BFL 1

354 8 1
                                    

Di mo naman ako napapansin






Siguro nga'y baliwala ako sa 'yong paningin




Ngunit malay mo isang umaga paggising ko ako na pala'y isang prinsesa








Nandito ako ngayon sa may Garden ng school, dito sa ilalim ng puno nagsa sound trip habang nakatingin sa lalaking matagal ko na talagang pinapangarap...







si Xavier Matthew Ford Aviano








Nakatingin lang ako sa kanya ay hindi... pinagmamasdan ko sya habang nakahiga sa damuhan yung dalawang kamay nya nakalagay sa ulonan habang yung isang paa nya nakadiretso lang at yung isa nakataas yung tuhod at nakaheadset with matching shade pa. Kaya yung mga babaeng dumadaan napapatigil at pinipicturan sya tapos titili. Grabe talaga yung appeal nya wala pa syang ginagawa pero as in kikiligin ka talaga.











Kaya ito ang dahilan kung bakit ako dito nakatambay madalas. minsan ay may dala akong book pangtakip ko lang sa mukha para kunwari nagbabasa ako pero ang totoo kapag hindi sya nakatingin as in talagang nakatitig ako sa kanya.. Haha obssess ba pero ganun talaga ehh.





Meron pa nga minsan nagkakatinginan kami pero agad din ako iiwas kasi ako yung tumitingin sa kanya mga 3 seconds lang yung matagal haha kasi feeling ko matutunaw ako sa mga tingin nya kapag tinagalan ko pa. Yung tingin nyang napakalalim na parang hihalukay pati yung loob mo. Ganun sya tumingin isama mo pa yung pagiging serious type with a cold hearted nyang ugali.










Napatigil ako sa pagtitig ko sa kanya ng tumunog ang cellphone nya kaya napaupo sya. Hala bakit nya narinig... Diba nakaheadset sya it means walang tugtog... Wala syang naririnig...






(Hello)






(Yes Babe)





(Ok I'm Going)






(I love you too)





Napangiti sya nun at Tumingin naman sa'kin kaya napayuko ako... Feeling ko anytime tutulo na yung luha ko. Ang babaw ko diba... eh wala akong magagawa ehh kasi...




Mahal ko na sya






Kaya bago pa tumulo yung luha ko tumayo na ko.. At paalis na sana ako ng may humawak sa kamay ko para pigilan ako. Feeling ko tumigil ang oras, feeling ko kami lang yung tao dito. Inikot nya ako upang iharap sa kanya hindi ako makatingin sa kanya kaya tinaas nya yung baba ko para matingnan ko ng diretso ang mga mata malalim nya akong tiningnan nagkakatitigan lang kami at sigurado akong ito yung pinakamatagal na titigan namin.










"Magaganda ang mga mata mo, and i can see something that i can't explain everytime you look at me."




Nanigas ako sa mga sinabi nya at- at alam kong napansin nya na... At may saya akong naramdaman nung sinabi nyang maganda ang mga mata ko.. Sabi kasi nila asset ko raw ang mga mata ko at ngayon naniniwala na ako dahil sya na mismo ang nagsabi.










"But Miss I'm sorry pero mahal ko Girlfriend ko... Alam kong may pagtingin ka sa'kin pero tumigil ka na.. Ikaw lang din ang masasaktan."










Cold nyang pagkakasabi sa'kin and after that he left me






Broken




____________________________________

Begging for Love (KathNiel)Where stories live. Discover now