CHAPTER 10

0 0 0
                                    

1 week na lang mag iintrams na sa school.sumali ako sa volleyball kasama pinsan ko.yung nga kaibigan ko naman badminton sinalihan.si tyler siguro basketball kase lagi ko nakikita kasama nya si levi.

Asa gym kame para mag practice ng mga ka team ko.masungit yung coach namen o baka strick lang talaga sya.ilang oras na kame ang prapractice.dipa nag papa water Break si coach kim.

Spike chaka palo ginagawa ko.kahit pasakit na mga kamay ko sige lang ako ng sige.gusto ko muna mag isip isip naman ng tama lagi na lang kase sya pumapasok sa isip ko.

"Water break muna after 30 minutes babalik na sa practice ulit"sabi ni coach bago lumabas sa gym.

Nilapitan ako ng pinsan ko inabutan nya ko ng tubig chaka towel.umupo sya sa tabi ko para mag pahinga.

"Kung alam ko lang ganto pala yung mga practice ng volleyball sana di nako sumali"aniya nya pag tapos uminom ng tubig.

"Sayang grade pag di sumali."maikli kong sabi.

Ano kaya ginagawa nya.mag kasama ba sila ngayon ni Bianca o si levi kasama nya ngayon.bigla na lang may pumitik ng noo ko na kinainis ko.

"Tulala ka na namn"

"Bweset ka wala kaba talaga magawang tama fran ha"bulyaw ko sakanya.

"Kung diko kayo kilala,siguro pag kakamalan ko kayong mag shota na may LQ lang e"iling iling sabi ni alexa pinsan ko.

Sinamaan ko lang sya ng tingin na kinahalakhak ng dalawa.ito na naman si fran tuwang tuwa pa sa sinabi ng ugok kong pinsan.

Umalis den naman si fran.ng bwesit lang talaga sya saken kaya pumunta sya dito.kakatapos lang daw kase nila mag practice ng soccer.sayang puting balat ni fran lagaing babad sa init.

Natapos na den yung 30 minutes na break naman kaya bumalik na den kame sa practice.grabe talaga higpit nf coach namen juskooo.

Kating kati paa ko,gusto kong makita si tyler. pag pasok ko kase diretso nako sa gym,wala naman kase nag klase kase pinag prapractice lang kame.

Asa locker room ako para mag aayos ng gamit ko chaka mag palit ng damit.nag prapractice ngayon sa gym yung mga sasali sa basketball sure akong andon si tyler.sisilip lang ako sisilip lang talaga.

Kaya pag tapos ko mag bihis dali dali nako pumunta dun diko na hinintay matapos si alexa mag bihis malaki naman na yun kaya nya na sarili nya.

Pag silip ko sa gym di nga ako nag kakamali andun si tyler,levi,jay, Daniel sila lang kilala ko yung iba hindi na.nakaupo sila sa lapag tas yung iba naka higa naman siguro kakatapos lang nila mag practice.gusto ko lapitan si tyler kaso feeling ko naka pako yung paa ko sa pinto ng gym.

Pag baling ko ulit kay tyler nakahinga na den sya chaka naka tingin sa taas nag aangat baba yung balik nya dahil sa pagod.tumutulo den yung pawis nya ang hot sya pa den kahit ganon.

Pero may sariling buhay yung paa ko,nag lalakad ako patungo kay tyler.pag lapit ko sakanila bumaling agad sila saken.na kinaupo ni tyler.pag lapit ko sakanya inabot ko yung tumbler ko nag lagay kase ako kanina bago lumabas sa locker baka kase mauhaw ako habang papauwi.

"Oh"nakatingin lang sya saken pag abot ko ng tumbler"tanggapin mona wag kanag maarate"dugtong ko saka nya kinuha.

"Than-" diko na pinatapos yung sasabihin nya na tumalikod nako lakad takbo ginawa ko para maalis na agad dun.

Sabi ko silip lang gagawin ko  pero lumapit ako ganon ako ka rupok pag dating sakanya.pag napapagod sya gusto ko ako  lang maging pahinga nya para mawali yung pagod nya.

Nag pag pasundo na agad ako kay manong raul pag labas ko sa gym baka kase sundan ako ni Tyler.

Pag uwi ko sa bahay wala pa si daddy si mommy pa lang.naka upo si mommy sa sofa habang nag babasa ng paborito nyang libro.naabutan ko sya ganon ginagawa nya pag uwi ko sa bahay.

Di muna ako nag palit tumabi ako kay mommy chaka humalik sa pisngi nya.

"Mi pano po ba naging kayo ni daddy"bungad ko sakanya pag tapos ko halikan pisngi nya.

Sinara nya yung libra chaka pinatong sa lamasa bago bumaling saken.

"Bago maging kame ng daddy mo madami pang pag subok ngyari bago maging kame"

"May mararamdaman kang sakit lungkot,saya naramdaman yun ni mommy habang gunugusto ko daddy mo" pag tuloy nya,naka tingin lang ako sa kanya na parang ang among aso na gusto makakain.

"Iyak lungkot,minsan gusto kong sumuko sakanya yung daddy mo kase manhid naka focus sya masyado sa isang babae na wala syang pag asa,di sya marunong tumingin sa gilid gild na may nag aabang sakanya na tumingin"

"Edi mommy hindi Ikaw yung nauna,ano naramdaman mo nun mommy na may gusto si daddy kahit gusto mo sya non"mahinang sabi ko pero sapat lang na narinig nya ngumiti sya saken.

"Kahit hindi ako nauna ako naman yung magiging last nya,sa lahat ng naging girlfriend ng daddy mo ako lang hinarap nya sa altar chaka sinuutan nito"sabay angat nya ng kamay nya pinakita nya saken wedding ring nya,na kumikinang sa ganda may diamond sa gitna yung ring.

Kung si mommy hindi sumuko sa mahal nya kahit walang syang kasiguraduhan,sana kung ganon ka lakas yung loob ni mommy sana meron den ako ng ganon na level ng lakas na loob.

Ayoko sya sumukaan kahit wala ako pang hahawakan sakanya.Wala akong gusto ng hindi nakukuha.

Papakita ko sakana ang isang Gonzaga na kayang gawin lahat.may gusto man syang iba,pero hindi pa den ako titigil abutin sya.alam kong hindi biro yun...

Kung sila mommy madaming hinarap ng problema bago maging sila.kung kinaya nila lagpasan sure akong kaya ko den lugi lang kase isa lang ako.

Pag tapos ng mga tanong ko kay mommy umakyat nako sa kwarto ko para mag palit.bababa na lang ako pag dinner na.

Pag linis ko sa katawan ko nag suot lang ako ng over size na t shirt panty lang suot ko pang ibaba matutulog na den naman ako maya maya pag tapos ng dinner.

Naka hilata lang ako sa kama ko habang nag scro-scroll sa ig,bigla na lang may lumabas na notification na kinaagaw ng pansin ko.

Nag post si tyler first post nya.simple lang post nya pero ang dami na agad na react ilang minutes pa lang nasa 200 na agad mga react.

Mga ulap lang yung post ni tyler na may caption na "thank you".

Para kanino na naman yan tyler.nag buntong hininga na lang ako chaka hinagis yung cellphone ko sa unan.

STRANGER LOVE(STRANGER #1)Where stories live. Discover now