Chapter 48

173 3 0
                                    

A week has passed, naging matamlay ako for some reason, hindi ako makausap ng maayos at laging tulala. Hindi ako masyadong makatulog tuwing gabi dahil nanaginip na naman ako nang hindi maganda. Alas worried about me, halos hindi niya na ako maiwanan dito dahil sa sobrang pag aalala niya. But i know he knows that i need some time alone with myself.

And my twin brother, he goes often here. Wala naging kibo sa aming dalawa sa nag daang araw. Binibisita niya lang ako o dinadalhan ng makakain. May minsan ay sinusubukan niya akong kausapin pero hindi niya magawa. Dahil ako mismo ang umiiwas.

"Oh what happened? May nararamdaman ka ba?" Nurse Jane asked me.

Umiling lang ako bilang sagot. Bumuntong hininga ito at umupo sa tabi nang higaan ko. Hinawakan niya ang kanang kamay ko.

"Do you have a problem ba? Pwede mo namang sabihin sa akin, makikinig ako..." Ngumiti siya nang matamis.

Hindi ako nakasagot. Binaling ko ang tingin sa labas ng bintana at tahimik na nagmamasid doon.

"Basta lagi mong tandaan, may mga tao pa ring nandyan para sayo at naghihintay na makausap ka ulit. Don't hesitate to talk to other people ha, basta if you feel that you're ready to talk someone, mag salita ka na. But if you're feeling that you are not ready yet... Wag muna."

Binitawan niya ang kamay ko kasabay no'n ang pag bukas ng pinto. Naramdaman kong umalis na sa pag kakaupo si nurse jane.

"See you later, get some rest." Huling narinig ko kay nurse jane bago siya lumabas.

Hindi man ako tumingin pero andyan na naman ang tingin nung isa sa akin. Narinig ko ang mga yapak nito na palapit sa akin at huminto na siya mismo sa harap ko.

"Rein..." He called my name but i didn't answer him. "Usap na tayo, please?" Mahinang pagsasamo niya.

Tumingin ako sa kanya at hindi nag abalang sumagot. Tinignan ko ang mukha niya na ngayon ay nababakas ang lungkot, may itim na rin sa ilalim ng mata niya at halata ang walang tulog dito.

At nang hindi ako sumagot ay dahan dahan itong umupo sa gilid ng higaan ko. Sinubukan niya ulit hawakan ang kamay ko at naging tagumpay na siya ngayon dahil hindi ko na iniwas muli 'yon. May kung anong kislap.sa mata ang dumaan sa mga mata niya.

"I explain to you everything when you fully recover na hmm? For now, yung maintindihan mo lang muna." Mahinahong sabi niya.

Nanatiling tahimik ako habang nakamasid lang sa kanya, ni kumibo ay hindi ko magawa.

"Those months past na I don't have contact to you, nasa ibang bansa ako non rein..."

Biglang nakuha niya ang atensyon ko dahil sa sinabi niya.

Maliit itong ngumiti sa akin at bumaba ang tingin niya sa kamay ko. Dahan dahan niyang hinahaplos 'yon at ramdam ang pag iingat niya na masagi ang karayom na naka tusok sa ugat ko.

"Our grandfather... Kinuha niya ako." Pagpapatuloy niya. "Hindi niya ako hinayaang gumamit ng kung anong gadget to make a contact with you... Sound childish pero mahirap... Hindi ko nakayanan lahat 'yon. Sinubukan kong tumakas, but i accidentally heard him talk about you. He said that he already found you at mag balak siyang kunin din..." Kita sa mga mata niya ang pangingilid ng luha niya.

"Buhay impyerno ang naging buhay ko sa California rein. Ginawa niyang miserable lahat... He blame me about..." Hindi niya natuloy dahil tumingin siya sa akin. "Kaya nung narinig kong kukunin ka din niya ay inunahan ko na siya bago pa makarating nang pilipinas."

May pumatak na luha sa mata niya na agad niya sing pinunasan. Tila ba may kung anong punyal ang tumusok sa puso ko dahil alam ko kung sino ang tinutukoy niya. Bumalik na naman sa isip ko kung paano niya saktan at pinag babaril ang pamilya ko sa harap ko mismo.

Naramdaman ko ang panginginig ng kamay ko at hinawakan 'yon ni kuya ng mahigpit.

"It's okay..." He said while nodding his head to me.

"C-continue." Nahihirapang sambit ko sa kanya.

Nagulat pa ito ngunit pinag patuloy niya na din.

"But when i found you, you already bleeding in the staircase and unconscious. Namumutla ka na that time kaya walang pasabi na dinala kita sa hospital. I see your phone and that message..." Nanginginig ang boses niya. "Dammit, that bastard."

"Ikaw ang nag dala sa akin dito?"

Tumingin siya sa akin kasabay non ang pag tango niya.

"I did, nilayo kita sa manila, dinala kita dito sa Pangasinan para maitago." He said sofly, lumambot ang expression niya.

"B-but why did you not show up to me, kuya? Bakit hindi ka nag pakita sa akin kung ikaw pala yung nagdala sa akin dito?" Nahihirapang pagtatanong ko sa kanya.

"I was captured."

Natigilan ako.

"Nahuli niya ako at binalik sa California, pilit niya akong pinapaamin kung saan kita tinago... Pero wala siyang nakuhang sagot mula sa akin."

"D-did he hurt you?"

Bigla siyang umiwas ng tingin.

"Did he???" Pag uulit ko.

"Kuya! Did he hurt you?!"

Nakita ko ang dahan dahan niyang pag tango kasabay ng pagtulo nang luha ko.

"That's not important, buhay ako, andito pa." He said without looking at me.

Mahina ko siyang tinulak. "Paano kung iba ang gawin niya sayo ha?! Tangna kuya ikaw na nga lang natitira sa akin eh! Demonyo 'yon kuya! Pinatay niya si mommy at daddy!" Tinulak tulak ko ang balikat niya habang humihikbi.

Doon siya napatingin sa akin na may gulat ang mga mata. Hinuli niya ang kamay ko at pinunasan ang luha sa mata ko.

"Do you remember everything?" Mahina niyang tanong sa akin.

Umiiyak akong tumango sa kanya, narinig ko siyang nagmura nang mahina kasabay non ang pag yakap niya sa akin ng mahigpit. Tuluyan na akong naiyak sa kanyang balikat at niyakap siya nang mahigpit.

Tangina ang bigat bigat..

"H-hayop siya... P-pinatay niya si mommy at daddy..."

Naramdaman ko ang pag haplos niya sa likod ko.

"W-wala siyang awa kuya... He killed our family..."

"I know..." He whispered.

Tanging pag iyak ko lang ang naririnig sa loob nang kwarto ko. Hanggang sa tumahan ako at siya naman itong pinunasan ang mukha ko. Nakita ko ang pagpupula nang mata niya na tandang umiyak din. Ngumiti siya sa akin at hinawakan ang gilid ng ulo ko.

"Don't worry about everything, rein. Ako na ang bahala sa lahat."

It was the last thing I heard before I passed out and the last thing I remember was falling on the bed.

Lady Red Dress (Past Series #1)Where stories live. Discover now