Chapter 17

570 7 6
                                    

Tiff's Point of View:




Fast forward to September 29, 2012.




UAAP Season 75 Final 4 games today. UST vs NU and DLSU vs ADMU.




I'm here at Araneta to support UST. I'm here to support Paulo. Pag napanalo nila ito, championship naman ang paglalabanan nila.





(Author's Note: Sorry guys hindi ko napanuod yang game na yan and tinatamad akong mag-research hahahahaha)





And UST won!!!!!




57-63




I'm so happy for the team and for him! I really jumped for joy!





GO USTE! GO USTE!





Pinuntahan ko agad si Paulo sa court. Yes, ang lakas lang ng loob ko no? Hahahaha Good mood si Coach Pido, kaya hinayaan lang niya ang mga girlfriends ng mga players, I mean, hindi naman ako girlfriend ni Paulo pero pinapunta niya na rin ako sa court para lapitan si Paulo. And besides, magkakilala naman si Daddy and si Coach Pido kaya ok lang ;)





"Pau!!! Congrats!!! Championship na lang!!!"




"Yes Tiff!!! This is it!!! Thank you for the support, and thank you Lord!!! Wooo!!!", bigla niya akong binuhat.




"Huy Pau!!! Ibaba mo ako!!! Nakakahiya!!!"




Binaba naman niya ako agad then he hugged me tight. Sobrang saya niya lang talaga!




"Sorry kung pawis na pawis ako ah? Ang baho mo na rin tuloy!"




"Hindi naman! OA ka naman! Ok lang no. Pero wag muna tayo masyadong magsaya, may Championship pa!", I said.




"Yeah but at least we made it this far! Malaking blessing ito!"




"Mas ok kapag champion na kayo! Beat the 4-peat champions!"




"Yes. We will. Dapat lang!", then he hugged me again.




"Huy!!! Na-bear hug mo na naman ako!!!", I said.




"Sorry! I'm just very happy.", he said.





"Pasok na tayo sa dugout! Bilis!", Coach Pido said. "Tiffany, sumama ka na rin sa amin.", he added.





"Is it ok Coach?", I asked.





"Si Coach na nga nagsabi oh!", Paulo said.




"Oo nga hija, ayaw mo ba?", Coach asked me.





"Ofcourse Coach!", I said.





Sumabay na ako papunta sa dugout.



Since next game ay DLSU vs ADMU, nakita ko na rin yung ibang players sa area na yun. I saw Gwyne and Kuya Tonino, yung boyfriend and brother ni Cassey.



"Gwyne! Kuya Ton!", I called them.



"Tiff!", sabay nilang tawag sa akin.



Bineso nila akong dalawa.





"Why are you here? And naka-yellow ka pa! You supported UST no?", Kuya Tonino said.




"Ikaw ah, paiba-iba ka na ng sinusuport. Dati blue tapos naging green, at ngayon naman yellow?", Gwyne said.



"I just supported my friend! Kayo talaga, issue?", I said.



"Sinong friend?", Kuya Tonino asked.



"Si Paulo Pe.", I answered.




"Ay! Si Prom King mo!", Gwyne said.



"Yup! Naalala mo pa pala! Anyway, good luck ha? Galingan niyo! Beat La Salle!!!", I told them.



"Aba! Nag-iba na ang ihip ng hangin ah, bilis! Hahahaha! Anyway, thanks Tiff!", Kuya Tonino said.




"Iba na talaga ang epekto ng global warming. Just kidding, Tiff! Hehe thank you!", Gwyne said.



"Grabe kayo! Bully! Hahaha No problem! By the way, where's Cassey? Puntahan ko siya ngayon, who's with her?", I asked.



"She's with my brother, sila ang magkasama ngayon.", Gwyne said.



"Nasa Patron VIP lang yun, tawagan mo nalang.", Kuya Tonino said.



"Ok, thanks guys! Daan lang muna ako sa dugout ng UST. Bye!", I told them and waved goodbye.




They waved back.



Sumilip ako sa door ng dugout ng Tigers. Busy pa sila sa mga reminders and comments ni Coach about sa game. Lumingon silang lahat sa akin.



"Sige lang hija, pasok ka lang.", Coach Pido said then smiled at me.



"Thanks but I'll leave na rin, I'll talk pa with my friend outside pero may sasabihin lang po ako kay Paulo if it's ok with you.", I asked permission.



"Sige lang. Oh Paulo, kakausapin ka raw.", Coach Pido said.



"Ok Coach, sa labas nalang po kami mag-uusap.", Paulo said.



"Bilisan mo lang ha.", Coach Pido said.





Sa labas kami ng dugout nag-usap ni Paulo.



"Paulo, I'll just meet up with my bestfriend ha? Nasa Patron VIP kasi siya ngayon. Text me nalang pag tapos na kayo. Meet nalang tayo outside, ok?", I said.



"Sure, take your time. Thanks!", then he went back inside the dugout immediately.



Sobrang bilis ng paghalik niya sa forehead ko kaya hindi na ako naka-react agad.



Hinanap ko agad ang iPhone ko sa bag para tawagan si Cassey.





*ring ring*


Tiff: Sis?

Cassey: Yes?

Tiff: Nasa Patron VIP ka raw ngayon. Puntahan kita. Saan malapit yan?

Cassey: Yung may malapit sa commentators.

Tiff: Ahh! Alam ko na yan. Sige, papunta na ako dyan.

Cassey: See you!



*End Call*



Habang kausap ko si Cassey sa phone, naglalakad na ako nun papunta sa Patron VIP. Siyempre nasa may dugout area ako. Edi nadaanan ko yung mga players. Nakita ko sila Kiefer, Juami, sila Kuya Tonino and Gwyne ulit, sila Nico Salva <3 tapos si Jeron Teng (my ex crush hahahaha), si Thomas, and ofcourse... Si Captain.



Well, hindi ko siya pinansin. Busy kasi ako, may kausap kaya ako sa phone no. Hahahahaha Hindi naman sa iniiwasan siya eh pero I think, that's for the better.





Nakita ko na si Cassey at agad siyang binati.



"Sissey!", I called her.



"Uy Sissey!!! Long time!", Cassey said then she hugged me tight.


"I know! How are you?", I said.


"Fine naman! Ikaw? Uy ah, naka-yellow ka naman ngayon. Sino naman sinusuportahan mo?", she asked.


"Si Paulo Pe, yung Prom King nung high school pa.", I answered.


"Yeah! I remember him! Nakita ko nga sa Instagram posts mo, madalas na kayong nagsasama ah. Kayo na ba?", she asked.


"No ah, we're just friends.", I said.


"Wushoo! Eh how's you and LA Revilla naman?", she asked.


"Hala! Wala na yun.", I said.


"Oh bakit? Sayang naman.", she said.


"Ganun talaga sis, hindi kami meant to be.", I said.


"Ikaw talaga! Naku, manunuod ka ba ng next game?", she asked.


"No eh, sasama ako sa Team Dinner, i mean, Merienda slash Early Dinner ng UST.", I said.


"Hay nako. Ikaw ah! Sumasama ka pa sa ganyan. Nililigawan ka na ba niya?", she asked again.


I just shrugged my shoulders.



"Hmph! Ikaw ah. Kwento soon, ok? Hindi mo na kami pinapansin ni Cess simula nung dumating yang si Paulo sa buhay mo. Baka naman pag kayo na, kalimutan mo na kami.", nagdrama si Cassey.



"Naku sis, nagdrama ka naman! Busy lang ako sa school. Next time babawi ako.", I said.


"Busy sa school? Asus! If I only know... Eh busy ka rin sa kanya.", she teased me.


"Ikaw talaga! Bawal ba kaming magsama at lumabas?", I asked.


"Hindi naman sa bawal pero you know, clingy lang? Daig pa ang bf-gf!", she said.


"OA naman. Naku sis, I'll go na ah? Let's hangout soon! As in very soon! Sooner or later!", I said.


"Oo na. Sige, have fun sa dinner niyo. Ingat.", she said then beso.





Lumabas na ako ng Araneta. Busy pa rin ang mga fans and supporters na magpa-picture sa mga Tigers.





Biglang may tatlong random girls na lumapit sa akin. Naka-uniform sila pero magkakaiba eh. I assumed na taga-UST ang mga ito.


"Excuse me, ate?", sabi nung naka-pang-med na uniform.

"Yes?", I asked.



"Uhm, ikaw po si Tiff Marcelo diba?", she asked me.


"Yup, that's me. Why?", I said.



"Pwede po bang magpa-picture?", she asked.



WHAT?!?



"Uhhh. Sure? Hehe.", hindi ako tumanggi. Sino ba naman ako para tumanggi diba? =))



At nagpa-picture sa akin yung tatlong babaeng yun. Isa isa silang nagpa-picture sa akin.



HALA. Weird. Bakit sila nagpa-picture sa akin?!?



"Ate Tiff, salamat po talaga! You're very pretty in personal!", she said.


"I followed you po in Instagram, ang cool lang ng mga posts mo and ang pretty mo talaga!", sabi naman nung naka-blue na skirt ang uniform.


"Kaya naman ang swerte ni Paulo Pe sa inyo! Ang ganda naman ng girlfriend niya!", sabi naman nung isa pang naka-pang-med pero iba yung itsura, baka nursing.



"Uhm thanks guys but he's not my boyfriend. Friends lang kami.", I said. Nakakahiya! Napagkamalan pa akong girlfriend! Kaloka!



"Ate, don't deny! Obvious naman sa pictures niyo. Cute couple kaya kayo!", sabi nung naka-nursing.





Ganun ba talaga kami? Clingy ba talaga? Hahahaha =))



"Ay ganun. Anyway, tag me on Instagram or Twitter ha? I'll retweet our pictures, ok?", I said. Para maiba na rin ang topic. Feeling ko kasi nasa hot seat ako eh hahahahahaha


"Ok Ate, we will!", sabi nung naka-blue skirt.



"Uhm Ate, last! Favor?", sabi nung naka-pang-med.



"Ano yun?", I asked.



"Is it ok lang ba na magpa-pic kami na kasama niyo si Paulo Pe, please?", she begged.


"Ahh. Ehh. O sige? Teka, let's ask him muna. Baka ayaw niya eh.", I said.



Nilapitan namin si Paulo.


"Pau! Pa-picture raw sila.", I said.


"Sure!", he said.


"No. I mean, pa-picture raw sila with us. As in tayong dalawa ang kasama.", I explained.


"Really? No problem! Game!", he said.



"Ayan girls, ok lang sa kanya!", I said to the 3 girls.



"Yehey!", they all said.





After namin magpa-picture...



"Ate Tiff, Kuya Paulo, stay strong ah? Sobrang bagay talaga kayo!"


"Botong boto kami sa inyo! Ang babait niyo pa!"


"Thank you sa picture! Ita-tag nalang namin kayo!"



Yan ang sabi nila. Then Paulo said, "Don't worry, hinding hindi ko siya pababayaan, diba Tiff?", sabay umakbay sa akin si Paulo.



Tumango lang ako and I smirked.



"Sige, salamat ah.", I told them and they waved goodbye to us.



Pagkalayo nila, kinausap ko si Paulo.



"Paulo, bakit-"



"Ssshh. Maki-ride ka nalang. They look happy to see us naman eh.", he said.



"Eh pero-"



"Let's go inside the bus. Tara na! Hinihintay na tayo ng team.", he said.



Oo. Nice talking. Ayaw lang akong pasalitain?







After ng team early dinner/merienda, hinatid na ako ni Paulo sa MOA Arena, nag-cab lang kami. Zac Efron Fan Con kasi! Just in time lang ang pagdating ko. Kahit mahaba ang pila, buti na lang nakapila na si Emerald at isiningit ako ng di pahalata. Siya kasi ang kasama ko since crush na crush din niya si Zac Efron.





"Thanks for the merienda and for accompanying me here. Hassle pa sayo kasi magco-commute ka pa to UST to get your car.", I told him.





"No worries, Tiff. Hindi naman kita hahayaang mag-commute mag-isa papunta dito. Basta mamaya, don't forget to text me pag pauwi ka na ah? Baka kalimutan mo na ako pag nakita mo na si Zac Efron.", Paulo said and medyo pa-tampo pa ang boses.







"Ikaw talaga, Ironman! Baliw ka! Yes, I'll text you. Susunduin naman ako ni Manong Willie dito.", and I gave him a big smile.





He hugged me tight and kissed my forehead. Well, that made me really weak. I mean, hindi nanghina na bigla akong nagkasakit. Gets niyo na yun!





"Sige, ingat ka na lang Tiff ah!", he said and pumara siya ng taxi.





Pinuntahan ko na si Emerald sa pila.





"So, how was the game?", Emerald asked me.



"UST won!", I replied.



"How about the next game? Did you watch pa ba?", she asked me.





"No. Sumama ako sa Team Dinner nila Paulo. Anyway, mamaya na tayo mag-chitchat! Pinapapasok na tayo sa loob! Yaaay! Zac Efron!", I said.





"Can't wait to see my hubby!", Emerald said and we went inside the Patron area of MOA Arena.







"Buti naman hindi ka pinigilan ni Cole.", asar ko sa kanya nung pag upo namin.





"Alam naman ng boyfriend ko na mas matimbang si Zac Efron kaysa sa kanya.", then she laughed. "Just kidding! Pinagbigyan niya ako, happiness ko naman ito eh.", she told me. "Eh si Paulo?", she asked.





"What's with Paulo naman? We're just friends.", I replied.





"Sus! Friends? Look naman the effort niyong dalawa. Pinanuod mo game niya then hinatid ka pa dito? Aba!", she said.





"Bawal ba maging supportive sa friend? And he just want to make sure I'm safe, he promised kay Dad.", I said.





"Oo na, sige na. Pero why not?", she told me.





"Well, let's see... But right now I can't calm my tits!!! Zac Efron!!! Wooo!!!", sabay hiyaw ko na. Nagsihiyawan na rin yung mga audience eh. Siyempre, karamihan babae or you know, beki! Hahahaha





Grabe hindi na kami maka-kalma ni Emerald! Ang gwapo lang ni Zac Efron, as in! Pwede bang siya na lang ang mapangasawa ko?!? Hahahaha Penshoppe, salamat at dinala mo siya dito sa Manila! Lord, salamat rin dahil naaaninag na siya ng mga mata ko! Weeeeeee <3





After the Zac Efron Fan Con, sinundo na ako ni Manong Willie. I texted Paulo and I told him na I'm on my way home. Tinawagan naman niya ako agad. Kinumusta niya ako sa kaganapan sa MOA Arena. Siyempre, matic na rin yun na ayain niya akong manuod ng Finals Game 1 on October 6.





Obviously, pumayag ako. Support support rin. Dad will watch as well but sa Ateneo siya. Well, he understands naman. Siya na rin nagsabi sa akin na suportahan ko ang UST for Paulo. Ewan ko ba kung bakit ba ang gaan lang ng loob ng Daddy kay Paulo. I mean, mabait talaga si Daddy lalo na sa mga basketball players. Siguro na rin dahil naranasan na niya ang maging varsity noon.




---

LA's Point of View:




Our Do or Die Game against Ateneo will start in a few. Pag natalo kami, hindi na talaga kami aabot sa finals.



Nasa dugout area na kami ng team. Kakatapos lang ata ng UST vs NU. Balita ko, panalo ang UST. Tsss. Sana NU nalang nanalo. Mas deserve pa ng NU. Sigurado akong malungkot si Coach Eric Altamirano ngayon, ang Daddy ni Anton na parang ama ko na rin. Pati na rin sila Ray Ray Parks, Jean Mbe, and the others. Para ko na rin silang mga kapatid. Well, at least nakaabot sila sa Final 4. Achievement na rin yun.




Lumingon ako sa kabilang side ng dugout area. Nandun yung mga taga-UST. I saw Tiff-




WAIT. Bakit nandito si Tiff?!?





Yeah right. Pinuntahan niya for sure yung higanteng tigre na yun sa dugout.





She's outside the door. Lumabas na yung higanteng tigre at nag-usap sila.



Nakatingin lang ako sa kanila habang nagtinatali ko ang sintas ng sapatos ko.





"Huy! Tulala ka dyan!", Thomas said.



"H-huh?!? Di ah!", I said. Natulala na pala ako sa kanila. Hindi ko na pala natapos ang pagtali sa sintas ng sapatos ko.



"Huli ka na eh! I know naman na tinitignan mo sila.", Thomas said.



"Hay ewan ko bro. Hindi ko alam kung bakit kailangan makita ko pa ang lahat ng ganito."



"That's the sign. Learn to move on. Tanggapin mo nalang kasi.", Thomas said.



"Sinusubukan ko pa rin..."



Biglang dumaan si Tiff sa harap namin. Bigla kaming tumahimik ni Thomas.



May kausap siya sa phone at dinaanan lang niya talaga ako na parang wala lang, hindi ako nage-exist sa mundo niya, sa buhay niya.



"See?", Thomas said. "Naka-camouflage ka ata eh. Hindi ka man lang pinansin.", he added.



"Eh may kausap lang sa phone.", I said.



"Kahit na. Wala man lang smile or kahit kaway ng kamay. Bro, iba na yan.", he said.



"Bahala na nga! Teka, punta na nga tayo dun sa loob! Baka hinahanap na tayo ng team.", I said.





Hindi ako part ng starting 5 ngayon dahil sa injury ko. Tulala lang ako habang may game. Hindi ko alam. Wala na naman ata ako sa sarili ko.





"Revilla! Substitute ka na kay Thomas!", Coach Gee said.



"Revilla! LA!", he called my name again.



"Ay! Coach! Sorry po.", sabay tumayo na ako para mag-substitute kay Thomas.



"Gising! Be alert!", Coach Gee said.



"Yes Coach!", I said.







"Bro, ok ka lang?", Thomas asked.



"Yeah, kaya ko ito.", I answered.



"Sige.", sabay tapik ni Thomas sa balikat ko at ako na ang nag-sub.





Nung ako na ang naglaro, ako rin naman kasi ang inaasahan ng Team. Naga-attempt akong mag-3 point shots pero fail.....





Coach called me para bumalik ulit sa bangko. I sat down, bowed my head, and placed my hands on my face. I don't really know what's wrong with me. I think it's my injury. I kind of felt it awhile ago. No, it can't be.





I looked around the big dome like I'm searching for someone... Maybe there's something missing. Yes, she's missing. She's not here. I can't find her. Or maybe in this sea of people, I just can't see her.





But something came up on my mind. It's her. All about her. Since the day we met until the moment she passed by on my way. I just can't forget every single thing about her. It's not easy to move on.





I stood up and went inside the dugout. I sat down on a seat for awhile. All I can feel is pain, inside. It's hard for me to see my team lose. I've been wanting to win this season. But maybe this team, I really need to accept reality. Little by little, step by step. And to start with that, I have to face them all. Win or lose, it's the love of the game. This is the sport I chose. Basketball is my life.




I stood up again and went back to the court. It's 4th quarter already. I volunteered to play for substitution again. Here I go, doing my best for this game. This is my passion.







...







66-63.







We lost.





Yeah, I have to accept defeat.



Maybe it's not meant for us this year and for sure God has better plans. But I'm still thankful that we qualified the 4th spot. That's really an achievement for us.



Thank you to all of the Lasallians who supported ys all throughout the season. Without them, maybe we won't reach this far.



Sorry to my fans na disappointed dahil injured ako for a quite long time rin. Hopefully next season maging ok na ako para sa aking pagiging Team Captain and last playing year, maging champion ang DLSU before ako mag-graduate and I'll be...









Better.









Tougher.









Faster.









Stronger.











LA Revilla, 5'8", Point Guard.









Keep the faith and never shall we fail.









ANIMO LA SALLE!!!






















Author's Note:

Sorry sa very lame update. Pero sobrang babawi ako sa mga next Chapters. The previous chapters naman kasi were quite heavy kaya medyo pinagaan ko lang ng konti. :)) Busy bee rin ako ngayon kasi dami kong inaasikaso sa life kaya di ako maka focus for this one :(( anyways if di pa kayo informed, you can follow me on my Twitter watty account already @wattyprincess . i'll try to check my twitter from time to time. busy lang talaga ako kaya di ako masyado makapag online this month. sa christmas vacay naman siguro makakabawi naman ako kahit paano. i'll try to update na rin the first chapter of my short story "Clarity", check that out na lang if you want.. and!! Don't forget to comment and vote, you can follow me also here at wattpad for more updates!! Ilang tulog na lang, pasko na naman!! :) advance merry christmas my beloved followers and readers..
♥️

at para na rin kiligin pa tayo lalo kay Captain LA, check out this Instavideo of him.. http://instagram.com/p/hsxaevC5T4/ This is my most favorite video of LA right at this moment.. :)) just sharing this to all of you dahil gusto ko kayong i-cheer up hahahahaha lalo na sa mga di rin napanuod ang last game ni LA last week for La Salle, laslas huhuhuhu :((

Fast BreakOù les histoires vivent. Découvrez maintenant