FORGIVE & FORGET

21 2 0
                                    

“What?! No! Ayoko. Hindi ako pumapayag sa gusto mo,” mariing saad ni Cendrick sa kaniya.

Dalawang araw matapos ang gabing iyon ay nakipagkita siya rito. Pero hindi niya inaasahan ang naging sagot nito.

She was breaking up with him for the very first time.

“And may I know why? Dahil ba sa alam mong palagi lang kitang patatawarin sa tuwing magkakamali ka ganoon ba?” Pinatigas niya ang mukha. Hindi pa siya nakita sa ganoong anyo ng kasintahan. She just always forgive him. Kaya tama nga si Tiffany, siya rin ang dahilan kung bakit nasasaktan siya. Dahil kinunsinti niya ito sa mga kalokohan nito.

“No! That’s not it. Mahal kita. At ayo—”

“Mahal?” Pagak siyang natawa kasabay ng pangingilid ng kaniyang mga luha. “Mahal ba ang tawag sa paulit-ulit mo akong sinasaktan? Ganoon ba, ha, Cendrick?”

Natigilan ito at hindi agad nakaimik. Titig na titig lang ito sa kaniya na para bang ibang tao ang kaharap nito.

“Hindi ka makasagot dahil totoo,” aniya sabay hikbi. Mabilis niyang pinahid ang dalawang butil ng luhang pumatak sa kaniyang mga mata. “Ang tagal kong nagtiis sa mga panloloko mo. Palagi kitang pinatatawad, dahil sa isip ko, naghahangad ako na magbabago ka rin. That eventually, you’ll realize how important I am to you. Pero niloloko ko lang ang sarili ko. Dahil kahit anong pilit kong umasa, hinding-hindi na mangyayari pa ang mga sana sa isip ko!” Mabilis siyang tumayo at kinuha ang kaniyang bag. Hindi na niya nais na magtagal pa sa restaurant na iyon, dahil baka maging marupok na naman siya.

Subalit, mas mabilis siyang naharangan ni Cendrick. Agad itong lumuhod sa harapan niya.

“I’m sorry, Mhia. I’m so sorry. Promised, this time, hindi na talaga. Hinding-hindi na kita lolokohin. Ikaw na lang mula ngayon. Please. . .” Kinuha nito ang mga kamay niya at mahigpit iyong hinawakan. “Please, huwag mo namang gawin sa akin ito. Nakikiusap ako,” nagmamakaawang wika nito.

Siya naman ang natigilan at nawalan ng imik. Hindi niya inaasahan na gagawin nito iyon, lalo na at sa harap pa ng maraming tao. Dahil sa mga sandaling iyon, pinagtitinginan na sila ng ibang customers doon.

“Please, Mhia, for one last time, bigyan mo pa ako ng isa pang pagkakataon. I’ll make everything right this time huwag mo lang akong iwanan. Huwag ka lang mawala sa akin. Mahal na mahal kita, Mhia. . .” Pinalambong pa nito ang mga mata.

Matagal niya itong pinagmasdan. Iniikot niya ang mga mata pagkatapos, bago muling itinuon ang mga iyon kay Cendrick.

“Please, Mhia. . .”

Napabuntonghininga siya. Kat*ngahan na nga sigurong matatawag, pero mahal pa rin naman niya si Cendrick. Kaya isang marahang tango ang kaniyang itinugon dito.

“Yes!” Mabilis itong tumayo at niyakap siya. “Thanks, Mhia! I will never hurt you again, I promised,” he whispered. Hinalikan din nito ang pisngi niya.

Ngumiti siya. Hindi man nawawala ang pag-aalinlangan sa dibdib, susubukan pa rin niyang sumugal. Baka nga sa pagkatataong iyon ay magbago na ito. Iyon lang naman talaga ang hinihintay niya.

**
Naiiling na lang si Skyler— na nasa isang sulok ng restaurant na iyon, habang pinagmamadan ang dalawang pareha na masaya ng kumaikain. Hindi niya maunawaan ang nangyayari kanina, but seeing how the guy begged to the woman, mukhang malaki ang naging kasalanan nito sa babae para umabot ito sa puntong ipagkaloob ang sarili sa kaniya.

Right. Hindi niya rin maunawaan ang sarili, but he ended up stalking the woman. Mula noong malaman niya kung saan ito nagtatratrabaho, mas lalo lang nitong ginulo ang magulo na niyang isipan. Hindi ito mabura-bura sa kaniyang alaala, na para bang sadyang idinikit ang imahe nito sa isip niya.

HOMBRES CALIENTES 1: SKYLER - THE CURSE OF LOVEWhere stories live. Discover now