Chapter 18: Who Found Her?

30.5K 932 117
                                    


Tyron's POV

"Alam ko na kung nasaan siya, boss." Humarap agad si boss sa akin pagkatapos niyang marinig ang sinabi ko. "Na-track ko ang location ng tinawagan ni Madame Clarisse kanina at ayun sa nalaman ko, sa isang bahay ito na malayo dito sa syudad."

Simula nung naghinala si boss, pina-hacked niya sa akin ang cell phone ni Madame Clarisse at pinabantayan sa akin ang lahat ng mga tinatawagan nito. Kung susundan kasi namin siya, madali niya kaming mabibisto kaya sa simple at tahimik na paraan nalang namin siya hinuhuli. At tama nga ang hinala ko na tinatago nga ni Madame Clarisse si Nina. Pero bakit?

"Are you sure she is there?"

"Yes, boss. Sa pagkakaalam ko, wala namang kakilala si Madame doon at hindi siya ni minsan nagagawi sa lugar na iyon. Ngayon lang na kung kailan na may hinahanap tayong nawawala. Ano sa tingin niyo, boss?"

Napaisip siya at sa tingin ko ay umagree ito sa akin kaya agad siyang tumayo. "Let's go. Give me the address." Kinuha ko ang cellphone ko at pinasa sa kanya ang address na nakuha ko.

"Mga halos isang oras din ang byahe papunta doon, boss, lalo na at traffic ngayon," sabi ko habang nakasunod sa likod niya dahil ang bilis niyang maglakad.

Pagkalabas namin ng bahay niya ay agad siyang sumakay sa kotse niya at siya mismo ang nagmaneho. Hindi man lang ako hinintay at humarurot na agad ang kotse.

Tsk tsk tsk.

Ibang klase. Pag-ibig nga naman.

Natawa ako sa mga kilos ni boss. Ang bilis eh. Napailing nalang ako tapos sumakay sa isa pang kotse na nasa harapan ko at saka sinundan namin si boss.

* * *

Nina's POV

"Nina..."

Nagulat ako sa nakita ko pagkabukas ko ng pinto. Paano niya nalaman na nandito ako? Anong ginagawa niya sa lugar na ito at anong kailangan niya sa akin?

"M-Mike?" Takang tanong ko.

Pumasok siya agad sa loob na kinagulat ko at siya na mismo ang nagsarado ng pinto. Pagkatapos ay lumapit siya sa akin.

"Nina, I will help you get out of here." Sabay hawak niya sa magkabilang balikat ko.

"Huh?"

"I know you are hiding from him. I can help you get away from him."

Alam ko kung sino ang tinutukoy ni Mike. Isa lang naman ang iniiwasan ko. Pero bakit niya alam na nagtatago ako kay Nathan?

Iba na si Mike ngayon kumpara sa Mike nakilala ko noon. Ang laki ng pinagbago niya.

Pero ganun pa man, hindi ako natatakot dahil alam kong mabuti siyang tao. Yun ang pagkakakilala ko sa kanya. Mabait siyang kaibigan.

"Mike." Yun lang ang nasabi ko. Nahihiya din kasi ako sa kanya lalo na at may pinag-uutos sila Nathan sa akin tungkol sa kanya.

"Gusto lang kitang tulungan na makalayo sa kanila. You have a chance now."

"Pero, Mike, paano si tita? Magpapaalam muna ako sa kanya. Siya kasi ang tumulong sa akin makatakas ng bahay ni Nathan."

"No need to tell her. She is his mother. If you tell her, matutunton ka nila. Mas mabuti kung hindi nila alam ng sa ganun ay tuluyan ka ng makatakas sa kanila."

"P-Pero paano mo nalaman—"

"Alam ko lahat, Nina. He is just using you. Jonathan is a cruel man. He will do everything just to put himself up. You should not believe him. Masama siyang tao. He is capable of killing you." Napanganga ako dahil naalala ko yung sinabi niya sa akin dati. Ilang beses nilang sinabi sa akin na kaya nila akong patayin. Bigla akong nakaramdam ng takot dahil sa naalala. "Ito na ang oras na makakatakas ka sa kanila. Noong nalaman ko na nakuha ka niya, alam ko na agad na may balak siyang masama sayo kaya naghintay ako ng pagkakataon na mabawi kita mula sa kanila at ito na yung oras na yun. So please trust me, Nina."

Welcome to the Mafia WorldWhere stories live. Discover now