01

0 1 0
                                    

"Kaius Joe wake up!" isang marahang pag tapik sa pisnge ang natanggap ng dalagang si Kaius Joe, kasalukuyang nasa taimtim ng kanyang pagtulog
"Maghunos dili ka nga jobert! baka magising yung iba sa sigaw mo eh!"
"Eh tulog mantika kase itong si Kaius, naturingang Death chaser at Nightmare pero mukhang pag-didaydream nya ang makakapatay sa kanya." hindi naman mapigilan ni Kaius na mapa-ismid dahil sa sinabi nang kanyang kasama sa kampo.
"Tangina naman jobert, gabing-gabi tapos sasabihin mong daydream? tanga talaga oh." bulalas nya kaya naghagikhikan naman ang kanilang kasama, kaya napakamot nalang si jobert sa kanyang batok dahil sa pagkapahiya.
"Oh sya tara na baka mag tantrums ka dyan, basta pag nahuli tayo nina lieutenant magnayon, ikaw ang tatanggap ng 150 push-ups, is that clear?" huling paalala ni Kaius sa kanyang kasama.

"Oo na, im true to my words, hindi kagaya mo." saad pa ni jobert kaya napapalatak na lang si Kaius sa kanyang ka-tropa.
"Mabuti! kung ganoon? let's go!" nagsimula na silang mag pack ng kanilang mga gamit na dadalhin nila sa pagtakas sa kampo, dahil bibisita sa kanilang pamilya kaya ganoon na lang ang desperado nilang makatakas, at si Kaius lamang ang maraming alam sa mga lagusan dahil sya lamang  babaeng captain at naghahandle sa kanilang team,  nga pala sila'y mga sundalo at kasalukuyang nagtitraining as scout rangers, at dahil nasa ilalim sila ng training, hindi sila allowed na lumabas sa ruta at kampo hanggat hindi natatapos ang kanilang training, unless permitted iyon nang nakatataas na opisyal.

~ ~ ~

"Oh? si officer tingkoy?" tanong ni Kaius sa kanyang mga kasama habang nakayuko sila ngayon at nagtatago sa anino ng acacia tree.
"Hindi sya sasama sa'tin, ayaw niya raw mahuli." Saad ni jobert kaya napa ngisi na lang si Kaius.
"Ang sabihin mo duwag lang sya," aniya
"Tara na, baka mahuli pa tayo, birdie on my count of three, gagapang ka papunta sa ilalim ng lagusan na iyon without getting caught, and froggy lulundag ka sa pader na iyon, para makita mo kung ilan ang dami ng nagbabantay, and you jobert assist me. And the rest just follow us without making any noise, copy?"
"ROGER THAT!" sigaw nilang lahat at saka sumaludo sa kanilang captain
"Okay, let's move now!" at nagsigapangan na sila sa ilalim ng mahahabang damo at hindi na iniinda ang kati nito dahil sanay sila sapagkat naituro na din ito sa kanila during training session, at bihasa na rin sila sa kanilang ginagawa maski ang pagtakas sa kampo.


Tuluyan nga nilang nalisan ang kampo ng hindi namamalayan ng kanilang opisyal, ngunit alam nilang sa pagsapit ng umaga at makakatanggap sila ng mabigat na parusa dahil sa kanilang pagtakas, ngunit hindi na bago sa kanila iyon dahil sanay na sila, lalo na si Kaius.

Sa kalagitnaan ng kanilang paglalakbay, naririnig nila ang isang signal sounds na galing kay birdie at ang sound na iyon nang kalapati ay nangangahulugan na may paparating na hindi nila ka-tropa or mas worse ay rebelde.

Kaius signaled her troupes to shut and pretend as grass and they obligated, they didn't move any single of their body, and pretend as grass, indeed.

"Pinuno, baka may makakita sa atin rito, mas makabubuti kung bumalik na lamang tayo sa susunod!" saad ng isang lalakeng may bandana sa ulo, rebelde.
"Tama si kaloy pinuno! sa susunod na lang tayo sasalakay, at sugatan pa ang mga kasamahan natin, pakiusap pinuno!" pagsusumamo naman ng isa pang rebelde, kaya walang nagawa ang pinunong rebelde kundi ang umatras sa kanyang planong atake.

Nakakailang hakbang lamang ang mga rebelde nang makarinig sila nang kaluskos nang isang rebultong nahulog, kaya sa taranta ng mga rebelde ay nagpaputok sila ng kanilang baril.

"Nalintikan na! alakdan team spread out!" sigaw ni Kaius sa kanyang mga kasama habang nagpapalitan na sila ng putukan,
"Mga sundalo! tamang-tama dahil uubusin namin kayo!"
"Mga lintik na rebelde! kayong mga salungat sa pamahalaan! sumuko na kayo kung gusto nyo pa mabuhay!" banta ni Kaius sa mga rebelde habang hinahanda niya ang kanyang ammo at grenade .
"Kayong mga naninilbihan sa pamahalaan ang salungat sa lipunan! hindi nyo kami matatakot dahil lang dyan!" Sigaw rin rebelde kaya no choice si Kaius kundi ang panindigan niya muna pansamantala ang kanyang title na pagiging Death chaser at Nightmare .

I tamed the dangerous Duke Where stories live. Discover now