I

11 1 0
                                    

chapter 1: Cockroach


Valentina's POV


"Are you sure na hindi bata or matanda 'yang kausap mo?"


Heto nanaman siya, nagdududa nanaman sa kausap ko. May kausap kasi akong lalake sa isang dating app. Mukha namang hindi bata 'to, ang mature ng typings, eh.


"Oo naman, ang mature ng typings, eh" sagot ko. "Tignan mo" dagdag ko.


"Sabagay, pero mag-ingat ka padin ha!" Sabi niya habang tinuturo ako gamit ang index finger niya. "Mag-iingat ako, promise!" Sabi ko sabay taas nang kanang kamay.


"Sige, oh siya! mag-ggrocery lang ako ha!" tumayo siya at kumuha ng bag at pitaka. "Sige ate! dalhan mo 'ko ng pasalubong ha!" Sabi ko habang hindi nakatingin sa kaniya. "Anong klaseng pasalubong?" Tanong niya, hmph! Alam niya naman kung ano ang gusto kong pasalubong ha? B'at nagtatanong pa?


"Alam mo na 'yon, ate"


"Aba! Sabihin mo na't makapag-grocery na 'ko!"


"Milktea, ate!"


"Sige, mauuna na 'ko ha!"


"Sige ate! Ingat!"


Pagkatapos namin magpaalam sa isa't isa, nagpatuloy akong kumausap sa lalaking nasa dating app.


valifleur:
Hi! Sorry, nag-usap
pa kami ng ate ko

vienvil:
It's okay, I can wait
for you naman.

Ay! Si kuya naman! walang ganyanan! Kinikilig 'yung tao sayo kuya, eh!


Para akong kiti kiti dito. Tumitili din. hay.. Ikaw ba naman sabihan ng 'I can wait for you' hindi ka kikiligin?


vailfleur:
So...

vienvil:
Hm? What is it?

valifleur:
what's your name?

vienvil:
Xzavien, what about you?

Ang pogi na nga ng typings, ang pogi pa ng pangalan. Kaso, ang hirap i-pronounce.


valifleur:
My name is Valentina

vienvil:
beautiful.

valifleur:
thank you

vienvil:
You're always welcome

vienvil:
I have to go na,
I still have work to do

valifleur:
Okay! Bye!

vienvil:
bye, Valentina.

Pagkatapos namin mag-usap, umupo ako sa kama ko at binuksan ang TV. Nagpasiya akong manood ng K-drama. Hindi ko pa kasi natatapos panoorin ang isang episode ng K-dramang sinusubaybayan ko.


"AH!"


Napatili ako dahil nakakakilig ang eksenang pinapanood ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 05 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

In the CEO's GazeWhere stories live. Discover now