Stolen Hearts! - [Four].

286 35 6
                                    



RONI'S POV

Napahawak ako sa ulo ko sa sobrang sakit nito. Grabe! Dami ko palang nainom kagabi.

Napabalikwas ako ng bangon. Sino nagdala sa akin dito? P-Paanong—.

OMG!

Nakakahiya! Napasapo ako sa mukha ko nang maalala ko ang ginawa ako kagabi. Feel ko tuloy naiingayan na siya sa akin..

Inis akong bumaba sa kama mo at nagtungo sa bath room para maghilamos at mag toothbrush.

"SANDALI!" sigaw ko nang may kumatok sa pintuan sa labas.

Gulat kong tinago yung toothbrush na hawak ko sa likuran ko nang bumungad sa harapan ko si Borj. Ang aga niya magising ah.

"Naistorbo ba kita?" tanong nito.

Umiling ako, "Hindi naman."

"Sure ka? May bula pa 'yang bibig mo—." Mabilis ko isinara ang pinto at sumandal doon.

Nakalimutan kong magmumog!

Pinunasan ko ang bibig ko gamit ang mga kamay ko. Grabe na yung kahihiyan ko. Oh my gosh, Ronalisa Salcedo!

"Roni.." katok ulit nito sa pintuan. "Iwan ko na 'tong coffee na tinimpla ko dito sa may baba ng pintuan. Inumin mo ha, pangpatanggal din ng hang over 'yan." aniya.

Para akong tanga sa ginawa ko. Dumapa talaga ako sa sahig at sinilip sa maliit na butas sa pintuan kung nandoon pa ba siya.

Mabilis kong binuksan ang pintuan nang mapagtanto kong wala na siya.

Tinitigan ko ang isang tasa ng kape. Hmm..first time ko iinom ng coffee na hindi ako ang may gawa or staff ko.

Masarap kaya?

Napaawang ang bibig ko nang matikman ang kape na tinimpla ni Borj.

Ang sarap, gagi!

Hire ko kaya siya sa shop ko? HAHAHA. Joke kang.

Pero to be honest, ang sarap talaga. Parang gusto ko tuloy huminga pa ng isa.

After ko maubos ang kape, inayos ko muna ang kwarto na tinitigilan ko bago ako nagbihis para makalabas na. For sure hinihintay na ako ng mga iyon.

Nakakainis namana kasi e. Sino ba kasi may sabi sa kanila na pumunta sila dito? Problema ko pa tuloy sila, dagdagin pa sila sa iniisip ko.

Mananagot talaga 'tong si Antonio Rodriguez sa akin.

Pero maigi na rin na nandito sila para hindi ako nabobored at hindi puro dagat at buwan ang kausap ko.

Infairness, masaya kausap si Borj. May sense siya kausap unlike sa kuya ko na ubod ng loko-loko. Walang magandang salita ang lumalabas sa bibig nun. Puro pang-aasar lang, dun siya magaling e.

Nadatnan kong masayang nagkukuwentuhan sina Kuya sa lobby. May mga pagkain na rin ang nakahanda sa lamesa pero hindi pa nila ito ginagalaw.

Seryoso? Hinintay pa talaga nila ako?

Papalapit pa lang ako sa kanila nang makita ako ni Borj at sumenyas ito na sa tabi niya aki umupo, well no choice naman ako kasi yun lang din ang bakanteng upuan.

"Good morning, Roni!" Bati nilang lahat sa akin nang makita na nila ako.

Tipid ko naman silang nginitian at naupo na sa tabi ni Borj.

"Since na dito na si Roni, kain na tayo guys!" isa-isa silang nagkuhanan ng pagkain nila.

Pinapanood ko lang silang lahat. Hindi ko napigilang mapangiti. Ang saya nilang tignan. Sana laging ganito noh.

Stolen Hearts! [COMPLETED)Where stories live. Discover now