SIMULA

11 4 0
                                    

SOFIA ANDREA'S POV

"Good morning, Engineer Garcia," nakangiting bungad sa akin ng security guard ng pinapasukan kong kompanya.

Ngumiti naman ako sa kaniya, "good morning din po, Manong. Nag-agahan na po ba kayo?" tanong ko sa kaniya.

"Naku iha, wag mo na ako alalahanin pa. Mabilis lang naman ang oras kaya mababawi ko pa sa lunch yan," paliwanag naman nito.

Napanguso naman ako dahil sa sinabi niya saka may kinuha sa lunch bag na dala ko. "Kainin niyo na po ito," saad ko saka inabot sa kaniya ang sandwhich ko.

Umiling naman ito, "naku, Ma'am wag na po," pagtanggi nito.

Hinawakan ko naman ang kamay niya saka nilagay yung sandwhich ko sa palad niya, "masama hong tumanggi sa grasya," turan ko saka ngumiti sa kaniya. "Pasok na po ako dahil may meeting pa po kami," paalam ko rito.

Hindi ko na hinintay pang maka-imik siya at pumasok na ako sa opisina. Pagdating ko sa workstation ko ay nandun na ang mga kaibigan ko na si Candace at Altea na tila aligaga na naman.

"Oh? Anong nangyayari sa inyo?" takang-tanong ko sa kanila pagkatapos kong ilagay ang gamit ko sa aking mesa.

"Hoy babaita, totoo bang nag-resign ka?" tanong ni Candace sa akin habang tinuturo ako ng hawak niyang tinidor. Kumakain kasi ito ng casava cake.

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya saka siya sinenyasan na wag maingay, "I just asked options sa HR saka if ever nanghihingi ako ng recommendation to them," paliwanag ko sa kaniya.

Nilapitan naman ako ni Altea saka hinampas sa braso, "anong options?! Iiwan mo na kaming dalawa?" asik nito sa akin na parang nagtatampo.

Bumuntong-hininga naman ako, "kung ako lang ang iniisip ko, hindi ako aalis dito. Pero, alam niyo naman na may pinag-aaral ako saka nag-stop na mag-work si papa dahil mahina na rin siya," depensa ko naman para sa sarili ko.

"Oh, edi natameme ka ngayon," natatawang biro ni Candace kay Altea kaya naman inirapan siya nito.

"May lilipatan ka na ba?" tanong ni Altea.

Umupo muna ako sa swivel chair saka sumandal, "wala pa. Kaya di rin ako makapag-render ng resignation. Ang hirap talaga maghanap ng work here sa Pinas," nanlulumong wika ko.

Agad namang lumapit sa kinarooonan ko si Candace habang si Altea naman ay hinihimas ang likuran ko. Isa ito sa paniguradong hahanap-hanapin ko once lumipat na ako. As much as I want to stay here sa Builders Incorporation ay kailangan ko humanap ng magandang opportunity na mas malaki ang sahod pantustos sa pamilya ko. Hays, bakit ba kasi hindi na lang ako pinanganak na mayaman?

***

"Engineer Garcia, pinapatawag ka po ni Sir Leo sa office niya,"

Natigil ako sa pagche-check ng binigay sa aking blueprint ng possible last client ko dito sa company nung dumating si Ms. Steff, ang secretary ni Sir Leo.

"Sige, susunod na lang po ako Ms. Steff. Itatabi ko lang po ito," wika ko saka bahagyang tinaas sa kaniya yung blueprint.

Ngumiti lamang ito sa akin bago siya tuluyang umalis sa harapan ko. Pag-alis niya ay mabilis pa sa alas-kuwatrong nagsilapitan si Candace at Altea sa kinaroroonan ka.

"Bakit ka pinapatawag ni Sir Leo?" pagtatanong ni Altea sa akin.

"Hindi ko alam." Kibit-balikat ko naman siyang sinagot habang itinatabi ang blueprint. Mahirap na at baka mabasa pa ito. Mapurnada pa ang project na ito, malaking client pa naman.

"What if alam na ni Sir ang balak mong pagre-resign," komento naman ni Candace.

"Ang bilis naman ng balita kung ganun. Baka hindi naman" kontrang-pahayag naman ni Altea.

"Wag na nga kayo magulo diyan. Ginugulo niyo pa isip ko," saway ko sa kanilang dalawa saka tumayo. "Maiwan ko muna kayo at baka mahalaga ang kailangan naming pag-usapan ni Sir Leo," paalam ko sa kanila.

Tumango naman silang dalawa saka ako sinenyasan na parang chine-cheer ako. Ngumiti na lamang ako saka nagmamadaling tinungo ang opisina ni Sir Leo. Si Sir Leo ang may-ari ng Builders Corporation. Napatingin sa akin si Miss Steff pagdating ko sa pintuan. Sinenyasan lamang niya ako na kumatok. Ginawa ko naman iyon.

"Come in," rinig kong sigaw ni Sir Leo.

Kaya naman pinihit ko na ang doorknob saka marahang binuksan ang pintuan. Nakita ko siyang busy sa kausap niya at nung dumako ang tingin niya sa akin ay sinenyasan lamang ako nito na umupo doon sa upuan at hintayong matapos ang phone call niya. Tahimuk ko namang sinunod ang senyas niya.

"All right, I will create the best team for you. Thank you," rinig kong masayang saad ni Sir Leo bago niya pinatay ang tawag. Hmm... mukhang may naisara itong great deal base sa pagkilos niya.

"Pinapatawag niyo daw po ako, Sir?" hindi siguradong wika ko sa kaniya pagkaupo nito sa kaniyang swivel chair.

"Yes, I've heard from human resource department yung concern mo," panimula ni Sir Leo sa akin.

Hindi ko tuloy maiwasang ma-guilty dahil sa sinabi niya. Nakakaloka din naman kasi ang Human resource department, ang bilis na-chika kay Sir Leo ang pag-uusap namin. Nagulat naman ako na imbes pagalit ay ngumiti ito sa akin.

"Wag ka mag-alala dahil hindi naman ako galit sa iyo. I totally understand yung burden na nararamdaman mo as the breadwinner of your family," nakangiting lintiya nito sa akin. "But before you left, I hope you can help me secure the deal with our potential investor," pakiusap nito sa akin.

"Pero Sir may hawak na po akong project ngayon. Binigay po sa akin ni Sir Richard," paliwanag ko.

Pinagdikit nito ang dalawa niyang palad saka ipinatong sa mesa, "hmm... kakausapin ko na lamang si Richard tungkol sa hawak mong project. Mas kailangan kasi kita dito dahil ikaw ang pinaka-pinagkakatiwalaan at pinagmamalaki kong engineer dito sa Builders."

"Thank you po sa tiwala, Sir pero baka may mas iba pa pong deserving," wika ko. Nakakahiya naman kasi kung tatanggapin ko pa ang offer niya lalo pa at mukhang hindi na rin naman magbabago ang desisyon ko tungkol sa pag-alis ko.

"Take this as my last request sa iyo before I let you go," wika naman niya saka hinawakan ang kamay ko.

"Pag-iisipan ko po, Sir," tanging nasagot ko na lamang. Mukhang satisfied naman ito sa naging sagot ko.

"All right. The meeting will start tomorrow at 8AM. If you will accept this project which is I am hoping, kindly attend," saad naman ni Sir Leo.

"Noted po," tugon ko saka tumayo na. "I have to go na po, Sir. May meeting pa po ako sa hawak kong project ngayon," paalam ko rito.

"Take care of yourself, Sofia."

Hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa pagtawag niya sa first name ko. Yumuko na lamang ako sa kaniya as sign of respect at pagkatapos ay lumabas na rin ako ng office. Si Sir Leo ay prof ko noon sa isang pribadong university na pinasukan ko ng college. Siya talaga yung masasabi kong mentor ko pagdating sa engineering at noong magdesisyon itong mag-retired sa pagtuturo ay pinursue naman niya ang magkaroon ng sarili niyang business. Isa ako sa mga kinontak niya noon para maging pioneer engineer ng kompanya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 16 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

WFML #1: Fated To LoveWhere stories live. Discover now