Crashing One

99 2 0
                                    

Uwian na namin at gabi na rin, kahit malapit lang naman yung school sa dorm na tinutuloyan ko ay nagawa ko na lang sumakay. Pagod na pagod na rin kasi ako dahil nag practice pa ako after ng last subject ko kanina. Sakto nag kasabay kami ni Nase palabas kaya naman sabay na rin kami sa tricycle.

“Balita ko si Ace daw yung photographer sa Saturday ah?” Usal niya naman.

Nanlaki naman mata ko at napatingin ako sa kanya, “Gago! Weh? Totoo ba?” Tanong ko sa kanya. Sila lang naman kasi palagi nag sasabi sa akin kasi ano naman ba pake ko sa mga kaganapan sa school kung hindi involve si Alastair.

“Totoo ‘yun. Sinabi niya sa akin. Nakalimutan mo ata na close rin kami nun. Basa isang club lang kami Hades.” saad niya naman.

Oo nga pala, kasali rin pala sa journalism club si Pau. Kaya for sure nag kakausap sila ni Alastair. “Pero alam mo ba pre, naawa rin ako kay Ace eh. Kasi tanggap siya ng tanggap, ‘di marunong huminde. Ayan na t-take advantage.” saad naman nito.

“Ang bait niya kasi, pero enough naman na yun. Naabuso naman kabaitan niya.” Saad ko naman dito.

“Hahaha... Puro na nga reklamo yun, sabi ko matutu rin kasi kamo siya mag reklamo hindi puro accept siya. Ewan ko ba doon, feeling ko kailangan niya ng isang tao na tuturuan siya huminde sa iba.” usal naman nito at tinignan niya ako.

“Og teka? Bakit ka ganyan maka tingin sa akin?”

“Wala pre, malapit kana bumaba hahaha.” usal niya naman at tumawa pa. Ako naman ay nakarating nasa may skenita kung saan papasok ng dorm ko. Nagpaalam na ako kay Pau na baba at saka na nag bayad at bumaba. Pagbaba ko ay naglakad na ako papasok ng skenita.

Pagkarating ko sa dorm ko ay pumasok rin naman agad ako sa kwarto, pagpasok ko ay nilagay ko sa may study table mga materials ko saka ako naligo at nagpalit ng damit. Dahil sa extended naman ang pagpasa ko ng plates ay pinili ko na lang matulog.

It's Saturday at maaga ako nagising. Tumawag na rin kasi sa akin yung Prof kaya naman maaga ako pupunta sa school. After ko magbihis ay ininom ko na lang yung coffee ko saka ako umalis. Nagsimula na ako nag lakad dahil isang kanto lang naman ang pagitan saka para nakatipid rin, may isang linggo pa ako pero wala na akong allowance dahil puro bayaran sa school. Hindi pa nagpapadala si Mama at Papa sa akin na parehong nasa ibang bansa. Dati kay Ate muna dinadaan ngayon deretso nasa akin dahil minsan bawas na.

Pagkaubos ko ng kape ay nag simula na ako nag lakad. Saktong 7am naman ako nakarating sa school, sakto naka received na ako ng message galing sa gc namin.

[Mahboyz] Group chat

Josh:
Pre, papunta ka na ba sa school?
Pre, alam mo bang andito sa dance room si Alastair? Kausap niya si Pau.
Ay wala na! Bagal mo naman, asan ka na ba?

Paulo:
Sinungaling ka talaga Santos, ‘wag ka maniwala dyan pre. Kaibigan niya pumunta dito, may pinapabigay lang saakin kasi ako ang nakatuka sa journalism mamaya.

Napailing naman ako at agad kung nilagay sa bulsa ko yung phone ko. Ang oa ni Josh talaga.

Dumeretso naman na ako sa dance room at doon ko sila naabutan. Ewan ko ba at bakit anditi si Josh eh wala naman yang ganap? Ano na naman kaya kailangan ng taong ito?

“Naks! Pogi natin pre ah? May pinomormahan ata ito.” saad naman ni Josh. Agad ko naman inabot sa kanya yung gitara ko.

I-tono mo nga yan, puro ka daldal dyan. Wala ka namang ganao andito ka!” usal ko naman dito.

Crashing Right Into You [kentin]Where stories live. Discover now