Chapter 2

10 0 0
                                    

Maaga siyang nagising at mabilis na pumuntang banyo para maligo. Ito na kase ang araw ng enrollment at entrace exam sa isang bantog na paaralan sa buong Pilipinas na Golden Lion University.

Golden Lion University isa itong bantog na school sa buong Pilipinas at lahat halos ng estudyante doon ay mayayaman, anak ng artista at anak ng mga matataas na posisyon sa politiko. Pribado ito at halos kalahating milyon ang tuition fees na binabayaran sa unibersidad na iyon kaya pili at mayayaman lamang ang nakakapasok dito. Kada taon ay nagbibigay ng 10 scholarship para sa mga taong walang kakayahan subalit matatalino at Validictorian sa huling school nito. Sampung scholarship para sa sampung tao lamang ang maaaring mabigyan nito. Kaya napaka swerte mo kung sakaling isa ka sa mapili nila para sa sampung scholarship na iyon, na halos isang daan na aplikante ang nag papasa ng scholarship form kada taon para makakuha ng pambihirang scholarship na libre ang tuition,pagkain, uniform with 50 thousand allowance sa isang semester. 100 thousand ang kabuoan ang makukuha mo dahil sa isang taon ay may 2 semester. Mataas ang makukuhang chance na makapag trabaho sa mga 5 star hotels at matataas na ranggo sa trabaho pag nakita nilang sa school na ito ka nakapag aral. Kaya maraming Estudyante ang nag hahangad na makuha ang 10 slots scholarship dahil karangalan ito para sa kanila.

Lumabas siya ng banyo at nagbihis. Kinuha niya ang isang jeans na hapit at over size na damit tsaka ito isinuot at mabilis na nag medyas at nagsapatos. Sabay harap sa salamin at kumuha ng face powder. Lumabas siya sa kanyang silid at mabilis na naglakad nang biglang...Sumingit ang nanay nya...

Hoy Zephania! (tawag ng nanay nya pag galit)

Bahit ho Nay! (Tugon niya).

Ikaw ngay magpalit, tignan mo ang itsura mot napaka sama. Hindi ka naman lalaki sa ganyang porma ah! Ikay bumalik sa iyong kuwarto at hayaan moko na ako ang pumili ng iyong isusuot. Kinuha nito ang fitted dress na mahaba ang panggas at hinablot ang buhok at tinirintasan ito!

Ayan! Ganyan anak! College kana ata ganyan mag damit sa college! Dalaga kana ganyan dapat sinusuot mo hindi mga ganyang damit na nagmumuka kang manang. (Sabi ng nanay na tuwang tuwang nakikita ang anak na pinagbibihis dalaga kahot ayaw ng kanyang anak).

Nay naman eh! Alam nyo naman na hindi ako nag susuot ng pambabae na damit. Alam nyo den na kahit kelan hindi ako nag palda at nag dress. Nabuhay ako ng 17 na taon dito sa mundo at kahit kelan di ako nag dress alam nyo yan Inay! Ayoko nito! (Sabi habang nag mamaktol)

Maalis ka ng naka ganyan o di ka makakapag aral sa paaralang gusti mo? Di kita papayagang umalis dito! Ano pili?( Madiing pagkakasabi)

Sya oho inay at alam kong hindi ako mananalo sa inyo. Pangarap kong school yon at gagawin ko ang lahat para makapasok lang sa paaralan na iyon. ( Nakabusamgot nitong mukha)

Aalis na sya ng kwarto nya ng biglang...

Oppppsss... ( Pigil ng ina)

Oh bakit na naman ho Nay? (Tanong nito)

Pinulot ang mataas nitong takong na nakatago sa ilalim ng kama nito na ginamit nya nung graduation.

Oh!... (Sabay abot)

Nay mag mag sapatos na lang ako ayokong isuot ya...( Di pa nakakatapos ng biglang marinig ang singit ng ina)

Isusuot mo yan o hindi ka makakalabas ng bahay nat... (Di ren nakatapos ang ina sa kanyang pagsasalita ng...).

My Enemy Turns to Lover Where stories live. Discover now