Birthday Wish Chapter 01

14 0 0
                                    

"Elle wake up! look out the window!

Ang hapdi pa ng mga mata ko, kaya hindi ko ito maimulat ng maayos.

"Give me a minute" I stretch my body and yawns before I stand up and see what's there in the window

It's Tristan. He has been courting me since grade school, till now that we're 4th year highschool. He's still consistent to wait until my 18th birthday. Sinabi ko kasi sa kanya na kapag mag 18th ako, saka ko siya sasagutin dahil legal age na'ko. Pero for now, hindi pa dahil more on focus ako sa mga studies ko at sa family ko.

At kung boyfriend material lang ang pag uusapan, pasok si Tristan dun. Dahil napaka ma alaga niya at gagawin niya lahat mapa saya ka lang. Marunong Rin siyang magluto, minsan nga pinapabaunan niya ko para raw maka tipid. Nasa kanya na lahat itsura,ugali,estado sa buhay. Lahat. Kaya hindi ka talagang mag aalinlangan na sagutin siya.

As I looked into the window I saw him holding a guitar. I was too shocked to see him outside our house standing and holding a guitar and I was also shocked to see him doing those things. Dahil bihira nalang yata sa mga lalaki ang haharanahin ka, dahil para sa iba lumang pamamaraan na ito nang panliligaw sa dalaga. Pero kahit luma na pala, kikiligin ka parin talaga.

Ang sarap sa tenga pakinggan ang mga boses niya habang kinakanta ang paborito ko'ng tugtugin na 'When I met you'

"Ano pang ginagawa nito dito? gabi'ng gabi na ah" tanong ko ng may pag aalala

"Gusto lang kitang makita Elle" sagot nito sabay tulak sa kanya ng kasama niya

Hindi ko naman maitago ang kilig ko.

"m-makita? Magkikita naman tayo bukas ah, diba lunes na bukas? Oh sana pinagbukas niyo nalang 'yan" saad ko sa malamig ko'ng tono

"Eh baka may makakita kapag pinagbukas ko pa, nahihiya ako.." saad nito habang nahihiya

"Baket ayaw mo ba?" Dagdag pa nito

"G-gusto..." Naiilang ko'ng sagot

"Yun ohh" hiyawan ng mga kasama niya

"Pero kase.. gabi na oh.. may pasok pa tayo bukas" saad ko habang pinipisil ang mga labi ko

"Sige Elle, kita nalang ulit tayo bukas goodnight... *May pa bulong naman Ang mga kasama niya sa kanya* i-iiloveeyou.." nahihiyang saad nito habang tinutulak siya ng mga kasama niya

"H-hoy...Ewan ko sainyo! Umalis na kayo Gabi na, baka magising pa yung mga kapitbahay sa ingay niyo jan"

"Di mo manlang ba gagantihan yung sinabi ng kaibigan namin?" Saad ng kaibigan niya sabay turo kay Tristan

"Ano ba sinabi niya pre?" Pangising dagdag pa ng isa niya pang kaibigan

"Ano nga ulit yung sinabi mo pre? Hindi ata narinig ni Borjok eh" sabi ng kaibigan niya habang naka akbay sa braso niya

"Yung alin? Yung I love you?" Saad ni Tristan sabay titig sa'kin

"AYIEEEEEEEEEE" hiyawan naman ng dalawa

"Ewan ko sainyo! Matutulog na'ko babyeee!!"

I'm trying to be cool so it won't be obvious that I'm melting for his words.

As I closed the window, dun kuna inilabas ang kilig na kanina ko pa pilit itago. I don't want him to see me blushing because I'm trying my best to act cool towards him.

Tinutulak tulak naman ako ni Zarrah sa kilig, kala mo naman siya yung hinaranahan eh.

"aray ko teh!!" Napa aray ako dahil sa mga tulak niya

"goosh Elle!! I can't believe that he still do that kind of courtship. Kasi based sa mga naging ka relationship ko, iba eh, ibang iba siya.he's unique eh. Tristan is unique. And ewan ko ba ba't pinapatagal mo pa 'yang panliligaw niya sayo eh halata naman na hulog na hulog ka na sakaniya no'!"

"Matagal ko nang sinabi sayo diba na hindi ako magjojowa hangga't hindi pa'ko nakakatungtong sa legal age. Kaya kung consistent talaga siya, he'll wait for that day to come."

"Talagang consistent talaga 'yan sayo imagine mula grade 6 hanggang ngayong grade 11 ka-"

"Grade 10.." napa irap nalang ako

"grade 10 imagine more than 5years ka na niyang nililigawan. Siya na talaga bes.." saad nito sabay tapik sa braso ko

"Ewan ko bes.. I still don't know if he's the one na nga. Sa mga issues na kumakalat ngayon, ang hirap ng magtiwala at umasa sa Tadhana."

"Kaya sa karelasyon ka umasa." Saad nito sabay higa

"Ampot- nasingit pa talaga yung paborito niyang palabas!" Napakamot nalang ako sa ulo

Birthday WishWhere stories live. Discover now