Chapter 2

3 0 0
                                    

Chapter 2

"Let's talk?"

Tumango ako sa kaniya. Ngumiti naman siya sa akin bago nag-umpisang maglakad. Kinagat ko ang aking labi dahil sa kaba, mag-uusap lang naman kami, pero grabe ang tibok ng puso ko! Kaunti na lang at baka lumabas na ito sa aking dibdib. I sighed and shook my head as I tried to calm myself down. Lumingon naman siya nang mapansing hindi ako nakasunod sa kaniya. I just smiled at him, trying to mask the nervousness as I started walking towards him. 

Habang naglalakad kami, napansin ko ang marahan niyang paglakad. His strides were small despite his longer pair of legs. Para bang sinasabayan niya ang pace ko nang paglalakad. Napangiti naman ako nang mapansin iyon. Maliit lamang na bagay kung tutuusin, pero nakakataba ito ng puso.  

Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero nanatili akong nakasunod sa kaniya. Hindi kalaunan ay natanaw ko ang park na nasa tapat lamang ng school. We walked until we reached the benches near the playground. Buhay na buhay ito dahil sa ingay ng mga batang naglalaro habang suot pa ang kanilang uniporme. Nakangiti ko lang silang pinagmamasdan nang lumapit si Kyro sa akin at inaya akong umupo sa bench na naroon. 

Pinagpagan muna niya ang upuan bago niya ako hinayaang makaupo at mas lalo lamang akong natuwa dahil sa ginawa niya. He is certainly someone who's gonna be classified as a gentleman. 

Ilang minuto kaming binalot ng katahimikan, parehong naghihintay kung sino ang unang magsasalita. Pero kung wala akong maiimik, gano'n na lamang ang lakas ng tibok ng aking puso dahil sa kaba. Grabe, ayaw niya talaga akong lubayan!

"So.." pagkuha niya ng atensyon ko makalipas ang ilang minutong katahimikan.

I looked at him while waiting for him to continue. 

"Si Carlo, may nabanggit siya sa'yo?" kinagat niya ang kaniyang labi at nag-iwas ng tingin sa akin. Dahil doon ay nakita ko ang pamumula ng kaniyang tenga! Nahihiya rin siya! The thought calmed me down a little as I realized na hindi lang ako ang nakakaramdam ng hiya sa aming dalawa. He was feeling nervous too!!

Tumango ako, ngunit na-realize na hindi nga pala siya nakatingin kaya sumagot din ako ng oo. 

"Hindi ko ginusto na sa gano'ng paraan mo malalaman, Paris. Naghahanap pa ako ng tiyempo para umamin pero naunahan ako ni Carlo. Siguro, natagalan sa akin," nakangisi siyang umiiling habang sinasabi iyon, para bang natatawa sa ginawa ng kaibigan. 

I didn't know what to say so I remained silent. He just confirmed what Carlo told me. He likes me. Kyro likes me too. 

Kung ang kabog ng dibdib ko kanina ay malakas na, parang mas lumakas siya ngayon dahil sa sinabi niya to the point na parang lalabas ito sa dibdib ko! Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung ano ang sasabihin ko sa kaniya. This is the first time that someone confessed their feelings for me.

"Gusto kita, Paris." 

I felt his gaze on me, as if weighing my reaction but I was just stuck speechless. Nilingon ko siya, ang puso ay halos mailuwa ko na dahil sa lakas ng tibok nito. Nginitian niya ako nang magtagpo ang aming mga mata, siguro ay tinitimbang pa rin ang reaksyon ko. Bumaba ang tingin niya sa kamay kong magkasakop na pinipisil ko dahil sa kaba. 

"I'm not forcing you to like me back, Paris. It's okay. Ang gusto ko lang ay malaman mo 'yung feelings ko sa'yo. I don't want you to feel pressured just because I confessed." 

Huminga ako nang malalim dahil sa sinabi niya. Hindi ako nape-pressure na gustuhin siya dahil kahit hindi siya umamin ay crush ko na talaga si Kyro! Hindi ako sigurado kung kailan ako nagsimulang magka-feelings para sa kaniya. I just found myself starting to pay more attention to him, and my heart started to beat like crazy whenever he's around me. 

"W-Wala bang sinabi sa'yo si Carlo kanina?" kagat ko ang aking labi habang tinatanong ko iyon, kinakabahan dahil baka may sinabi din sa kaniya ni Carlo na crush ko rin siya!

Tiningnan niya ako na para bang nagtataka and I immediately understood that Carlo didn't snitch on me unlike what he did with Kyro. Tumango ako, iniisip kung sasabihin ko na ba ngayon ang nararamdaman. 

I glanced his way again, and he was already looking over the kids playing by the playground, a small smile was etched on his face. 

Hinayaan kong panuorin niya ang mga batang naglalaro at ibinigay ang oras na iyon para mag-isip. I know he told me not to rush myself nor was he pressuring me. Ako pa nga ata ang pume-pressure sa sarili ko. I inhaled once again. Maraming bagay ang pumapasok sa isip ko dahil dito. 

Kung hindi ko ngayon sasabihin, kailan? For sure, he won't be able to wait that long! Hindi naman sa hinihusgahan ko siya, pero hindi ba ay ganoon kadalasan ang nangyayari? Plus, hindi ba may paniniwalang kapag umamin ang isang tao, unti-unti ring mawawala ang feelings niya do'n sa crush niya? What if gano'n 'yung mangyari tapos kung kailan ako aamin ay may iba na pala siyang gusto? Eh di mabo-broken ako no'n? Masakit 'yon!

Napailing na lang ako dahil sa naiisip. Napaka-overthinker ko naman! Akala mo naman ay magiging jowa ko siya agad dahil lang umamin siya! Malay mo naman ay hanggang crush lang pala ang tingin niya sa akin at hindi girlfriend material! Pero ang tanong, handa na ba akong pumasok sa isang relasyon? 

"Ayos ka lang, Paris?" tanong niya nang mapalingon sa akin, naabutan siguro ang pag-iling ko sa sarili. 

Tumango ako at nilingon siya, his eyes immediately met mine and once again, my heart started to beat rapidly. Ngumiti siyang muli kaya naman gano'n na lang ang lalong pagbilis ng tibok ng puso ko. Diyos ko! Hindi kaya may problema na ako sa puso kaya ganito?

"Like I said, hindi kita minamadali, Paris. I just want to tell you about what I feel." Marahan ang pagkakasabi niya noon, halatang iniintindi ako at siguro ay natatakot na baka nape-pressure niya ako. 

"Hindi mo naman talaga ako kailangang madaliin, Kyro. Kasi noon pa man ay g-gusto na rin kita."

Agad akong umiwas ng tingin pagkasabi ko noon, nahihiya. Siguro ay kasing pula na ng kamatis ang mukha ko! 

"T-Talaga ba?" napalingon ako sa kaniya nang magsalita siya matapos ang ilang segundong katahimikan. Gano'n na lamang ang gulat ko nang makitang maging siya ay mapula rin ang mukha! Crush talaga ako nito, guys!

Dahan-dahan akong tumango kahit na hiyang hiya. For sure, kung mayroon kaming mga kaklase rito ay grabe na ang panunukso nila sa amin! Tuwang tuwa pa naman ang mga 'yon sa tuwing may nalalamang mga crush-crush!

His hands slowly went towards his face, trying to conceal his blushing ones. Natawa ako dahil doon kaya nilingon niya ako, pabirong sinasamaan ako ng tingin. 

"Bakit ka tumatawa? Ikaw rin naman nag-blush, Paris!" puna niya at doon ay na-realize na hindi nga lang pala siya ang namumula sa amin! Napatakip din ako ng mukha dahil sa kahihiyan at realization. 

Napatawa siya dahil sa ginawa ko, kaya kalaunan ay natawa na rin ako sa lagay naming dalawa. Grabe, hindi ko akalaing ang kaba ko kanina ay mapapalitan nang pagtawa! Hindi kalaunan ay humupa ang tawanan namin at muli ay binalot kami ng katahimikan. I stared ahead, a small smile still lingering on my face as I watch the sun slowly setting. 

"Paris." 

Nilingon ko siya sa kaniyang pagtawag, he was still looking ahead, as if engulfing the beauty of the setting sun. While I was the one who's admiring his beauty. His tanned skin shined brightly as the sun's fading rays interact with his skin. 

Kalmado ang puso ko habang hinihintay ang kung ano mang sasabihin niya sa akin. Ibinaling niya ang kaniyang tingin sa akin at agad na nagtagpo ang aming mga mata.

"Can I court you?" 

And my heart was beating hard once again. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 20 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Along With The WindWhere stories live. Discover now