give me another chance...another chance to love you again.”

Natawa si Silex at tumingin sa mga mata ni Gray. Lumapit ito sa mukha niya halos magdikit na ang mga labi nilang dalawa. “Love? You call that love? You call this love?” tanong niya at napailing-iling. “Gray walang pagmamahal na ganito ka sakit, walang pagmamahal na dumudurog sa isang tao. Kasi kapag mahal mo talaga ako, hindi mo ako kayang saktan.” dagdag pa niya at pinawi ang mga luha sa mga pisngi niya na patuloy na pumapatak. “Durog na durog ako noong wala ka, halos hindi ako maka-kain at makatulog tapos sasabihin mo mahal mo ako?! Ano bang klaseng pagmamahal ‘yan?!” malakas na sigaw niya at gustong sampalin ang lalaki pero hindi niya magawa.

ROMANTIC RIVALRYWhere stories live. Discover now