Nabuburang Repleksyon

17 1 0
                                    

NABUBURANG REPLEKSYON

Dekomposisyon

Ang dulang ito ay tungkol sa nais na kumawala sa buhay na si ATHENA at ang pagtatagpo nila ni EZRA. Kung saan unti-unting maglalaho ang kaguluhan sa isipan niya, habang nilalakbay ang yugto ng kasalukuyang kanyang nilalakaran.

Mga Tauhan

ATHENA, 18

EZRA, 26 

Tagpuan

Sa tahanan ni EZRA, malapit sa salaming mayroong itinatagong simbolo para sa kanilang dalawa. 

Oras

10 Minuto

Eksena

     Maganda ang panahon, panahong gugustuhin mong magtampisaw at magsaya. Gayon pa man, hindi sang-ayon si ATHENA sa kaisipang ito sapagkat para sa kanya, wala nang saysay ang lahat. Wala nang saysay maging ang buhay na nilalakaran niya, at wala na rin itong patutunguhan kahit pa magpapatuloy siya. 

     Ang mga bulong na tila ingay sa isipan niya ay mga waring hindi nagpapatahimik sa kanya. Mga bagay na rason upang isipin niya ang pagtigil, upang isipin niyang h'wag nang umiral pa sa mundong ibabaw. Mga bagay na naging rason upang panghinaan siya ng loob. 

     At sa mga bagay na ito, tumakbo ang mundo niya sa pagnanais na maglaho. Tutungo sa tahanan ng isang kaibigan, hihilinging sana bukas makalawa ay maging maayos ang lahat. 

ATHENA
Hindi ko alam kung ano pang gagawin ko. (hihikbi habang tumutungo sa bahay ng kaibigan) Nawa'y tunay na umayos ang lagay ko sa oras na masilayan ko siya. 

      Kakatakot sa pinto ng kaibigan ang dalaga nang may mahapding ekspresyon sa mukha. 

ATHENA
Ezra? (kakatok) Ezra?

EZRA
‘Uy, Athena, ano't naparito ka? 

ATHENA
Ano pa ba? Malamang upang kumonsulta sa'yo. Hindi lang naman kita kaibigan (iiikot ang mata nang pabiro), personal psychiatrist din kaya kita! 

EZRA
Sus! (tatawa nang bahagya) Ikaw talaga! Oh siya, sige, pumasok ka na. 

Sa pagpasok ng dalaga sa tahanan, wala na itong iba pang nararamdaman kundi ang bugso ng damdaming hindi mapigilan. 

EZRA
Sige, maupo ka. 

ATHENA
Salamat, Ezra. 

EZRA
Salamat agad? (hahalakhak nang bahagya) Hindi ba dapat marinig ko muna ang mga hinaing mo? 

ATHENA
Kasi.. k-kasi.. (tutungo nang bahagya, hudyat ng dalamhating nadarama) hindi k-ko a-alam…

EZRA
Ano ang hindi mo alam? 

     Walang imik ang tahimik na ATHENA, habang nag-iisip naman ng solusyon ang isa kung paano tutuldukan ang pighating nadarama ng dalaga. 

EZRA
Paano ko malalaman kung hindi mo sasabihin? 

     Nag-aalalang sambit niya. Habang si ATHENA, hanggang ngayon ay wala pa ring imik

Nabuburang RepleksyonWhere stories live. Discover now