PROLOGUE

6 1 0
                                    

WARNING: Self-harming, Suicidal Thoughts

__________

"Why do you have an 85, Azure?!  You're slacking off, ang mga kapatid mo nga ay wala pang nakukuhang grado na mababa sa 90!"

Tama na.

"Let’s break up, Cia. I'm tired of loving you."

Ayoko please.

"Napaka walang kwenta mo, ayan nalang hindi mo pa magawa?!"

Pasensya na...

"You're such a disgrace to our family, Azure!"

Tumigil ka na!

"Pagod na akong mahalin ka, Cia. Pilit kitang inaayos pero imbis na mabuo ka muli, parang ako naman 'yung unti-unting nadudurog."

Sorry, I'm sorry. Please don't leave me like this!

"I'm so disappointed Miss Dela Vega. Running for valedictorian ka pa naman but you keep getting low scores and grades this past few weeks."

Tinakpan ko ang aking mga tenga dahil sa paulit-ulit na salitang naririnig ko. Pilit kong hinihila ang aking mga tenga para matigil ang aking mga naririnig, kinakalmot ko na rin ang sarili. Mas lalo lamang akong humagulgol.

Bakit kahit anong sugat ang binibigay ko sa sariling katawan, mas lamang parin 'yung sakit sa dibdib?

I'm so tired living this kind of life. Bakit ako pa? Gusto ko lang naman maranasan ang maayos na pamilya at buhay.

Napadausdos ako sa sahig ng kwarto, hindi ko matigil ang pag iyak dahil parang kada oras ay mas lalong lumalala ang sakit sa aking dibdib.

Gumapang ako papunta sa aking bedside table at binuksan ang pinaka mababang drawer don at kinuha ang cutter.

Kahit nanginginig mula sa pag iyak ay pilit kong sinusugatan ang sariling mga kamay at paa. Kung saan-saan ko na natatama ang patalim, unti-unti na ding kumalat ang dugo sa mga kamay at paa ko.

Ang aking kanang kamay ay ginamit ko para itutok ang cutter sa aking leeg, habang ang kaliwa ay mahigpit ang kapit sa carpet na dati ay sobrang linis tingnan ngunit ngayon ay halos kulay dugo na.

Gusto ko nang patayin ang sarili ko.

Gusto ko nang mawala.

Gusto ko na 'tong matapos...

pero bakit parang hindi ko kaya?

__________

It's my first time writing a story po, please don't judge. May mga scene po dito involve ang self-harming at iba pa, kung hindi niyo po gusto ang mga gano'n ay maari niyo pong i-skip ang kwento na ito. Thank you!

When will it end?Where stories live. Discover now