Prologue

123 3 0
                                    

Kanina pa ako nakatunganga sa lamesa ko dahil sa ginagawa kung plates. Ewan ko ba, patamad na ako ng patamad sa pag gawa ng plates. Pero wala naman akong choice kasi pangarap ko ito alangan naman mag shift ako? Eh sayang naman nakakadalawang taon na ako. “Pre, hanap ka ni Prof Alcaraz. Yung para daw kasi sa event this Saturday.” Usal ng blockmate ko nakakapasok lang sa classroom namin. Tumango lang naman ako.

“Nakita mo ba sila Santos at Nase? Kanina ko pa kasi sila hinahanap eh.” Tanong ko naman sa kanya.

“Ay hindi pre!” Tumango naman ako at saka ko inayus ang gamit ko.

Napabuntong hininga na lang rin ako dahil ako na naman ang napili nila na mag-perform sa event sa Saturday. Ewan ko ba palagi na lang ako, pero okay na rin at least na extend ang pagpasa ko ng plates ko. Unlike kapag walang event on time dapat, may benefits ang pagiging performer ko sa school eh.

“Hades.” Napatingin naman ako ng may tumawag sa akin. Pero imbes na yung tumawag sa akin ang nakita ko ay iba ang nahagip ng paningin ko. Isa lang naman ang nakakapagpatigil ng mundo ko eh. Ang nag iisang tao na gusto.

Para na naman nag slow motion habang naglalakad siya, napangiti pa ako ng ngumiti ito dahil sa nga kasama niya. Ang pogi at cute niya talaga pagngumingiti, lalo na pag naka gummy smile siya? Ang sarap pisilin ng pisnge niya feeling ko ang fluffy.

“Hoy! Hades, ano ba?”

“AY FLUFFY!... Ano ba yun? Kingina naman nito eh.” inis na usal ko dito. Sinamaan ko naman ng tingin si Josh dahil sa panggugulat nito.

“Ayown! Nakita na naman kasi si De dios. Bakit kasi ‘di mo lapitan? Napaka torpe mo naman pre, ikaw din pag naunahan ka ng iba dyan.” Usal niya naman.

“Ano ba kailangan mo? Saka papunta ako kay Prof Alcaraz eh.” Usal ko naman dito.

Umikot naman ang mata nito. “Pre, kung ‘di kita tinawag ‘di mo naman makikita si De dios dahil derederetso ka. Tara na nga! Samahan na kita para after puntahan na natin si Nase, nasa library nag aaral.” Usal niya naman at bahagya akong inakbayan. Nagalakad naman na kami papunta sa kung saan. Bahagya pa akong lumilingon kaso ang kj naman ni Josh dahil sinisira niya ang pag sulyap ko.


•••


Habang naglalakad ako ay hinarang ako ng Prof namin na siyang nag guide rin saamin sa photography club.  Baka rin kasi ako na naman kunin niya as a photographer ng school, may deadline pa man rin ako sa journalist club namin. Pero kaya naman, sa dami kung time. Daming time nag reklamo.

“Sakto pala De dios at nakasalubong kita. Pwede ka ba sa Saturday? Ikaw na photographer ah? Maganda kasi mga shot mo.” Usap niya naman.

“May choice ba ako?”

“Ano ‘yun De dios?”

“Ay wala po sir, sure po free naman po ako sa Saturday.” Saad ko pa at bahagyang ngumiti.

“Salamat, buti at libre ka sa sabado. Oh siya uuna na ako. Report ka na lang mamaya sa office ah?” saad niya at tinapik pa ako. Tumango naman ako at ngumiti pa ng bahagya. Itong kalbong ito masasapak ko ito ako na lang palagi eh..hays!

Naglakad naman na ako papunta sa library, kaso nakasalubong ko si Stell, Stacey at Colet. “Ano na namang nangyari sayo?” tanong ni Stell.

“Paano ba naman, ako na naman nakita na mag picture sa event sa Saturday. Manonood ba kayo?” tanong ko naman.

“Oo naman, yes, shempre! Mag p-perform yung crush ko na taga Archicture Department eh.” Saad ni Stacey.

“Crush mong ‘di ka naman crush.” Usal ni Colet. Tinawanan naman namin si Stacey dahil sa naging reaction nito sa pangbabara ni Colet sa kanya. “Hmp! Epal!” natawa naman kami. Napailing na lang ako at inaya ko na sila na pumunta na kami sa library dahil may r-reviewhin pa kami na isang subject.

Crashing Right Into You [kentin]Where stories live. Discover now