Chapter 4: Take It Slow

76 2 0
                                    

CHAPTER 4

It's Saturday morning.

Droplets of rain are running down my window as the summer green leaves of trees surrounding my vicinity get sprinkled with teardrops of heavy, murky clouds.

I stared at my blurry reflection on the window as I sat beside it while holding a cold mug of coffee that I haven't sip on yet.

Wala akong trabaho tuwing weekends kaya naman ginugugol ko lang ang buong dalwang araw ko sa mga hilig kong gawin - to watch the pouring rain through my window. Hindi ko rin alam pero madalas tuwing weekends lang umuulan dito.

For some that associates rain with sadness, they surely won't relate to me.
'Cause I love rain.

I find it therapeutic rather than depressing because it serves as my white noise that brings peace and relaxation into my system. Once in a while, I need this kind of therapy.

Napabaling ako sa aking phone na nakapatong sa lamesa nang magvibrate ito. Dad is calling.

Ibinaba ko ang hawak kong tasa at sinagot ang tawag saka inilagay ang phone malapit sa aking tenga.

"Hello, Pa!" magiliw kong bati.

"Lulu, kamusta ka diyan? Di ka ba nabobored?" tanong niya.

"Hindi naman po, Pa. Nakakarelax nga po dito eh." nangingiti kong turan.

"Asus! Baka maraming pogi diyan kaya hindi ka na nauwi." tudyo sa akin ni Pa.

Tinawanan ko lang siya.Hilig din talaga ni Pa na mang-asar eh.

Kapag may napapansin siyang konting pagbabago sa akin, tinutudyo niya agad na ako na baka may nakilala na akong pogi o may boyfriend na ako. And since two weeks na akong hindi umuuwi sa bahay, which is unusual for them, nagawa na naman akong asarin ni Pa.

"Hmm. Meron nga po, Pa. Isa lang. But that's not the reason why I don't want to come home yet. Gusto ko lang po munang maenjoy yung independency ko. Nag-eenjoy din po ako sa buhay dito malapit sa tabing-dagat. Okay lang naman po yun sa inyo ni Ma, diba?"

Wala naman akong kailangang itago sa mga magulang ko kaya as much as possible, gusto kong maging vocal sa mga nararamdaman ko. 'Yon din kasi ang tinuro nila sa akin mula pagkabata. Na huwag magtatago ng mga bagay sa kanila at maging komportable lang na sabihin ang damdamin ko.

They always assure me that they will understand and will love me still no matter what they would hear from me. Oh, to have a family like them is such a blessing.

"Oo naman, anak. What makes you happy, makes your Mom and I happy as well. Pero baka gusto mong ikwento 'yong poging nakilala mo." natatawang banggit ni Pa.

Napailing na lamang ako habang natatawa. May pagka-tsismosa rin ang pamilya ko eh. Pero wala naman sigurong masama kung magkwekwento ako, diba?

"Gregory po pangalan niya." panimula ko habang nagpipigil ng tawa.

Alam ko na kasi kung anong magiging reaksiyon ni Pa eh. Kilalang-kilala ko siya.

"Aba! Kapangalan ng kumpare ng Lolo mo. Lulu, payag ako sa kung sino man ang matipuhan mo, h'wag lang sa matanda ha."

Tuluyan na akong napatawa nang sabihin 'yon ni Pa.

Gregory din kasi ang pangalan ng kaibigan ni Lolo. Halos ituring na rin naming parte ng pamilya si Lolo Greg dahil hindi talaga sila mapaghiwalay ng Lolo Andres ko. Minsan nga ay dun na rin sa bahay natutulog si Lolo Greg kapag may "boys night" kuno silang dalawa.

Waves Of HerWhere stories live. Discover now