Chapter Seven: RULES

3 3 0
                                    

**

MALACHI

"I guess. I'm Veyan Demetri, it's very nice to meet you all." maligayang bati niya sa 'ming lahat. Liningon niya 'ko't mas lumawak pa ang ngiti, mukhang wala lang sa kanya ang pagkabigla ko nang makita ko siya.

Pinagmasdan ko ng maigi ang buong itsura niya, mula ulo hanggang paa. Nakasuot siya ng uniporme na katulad sa 'kin, walang dudang lumipat nga siya dito sa Seraphim High.

What actually is the reason?

Nakatitig kaming lahat dito lalo na iyong apat na boys, pati na rin si Chadney na nakatingin na rin sa kanya. Sino bang hindi mapapatingin sa taglay na natural na ganda nitong si Veyan?

Her fair skin, her monolid eyes, her pointed nose, her kissable lips, her natural pinky cheeks, including her sexy body. Everything about her is perfect.

Muli namang bumalik ang tingin ko kay Chadney na nakatitig pa rin ngayon kay Veyan. Bigla akong may naalala nang magpalipat lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa.

No'ng unang nagkita kami ni Veyan no'ng isang araw dito sa SH may kasama siyang tatlong lalake. Posible kayang si Chadney ang isa sa kanila? They have the same scent, kaya nasabi kong pamilyar sa 'kin ang amoy niya.

That's right, it was him.

Did they already know each other?

I wonder what kind of relationship they have.

"What a coincidence, we're in the same team pala, Chad." hindi ko napansing nakalapit na pala si Veyan sa kaniya. Hindi man lang nagawang sumagot ni Chadney kay Veyan. Walang dudang magkakilala nga silang dalawa.

May kung ano pa silang pinag-usapan na hindi ko na pinagkaabalahang pakinggan pa.

Nagulat naman ako nang lumapit si Lennon sa 'kin at may binulong, "Naku, 'wag kang lalapit sa lalaking 'yan o makikipag-usap." babala niya na siya namang ipinagtaka ko.

"Why?"

"Masyado siyang mapili sa mga taong kakausapin niya, kung ayaw niya talaga sayo 'di ka talaga niya kikibuin kahit sino ka pa, mababae ka pa o lalake. Lalo na sa lahat, ayaw niyang hinahawakan siya. Kaya mas mabuti pa lumayo ka. Baka mapano ka." paliwanag naman ni Lennon.

Muli ko nanamang ibinaling ang tingin sa gawi ni Chadney at inobserbahan ito. Parang wala naman sa maamo niyang itsura ang manakit. Sabagay, sabi nga nila 'looks can be deceiving'.

Mas lalo lang akong nagtaka nang hawakan siya ni Veyan sa braso niya at may kung anong pinagsasabi, parang wala lang iyon sa kanya.

'Kala ko ba ayaw niyang hinahawakan? Is she the one who's only allowed to touch him?

Tatanungin ko pa sana si Lennon kaya lang pinigilan ko ang sarili ko dahil . . . ano ba'ng pake ko sa kanila? Wala naman akong mapapala. I'm not curious.

"If that's the case, it'll be tough for us to talk to him, right?" 'yon talaga ang ang gusto kong itanong dahil talaga nga namang mahihirapan kami kung ayaw nga niyang makipag-usap. Psh, ang arte naman.

"Hindi naman siguro. Tingnan mo," itinuro niya ang direksyon ni Veyan, nakikipag-usap pa rin ito kay Chadney. "nandiyan naman siya, eh, kaya ayos lang." sabagay, may punto siya.

Natigil ang pag-uusap nang marinig nanaman ang tunog ng speaker. May babae nanamang nagsalita mula roon.

"STUDENTS, LET ME TELL YOU THE FIVE IMPORTANT RULES THAT YOU NEED TO FOLLOW WHILE DOING THIS TASK," panimula ng tinig ng babaeng nagsasalita sa speaker.

Enigmatic VengeanceWhere stories live. Discover now