20

12 1 0
                                    

"Sa wakas maayos na ang lahat" tumingin siya kay Jane na may galak sa mga mata.

Ngumiti naman sa Jane sa sinabi ni Farris.

"Papaaa!" tawag ng tumatakbong si Prinsipe Farell papunta kay Farris.

"Ano yun anak? halika nga rito" kinarga ang batang si Farell.

"Sino po yung matandang lalaki sa bilangguan?" tanong ng anak.

Tumingin muna si Farris kay Jane bago sagutin ang tanong ni Farell. "Siya ang aking ama, ang mahal na hari bago pa man ako maging hari ng palasyong ito, anak" maikling pagpapaliwanag ni Farris. "Si lolo?" malambing na sambit ni Farell.

"Oo anak, siya ang lolo mo" sambit naman ni Jane.

"Gusto ko po siyang makilala pwede po ba?" tanong ni Farell.

Ibinaba ni Farris ang anak.

"Anak, may mga bagay na hindi mo pa kayang maintindihan sa ngayon, ang lolo mo kasi marami siyang ginawa na bad lalo na kay papa pero wag kang magalala balang araw aayon rin satin ang panahon" mahinahong kinausap ni Farris ang anak.

Tumango naman si Farell sa sinabi ng ama.

--

Kaarawan na ng mahal na prinsipe. Abala ang lahat sa pagaayos ng mga dekorasyon, mga pagkain at mga palaro.

Ilang oras ang itinagal bago matapos ang paghahanda.

"Maligayang kaarawan, Mahal na prinsipe!" bati sa kaniya ng mga taga palasyo kasama ang iba pang mga bisita.

Tuwang - tuwa si Farell sa mga nakikita sa paligid mukhang pinaghandaan ng mga magulang niya ang kaarawan niya. Sa sobrang tuwa nito ay napayakap siya sa mga ito.

"Ate!" sigaw ni Chase

"Chierra!" tumakbo si Farell papalapit rito.

"Mahal na hari, mahal na reyna" bati naman ni Ameerha sa dalawa.

"Happy Birthday sa pinakamamahal kong pamangkin na mukhang siopao ito may regalo ako sayo mamaya mo na buksan ha" bati ni Chase.

"Salamat po, Tito Pogi" pagpapasalamat ni Farell.

"Oh sige na anak, maglaro muna kayo ni Farell" panghihikayat ni Ameerha sa anak.

"Kamusta naman kayo?" tanong ni Jane sa kapatid.

"Ito okay lang ate kaso madalas sumpungin ang asawa ko gaya lang nung dati" pabulong na sambit ni Chase, narinig naman ito ni Ameerha kaya isang kurot ang ginawa nito kay Chase "Narinig ko yun" ani Ameerha.

Nagtawanan naman silang apat dahil sa senaryong iyon.

"Magsisimula na pala ang selebrasyon, pumasok na tayo" aya naman ni Farris.

Papaalis na sila, napahawak naman si Jane sa ulo dahil sa matinding sakit ang nararamdaman niya. Unti - unting nagdidilim ang paningin niya hanggang sa tuluyan nang pumikit ang mga mata niya. Ang huling nakita niya ang papalapit na si Farris....

Lumabo na ang mga nangyayari.

--

Sa ospital

Napansin ni Chase ang biglang paggalaw ng isang daliri ni Jane. Ilang araw ang coma nito pagkatapos ng aksidente.

"Ate!?" nagmadaling lumabas para tawagin ang doktor.

--
Agad chineck ng doktor ang babae at ibinalita nitong nakarecover na ang ate niya.

Nagising na ng tuluyan si Jane at may pumapatak na mga luha sa mata nito "Chase" mahina niyang sambit.

"Ate" sinubukang bumangon ni Jane nang pigilan siya ni Chase. "Mahina kapa ate" sambit ni Chase.

"Nasaan si Farris?" tanong ni Jane nagtaka naman si Chase

"Sinong Farris?" tanong nito. "Si Farris nasaan siya?" pagpupumilit niya.

"Ate wala tayong kilalang Farris" tugon ni Chase.

"Eh sino yung.." nanghihina parin siya.

"Nananaginip kalang siguro sa mga oras na tulog ka" sambit ni Chase.

"Ano ba ang nangyari? bakit ako nandito?" tanong ni Jane.

"Naaksidente ka" tugon ni Chase.

Bumalik sa nakaraan ang isip ni Jane, naalala niya ang huling pinuntahan. Nawalan siya ng balanse doon at tuluyang nahulog.

Pagkabalik sa kasalukuyan.

"Hindi pala totoo lahat ng iyon" naluluhang sambit ni Jane. Nilapitan naman siya ni Chase para damayan ang pag iyak niya.

--

Pagkalipas ng isa pang linggo nakalabas na si Jane sa ospital.

Pagkauwi, naninibago si Jane sa mga nakikita. Maraming pagbabago para sa kaniya na parang hindi siya sanay. Naaalala niya parin ang mga nangyari sa panaginip niya. "Ate? akyat ko na mga gamit mo" ani Chase.

Sa paglilibot ni Jane ng paningin sa bahay hindi niya maiwasan ang maiyak dahil hindi parin mawala sa isip niya si Farris.

Kinagabihan para naman sumaya si Jane napagpasyahan ni Chase na dalhin ito sa parke nabalitaan niya kasing may fireworks display doon.

"Ate tara dito!" nagmamadaling hinahatak ni Chase ang kapatid.

"Ano ba kasi yun?" nakukulitan na si Jane.

"Maghintay ka" tugon ni Chase.

Ilang minuto ang nakalipas lumabas na ang magagandang fireworks sa langit. Naiiyak na natuwa si Jane nang makita niya ang mga ito "Farris" mahinang sambit niya.

Habang pinapanood niya ang mga paputok isang lalaki na may hawak na camera ang tumabi sa kaniya. Abala ito sa pagkuha ng mga litrato napansin naman ni Jane ito. Pagkatingin niya nagulat siya dahil kamukhang kamukha ni Farris ang lalaki. Ngumiti sa kaniya ito. "Farris?" agad na nagpakilala ang lalaki "Hi, i'm Dave" pagpapakilala nito sa kaniya. Napangiti nalang siya kaboses rin kasi ni Farris ang lalaking iyon.

"BAG KO!" sigaw ng isang babae nakita naman ni Chase ang tumatakbong lalaki na may hawak na bag hinabol niya ito para kunin matapang niyang nilabanan ang snatcher.

Mabilis namang nabawi ang bag at naibalik sa may ari "OMG thankyou may mahahalagang bagay kasi dito sa bag ko" sambit ng babae. "Mga tao nga naman ngayon hindi nalang magtrabaho" tugon naman ni Chase nagulat siya dahil niyakap siya ng babae. "Thankyou" muling sambit nito.

Nakaramdam ng gaan sa loob si Chase.

Bumitiw na sa pagkakayakap ang babae paalis na ito pero bago pa man makalayo lumingon siya ulit kay Chase at ngumiti.

"Sino kaya yun? nagkita na ba kami?"





:)

Magkabilang Mundo ( Parallel Series #1 )Donde viven las historias. Descúbrelo ahora