CHAPTER 1: REAL NAMES

1 1 0
                                    

"Hola, Azeckiel!" pasigaw kong bungad sa naabutan ko sa hapag-kainan.

"What? Bastos ka talagang bata ka. Baka nakakalimutan mong ako ang ama mo."

Malakas kong tinawanan si daddy dahil mukhang high blood na naman ito dahil sa twins. Ayoko naman talagang tawagin si daddy sa name niya without saying daddy with his name pero gusto ko lang. I can't help it. Natutuwa lang akong asarin siya.

"I love you, dad. Huwag na you magalit, hmm? Ano na naman ba kasi ang ginawa ng twins?" dahan dahan akong lumapit sa kaniya saka niyakap siya mula sa likod.

"Ang mommy mo na lang ang tanungin mo. Ayokong pag-usapan dahil kapag naaalala ko di ko mapigilang mainis."

"Hmm, okay." Umalis ako sa pagkakayakap dito saka umupo na para kumain.

"By the way, kamusta ang mga business mo?"

Mabilis kong nilingon si daddy dahilan para tumawa ito. Bakit ba, this is the first time na kinamusta niya ang business ko simula noong sinimulan ko 'to. Alam kasi niyang alam ko na sobra sobra ang tiwala niya sa akin kaya never niyang kinamusta ang mga business ko.

"Ayos lang naman sila dad. Pinapayaman pa rin ako." Biro ko dito pero seryoso ako nitong tinignan kaya napatigil ako sa pagsandok ng kanin.

"Why are you looking me like that?" humalukipkip ako dito dahil alam ko na ang sasabihin niya. Ipipilit na naman niyang magpakasal ako sa anak ni ninong. Damn arrange marriage.

"Okay fine! Let's set a meeting for the wedding and such. But may sasabihin muna ako sa'yo dad. And please, huwag kang magagalit, okay?" nginitian ko ito pero tinaasan lang ako ng kilay. Attitude ka dad?

"What is it? Gasgas na 'yang sinasabi mo dahil paniguradong ikakagalit ko 'yan. Gagawa ka na naman ng rason para di matuloy ang pagpapakasal mo 'no?"

"Pakinggan mo kaya muna siya, honey?" malambing ang tono ng kararating lang. may hawak pa itong roasted chicken.

"Mom! You're still my savior talaga." Mabilis akong tumayo para tulungan si mommy sa dala niya saka noong maibaba na ay mabilis ko itong niyakap at nginitian.

"Aysus, huwag mong binabago ang usapan sweetie. Ano ba ang sasabihin mo sa daddy mo?"

Bumuntong hininga muna ako saka hinila si mommy upang umupo. Hindi ko alam na nakakakaba pala itong sasabihin ko.

"Parents, ilang taon na nga po pala ako?" nginitian ko silang dalawa kaya nagtataka nila akong tinignan.

"Nabagok ba ang ulo mo anak at nakalimutan mo na ang age mo?" tinitigan ako ni daddy na ang ipinapahiwatig ay nasisiraan na ako ng ulo. Si mommy naman ay seryoso lang ang mukha.

"Stop it dad, hindi pa ko nasisiraan ng bait. So, heto na nga. I'm 25 years old na, right?

"Then? Anong gusto mong sabihin? Ohh, you are stating your age para ba ipamukha sa amin na you should decide for yourself?"

"Honey, huwag mo kasing pinuputol ang sasabihin ng anak natin. Nagiging assuming ka na naman." Inirapan ni mommy si daddy kaya binelatan ko ito dahil paniguradong manunuyo na naman 'to mamayang gabi.

"Hey, honey! Bawiin mo ang sinabi mo. Hindi ako assuming."

"And the pigs can fly, Kiel."

"Yah, Maui honey! Sinasaktan mo ang damda-"

"I'm pregnant."

"-min ko."

"Huh"

"What?"

"Honey, paki-check nga ang tainga ko. Parang nabingi yata ako sa sinabi ng anak natin."

"Dad, ang oa ha. I'm pregnant nga, okay?" inis kong tinignan si daddy saka kinuha ang hita ng manok at kumagat dito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 21 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A BEAUTIFUL COINCIDENCEWhere stories live. Discover now