scene 14

164 5 0
                                    


Charie...Caliex wag kayo lalayo!..
sigaw ni Pamela sa mga bata..
habang nakaakap kay Charles..
na noon ay naglilinis ng baril..

saan kayo galing na dalawa?
tanong ni Pamela kay Angelito at Nelrose...
pero pinandilatan siya ng mata ni Charles..
meaning na wag na itong mag-usisa..

teka nasaan ang dalawang bata?
tanong ni Nelrose..
anjan..
naputol ang sana ay sasabihin ni Charles..
ng hindi na niya makita ang dalawang anak...

tinungo nila ang lugar na kanina ay pinaglaruan ng dalawang bata...
hinanap nila ang mga ito...
tinawag nila ang mga ito..
matagal din bago may sumagot..
Papa...
sigaw ni Charie...
agad na tinungo ni Charles ang pinagmulan ng sigaw ni Charie...
at nakita ang mga ito sa may ilog...
si Caliex na naglalaro sa tubig...
na pinipigilan ni Charie..

Caliex....Charie..
sigaw ni Charles sa mga anak..
Papa si Caliex kas-
diba sabi ko sa inyo wag kayo lalayo!
tara na!
putol ni Charles sa sana ay pagpapaliwanag ni Charie...
sabay karga kay Caliex at pinasakay sa likod niya si Charie...

sa pagdating nila sa sasakyan ay binaba niya ang dalawang bata..
at pinagsabihan...

alam niyo ba kung gaano ka delikado?
paano kong may zombies doon..
gusto niyo ba na makain ng zombies...
sabi ko wag kayo lalayo..diba?
ayaw ko na namaulit pa ito ha?
sumagot naman ang dalawang bata at nagsorry...

at muli ay naglakbay sila ulit.....
sa dikalayuan ay may nakita silang nakahintong sasakyan..
nasiraan..ang mga ito..kaya
hinintuan nila ito...
sa paghinto nila ay pamilyar na mga mukha ang kanilang nakita...

Kuya? Kuya Ronel?
Kuya Ronel ikaw nga!
sabay yakap ni Nelrose sa kanyang kapatid na matagal na nawalay sa kanya...
napuno ng iyakan ang mga sandaling iyon...

samantalang si Andrea ay hinahanap ang kanyang asawa na si Julius..
ngunit hindi niya ito makita..
tumingin siya kay Charles ngunit yumuko ito..
tumalikod si Andrea kay Charles at humawak sa sasakyan at buong pwersang pinagsusuntok ito...
lumapit si Angelito sa kanya at pinigilan ito..
napaupo si Andrea habang nakasandal sa sasakyan...
at humagolgol ng iyak..
niyakap naman siya ni Angelito...

pinakilala naman ni Ronel si Jasmine sa mga kasama...
at ganon din si Charles sa mga anak niya...pinasakay nila Charles ang tatlo sa sasakyan nila...
si Ronel na sumakay sa minamaneho ni Angelito..kasama si Jasmine..
at si Andrea na piniling sumakay sa minamaneho ni Charles..

madami siyang mga tanong kay Charles tungkol sa asawa niya..
kung ano ang nangyari...
Na sinagot naman lahat ni Charles..
kweninto din ni Charles ang mga ginawang kabayanihan ni Julius sa grupo...
na labis na ikinalungkot ni Andrea at ikinaiyak..
pero sa isang banda ay nangingiti siya sa naging papel at nagawang malaking tulong ng asawa sa grupo..

sa muling pagsasama nila ay ang pag-asang malalagpasan nila ang mundong ito sa piling ng bawat isa ...

ilang oras nabiyahe at huminto sila sa isang health center...
doon nila naisipan na manatili ng ilang gabi...sa ilang gabi na pananatili nila sa lugar ay ang pagkukuwentuhan at pinunan nila ang ilang taon na hindi sila nagkita at nagkasama...

naging maayos naman ang pananatili nila sa lugar...

nilisan nila ang lugar na puno ng pag-asa at saya...
sa kanilang muling paglalakbay ay napunta sila sa isang golf course..

pinasok nila ito..
namangha sila sa lawak ng lugar..
may ilang mga zombies silang nakalaban ngunit napuksa naman agad nila ang mga ito...

ngunit sa pag-iikot nila sa lugar ay napansin nila ang tila isang underground..inilawan nila ang loob gamit ang Flashlight..at nabigla sila sa mga nakita..marami ang zombies na nandoon..
nakakulong ang mga ito sa mga rehas na yari sa makakapal na alambre..

Survive the World of ZombiesOnde histórias criam vida. Descubra agora