CHAPTER 1

4 1 0
                                    

Enjoy reading!

__________

AZURE'S POV

"Azure, hija. Kakain na kayo, hinahantay ka nila sa hapag kainan." Rinig kong sabi ni Manang sa labas ng aking kwarto. Naka uniform na ako and all, kinuha ko na rin ang bag ko para diretso pasok na pag katapos kumain.

"Pababa na, Manang," ani ko. Hindi ko na narinig na nag salita si Manang, siguro ay bumaba na siya.

Tama nga ako dahil pagka bukas ko ng aking kwarto, wala na siya roon. Tumuloy na lang ako sa baba at dumiretso sa dining area. Naabutan ko sila roon na naguusap-usap. Binati ko sila ng good morning at bumati naman sila pabalik.

Doon ako umupo sa tabi ni Vonn. Nag pray muna kami, pag katapos ay kumain.

Nakaka ilang subo palang ako ay nag tanong na agad si Mom ng about sa academics namin.

"So, how’s your studies? Hindi namin kayo natanong kahapon dahil sa overloaded na works." Wika niya, walang nagsalita sa 'ming tatlo kaya siya na ang nagtanong. Una niyang tinanong ay si Warren, napahinto tuloy ito sa tangkang pagsubo.

"It's fine, Ma. Marami lang readings." Sinabi nito at tinuloy na ang pagsubo ng pagkain. Sunod naman na tinanong ay si Vonn. "Okay lang naman, medyo busy kasi graduating na. Madaming dapat gawin." Sagot nito at wala na siyang dinugtong pa roon.

Si Warren ay panganay sa 'ming magkakapatid, after niya mag polscie ay pumasok naman siya sa law school. Habang si Vonn naman ay sunod sakan'ya, business management, siya ang maghahandle ng kompanya pag naka-graduate na siya. Sa aming tatlo kasi ay siya ang mas nakikitaan ng galing sa pag handle sa company, isa pa, gusto niya ring gawin 'yon kaya wala ring problema sakan'ya ang pag take ng kursong business management–

"How about you, Azure?" baling nito sa akin. Palihim akong napa buntong hininga at sumagot sakan'ya.

"Okay lang," wala na akong dinugtong roon dahil wala naman akong sasabihin. "Siguraduhin mo lang, you already wasted one year of your life. H'wag mo nang dagdagan pa–" padabog kong naibaba ang kutsara, hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita at nag paalam na aalis na.

"Papasok na ako, Mom, Dad." Hindi ko na inantay ang sagot nila at tumalikod na. Hahaba lang ang paguusap kung magtatagal pa ako rito.

Lagi nalang kasi siyang gano'n, hindi nalang siya manahimik. Lahat nalang may masasabi siya, pinanganak ata siyang robot na puro dada ng mga walang kwentang bagay. Alam kong dapat hindi ko siya pinagsasalitaan ng gan'to pero masisisi mo ba ako? Sumusobra na rin kasi siya, hindi kami matatapos kung hindi niya ako i-c-compare sa iba o pagsasalitaan ng masama.

Dumiretso ako sa kotse ko pagkalabas ng bahay, hindi na ako sasabay kila Vonn. Pag sasabihan nanaman nila ako kasi hindi ko pinatapos si Mom. Ano bang bago? Ako naman palagi ang masama, walang respeto o kahit ano pang maisip nilang word.

Nasa kalagitnaan na ako ng pag d-drive ng may biglang sumulpot na isang kotseng pula mula sa kaliwa. Napa preno ako dahil doon, pati siya napa hinto, dahil siguro sa gulat. Binaba ko ang kaliwang bintana ng kotse, binaba niya rin ang kan'ya. Mag sasalita na sana ako nang maunahan niya ako.

"Hey! Why don't you look before you continue driving?! Muntikan pa akong maaksidente dahil sa 'yo, pag ako namatay, mumultuhin kita." Muntikan na akong mapanganga dahil sa sinabi niya, ako pa ngayon ang may kasalanan na tanga-tanga siya at mabilis mag drive?

"Bobo! It's clearly your fault, ang bilis mo magpa-takbo! Naninisi ka pa ng ibang tao e ikaw ang tanga riyan. Be thankful because I'm fast enough to step on the brake!" pagkatapos sabihin iyon ay itinaas ko na ang bintana ko at iniwasan ang kotse niyang naka harang sa daan, hindi ko na hinintay ang sasabihin niya dahil baka ma-late pa ako.

Halata sa mukha niya ang pagiging madaldal kaya alam kong madami siyang sasabihing unnecessary things na wala namang madudulot sa amin na maganda.

Nakakainis, sira na nga ang mood ko sa bahay palang, dumagdag pa siya. Araw-araw talaga akong sinusubok ng mundo. Dagdag mo pa ang paninisi niya, lakas ng tama.

NANDITO na ako sa room namin, as usual ay inayos ko na ang dapat ayusin sa loob. Ako ang presidente ng HUMSS 1-A kaya naging habit ko na rin ang pagpasok ng maaga.

Naaalala ko parin 'yung lalaking pulang buhok na iyon, mukha siyang manok. Nakakasira siya ng araw, dapat sa mga katulad niyang pangarap maging manok, pini-phase out.

I keep cursing him under my breath while while arranging the chairs. Ewan ko kung sinong nag gulo ng mga ito e maayos naman ito nang iwan namin kahapon.

"Hey, good morning," bahagya akong nagulat ng may kung sino ang nagsalita sa may likuran ko banda. Lumingon ako para tingnan kung sino ito. Napahinga ako ng malalim ng makitang ang vice president ko lang pala iyon.

"Nakakagulat ka naman, bakit bigla ka nalang sumusulpot?" ani ko habang tinutuloy ang pagayos ng ng upuan, tinulungan na rin ako nito sa pagaayos bago sumagot.

"I'm not sumusulpot, Ara. You're just distracted, I even knocked out the chair beside my mine. I'm kind of scared kasi I saw you talking to yourself. Baka may nakikita kang multo at kinakausap mo." Napangiwi ako sa haba ng paliwanag nito, tyaka medyo nagulat dahil hindi naman ito masyado nagsasalita.

"Napapansin ko na ang pagiging madaldal mo sa 'kin, Hiro a." Ngumiti lang siya and shrugged. Teka... ngumiti? si Hiro ngumiti? SI HIRO CENDALA????

Napa-hugis '•○•' ang bibig ko at tinuro siya, first time niyang ngumiti. Lagi kasi siyang walang emosyon at parang malaki ang galit sa mundo.

"I want to be your friend, Ara. We're almost 2 years as classmates but this is the first time we talked casually, na hindi tungkol sa academics." Napaisip ako sa sinabi niya, tama nga siya. Ngayon lang, and I've been eyeing to be friends with him since last year pa but I'm too nervous to do so. Mukha kasi siyang masungit.

Pansin ko din na wala siya masyadong kaibigan, kinakausap niya naman ang mga lalaki rito sa room pero masasabi ko na hindi sila masyadong close. Sa mga babae naman ay ako lang kinakausap niya, bukod sa akin ay wala na. Ewan ko kung bakit ayaw nilang kaibiganin si Hiro, siguro dahil na rin sa pagiging tahimik nito at intimidating.

Sikat rin siya rito sa buong school, bukod sa gwapo ay matalino rin, mayaman etc. Lahat na ata ay nasa sakan'ya.

Being friends with him won't hurt naman hindi ba?

Ngumiti ako at inilahad ang kanang kamay sakan'ya, taka naman niyang tinitigan iyon.

"Friends?" napa ngiti siya at tinanggap iyon.

"Friends."

__________

आप प्रकाशित भागों के अंत तक पहुँच चुके हैं।

⏰ पिछला अद्यतन: Apr 01 ⏰

नए भागों की सूचना पाने के लिए इस कहानी को अपनी लाइब्रेरी में जोड़ें!

When will it end?जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें