KABANATA 2

308K 3.7K 127
                                    

KABANATA 2

TINA

Two weeks ago. Kauumpisa pa lang ng klase pero problemado na agad ako.

"Mia, ano bang gagawin ko? Kahit anong tipid ko hindi pa rin talaga magkasya 'yung padala sa akin nina Itay. Kahit isama ko pa 'yung sweldo ko sa trabaho, hindi pa rin talaga husto. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Tulungan mo naman ako," mangiyak-ngiyak kong sabi habang nakasabunot ang magkabila kong kamay sa ulo ko. Parang masisiraan na ata ako ng ulo kakaisip sa solusyon sa problema ko. Ang gusto ko lang naman ay makatapos ng pag-aaral pero ang hirap gawin kung kapos sa pera. Kung hindi nawalan ng trabaho ang Inay hindi ako magigipit nang ganito. Nagsarado kasi ang patahian na pinagtratrabahuhan niya kaya ngayon tumatanggap na lang siya ng labada. Pero dahil may edad na rin ang Inay hindi niya kayang maglaba nang marami, kaya maliit lang ang kita. Ang Itay naman hindi rin ganoon kalaki ang sahod sa koprahan.

Ang kausap ko nga pala ay si Mia na isa sa mga kaibigan ko rito sa school. Maganda siya, matangkad at mestisa dahil Amerikano ang tatay niya na hindi na niya nakilala dahil bago pa siya ipanganak, bumalik na ito Amerika. Dati kasing waitress sa bar ang nanay niya kung saan nito nakilala ang tatay niya. Akala raw ng nanay niya nakabingwit na ito ng malaking isda. Wala itong kamalay-malay na pamilyado na pala ito sa Amerika. May kapatid si Mia na mas matanda sa kanya. Anak naman sa pagkadalaga ng nanay niya. May sarili na itong pamilya at may isang anak na sila ng nanay niya ang nag-aalaga dahil parehong nasa abroad ang ate niya at asawa nito.

"Naku Tina, kung mayaman nga lang ako, siguro pinag-aral na kita. Subukan mo kaya maghanap ng roommate mo, para may kahati ka sa renta? Pwede naman 'di ba?"

"Saan naman ako maghahanap?"

"Kung mag-post ka kaya sa bulletin board sa may faculty o kaya sa harapan ng school, o magtanong-tanong ka sa mga classmates mo? Malay mo may mga estudyante na nangangailangan nang matitirhan."

***

Dahil sa sinabi ni Mia, nagpa-print ako ng flyers na ilalagay ko sa bulletin board ng school.

"Ano sa tingin mo okay na kaya ito?" tanong ko kay Mia habang dinidikit ko 'yung papel sa board na ganito ang nakalagay.

Wanted: Roommate

Near the school

Contact No. 0915-XXXXXXX

Look for TINA

"Oo, okay na 'yan. Tapos mag-dikit pa tayo sa labas ng school, magtatanong-tanong din ako sa ibang classmates ko, baka sakaling may kilala sila na kailangan ng titirhan na malapit dito sa school."

Sa mga oras ding 'yon, may dalawang lalakeng nag-uusap sa likuran namin ni Mia.

"Ang laki ng problema mo, pre."

"Sinabi mo pa. Pina-cut ni Dad lahat ng credit cards ko at kinuha 'yung kotse ko. Ang allowance ko 5k a month na lang. Ano'ng mangyayari sa 5k 'di ba? Buti na lang may gig tayo paminsan-minsan. Pati 'yung condo pare 'di na 'ko pwede mag-stay. Ayoko pa namang umuwi sa 'min. Ka-badtrip si Dad. 'Pag naayos ko na raw buhay ko 'tsaka lang niya ibabalik sa 'kin. Kung makapagsalita siya akala mo naman sirang-sira ang buhay ko. Parang ang laki ng kasalanan ko. Badtrip! Saan kaya ako maghahanap ngayon ng titirhan?"

"Titirhan ba kamo? Ayan o," sabay kuha ng isa sa kanila ng papel na kadidikit ko lang sa board.

"Uy, uy... ba't mo tinanggal? Interisado ka ba?" tanong ko sa lalaki na kumuha ng papel.

Living Under The Same Roof (The Hottie and The Promdi)Where stories live. Discover now