44

20 5 1
                                    

Messenger

HURT KATE
Today, 8:00 PM

Kate
let's talk here Lala

Bianx
Ano pong meron?

Lala
Ok.

Kate
anong problema mo sa akin?

Lala
Saglit nagbabackread lang.

Kate
ngayon mo pa nakuha magbackread?

Lala
You were asking what my problem is. Binabackread ko yung problema. Maghintay ka.

Eevie
How dare you talk to Kate like that @Lala?!

Lala
Ah kaya siguro gusto mo rito mag-usap tayo para may kakampi ka @Kate haha sige okay lang naman. Let's start?

Gela
huy anong nangyayari rito? nag-aaway ba kayo?

Lala
Himala Gela, di ka nagdadrive ngayon?

Gela
no, kakauwi ko lang actually
anong nangyayari?

Kate
Lala is pestering me, ano bang problema mo sa'kin ha?

Lala
Di pa ako tapos mag backread pero sige. Tutal atat na ata ka. Let's start sa kung bakit ka nagsinungaling about Aly being mad at us @Kate come on, explain yourself.

Kate
what are you talking about? she is really mad at us! kinausap niya ba kayo? diba hindi?! so galit siya!

Lala
Sure kang wala siyang nakausap sa atin?

Kate
I'm sure— wait, did you snitch?!

Bianx
Hala wag po kayong mag-away

Lala
Okay, I guess you can't even explain yourself. Marami pa akong gustong itanong sa'yo Kate. So if you're not going to answer me in all honesty, I guess there is no point in asking you at all.
Oh wait
Hanggang ngayon pala pinag-uusapan niyo pa rin si Aly?

Eevie
And so?

Lala
Gan'yan na ba talaga kayo ka-toxic?

Eevie
Excuse me?! Kami? Toxic?! Baka ikaw pa Lala. Snitch ka!

Lala
If you're mad at Aly dahil sa hindi siya nakikipag-usap sa atin, it's not right na pag-usapan niyo siya. Grabe kayo parang hindi niyo naman siya naging kaibigan. Naririnig niyo pa ba mga sarili niyo? Sa'n ba nanggagaling 'yang hate niyo na 'yan?

Kate
dami mong nasabi, bawal na pala mag share ng life updates ng kaibigan dito

Bianx
Concern lang naman kami sa kanya

Eevie
Right! Concern lang kami kaya namin siya napag-uusapan. Masyado kang mapagbintang Lala.

Lala
You really want to stand your ground?
Ikaw @Bianx, I know why you hated Aly. You thought na siniraan ka niya kay Harl but truth is she never did. I was there. She never badmouth you, ever.

Bianx
Pero sabi ni Kate yun ang sinabi ni Aly kay Harl

Lala
You really believed that? Sa tingin mo kayang gawin ni Aly yun sa'yo? Then why didn't you ask her? Naniwala ka lang basta sa sabi ng iba. Kung kaibigan ka talaga niya tatanungin mo siya. Hindi yung gan'yan, kinimkim mo to the point that you hated her.

Kate
so you're accusing me of lying?! yun ba yung kanina mo pang pinapamukha Lala? yes nando'n ka but I was there too at alam ko ang mga narinig ko. stop accusing me of being a liar Lala, ikaw yung sinungaling dito! Lala the liar!

Lala
Oh, sandali. Galit na galit ka naman agad. I was just trying to raise my concern. Kanina may tinatanong ako sa'yo hindi mo sinasagot and now ang dami mo ng nasabi. Chill and don't accuse me of being a liar please. You know who really the liar is here.

Eevie
Napakarami mong sinasabi Lala! And do you think ba with all your accusations with Kate ay maniniwala kami sa'yo? Look, Kate is our mother figure in the group and she is the most matured. If there is one person na mapagkakatiwalaan namin dito ay si Kate yon at hindi ikaw.

Lala
You know what's ironic Eevie? Yung napaka-appreciative mo of Kate but never of the others. Baka nakakalimutan mo yung sinabi mo kay Aly nung nag-overnight kayong tatlo?

Eevie
What are you talking about?!

Lala
Remember when Gela was admitted to the hospital last year and couldn't attend your birthday celebration? I arranged a flower bouquet for Gela to let her know that even though she couldn't be there on your birthday, we were still thinking about her. Then, same day, I gave you a mini bouquet of flowers. Sobrang tuwang tuwa ka nun in front of me but little did I know that behind my back, halos isumpa mo na pala ako dahil lang sa mas magandang bouquet ang ibinigay ko kay Gela kesa sa'yo.

Gela
you really said that @Eevie? and @Kate did you really lie to us?

Lala
Oh bakit hindi kayo makareply?
Dito kayo magchat huwag sa DM.

SNITCH (EPISTOLARY)Where stories live. Discover now