Chapter 26-Sucesfull first day

270 29 11
                                    

1 week ng mangyari ang pag atake ng red goblin sa bahay ng isa sa mga residente ng village.In those 1 week ay nakumbinsi ko sina madam Clarita na ako nalang ang magbibigay ng bahay at trabaho sa mag-anak,tinanong nila kung sa inn ko ba daw sila pagta-trabahuhin pero sinabi ko na hindi.

Pinuntahan ko din ang mag-anak na nung oras na yun ay nakahiga sa kama at nagpapahaling ng mga sugat at sinabi sa kanila na kung pwede ba silang magtrabaho saakin at sinabi ko din na hindi na nila kailangang alalahanin pa ang bahay na titirahan nila.Napaiyak ang mag-asawa sa tuwa at lungkot at mabilis na pumayag na maging empleyado ko na ikinatuwa ko din.

And now here we are infront of the candy store.Hindi pa din ito nagbubukas dahil madami akong ginagawa at walang magiintindi dito na empleyado.Pero mababago na yun ngayon dahil meron na akong empleyado na magtatrabaho sa store.

"Wowwww" napangiti ako kay Camille, anak nina Dantes at Rita, 6 years old pa lang ito habang ang mag-asawa ay parehas 30 years old.
Manghang mangha ang bata dahil sa laki ng building at ganda ng nakikita niya.

"Halina kayo sa loob at ipapakita ko sa inyo ang lugar na tutuluyan at pagtatrabahuhan nyo" nakangiting sabi ko saka binuksan ang store na ikinamangha nilang tatlo,lalo na ng pumasok na sila.

"Ate Lily ano po ito?" curios na tanong ni Camille habang nakaturo sa unang candy na nakita niya.

"It's a candy called lollipop" nakangiting sabi ko sa kanya saka kumuha ng isang piraso.Bilog ito na kulay rainbow kaya unang tingin palang ng mga bata ay magugustuhan kaagad nila.

Kita ko kung paano lumaki ang mata ng bata ng dilaan niya ang lollipop saka malaki ang ngiting tumingin saamin.

"Ang sarap po!saka ang tamis" sobrang laki ng ngiti niya na ikinangiti naming tatlo.Inakit ko sila papuntang second floor at sinabing mamaya ko nalang sila ililibot sa buong store.

Sobrang saya nila ng makita ang lugar na tutuluyan nila.Mangiyak ngiyak na nagpasalamat saakin ang mag-asawa habang tuwang tuwa na niyakap ako ng bata na ikina-ngiti ko ng malaki.

'It's really nice and happy to help others'

Bandang tanghali na ng matapos ko silang ilibot sa buong store,tinuruan ko din sila kung paano i-operate yung mga gamit na galing earth store,kung paano iayos yung mga pagkain at iba pa na dapat nilang malaman.

Tinuruan ko din si Dante sa icecream machine kung paano i-operate ito at kung paano gumawa ng masarap at magandang na combination ng icecream,habang si Rita naman ay ang cashier ng store.Sinabi ko din na kailangan nilang tulungan ang mga customer kung sakaling mag gusto silang hanapin at kunin.

Ganun din ang tinuro ko kay Camille na mabilis lang niyang natutunan kaya satisfied akong napangiti sa kanila.

'Maybe I should hire 4 more employee for security and helpers.'

The other day came at mabilis akong nakahanap ng 4 na empleyado 2 lalaki at 2 babae.Ang 1 lalaki ay security ng lugar habang ang 3 ay helpers ng store.Mabilis na naging magaan ang atmosphere ng lugar dahil matagal naman na silang magkakakilalang lahat.

Tinuruan at inassign ko na sila sa kani-kanilang mga trabaho at kinabukasan ay naghanda na kaming magbukas.

           ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡
Napa-wow nalang kaming lahat dahil sa haba ng pila na nasa labas ngayon.Madami ding mga bata na kanina pa nasilip sa bintana ng shop at mga magulang na sinusuway at akay-akay ang mga anak na maliliit.

"Lady Stella, ready na po ba kayo?" tanong ni Amalia, isa sa mga helpers ng shop.

Lady Stella ang tawag nila sakin dahil mas maganda daw yun lalo na't ang pangalan nitong store ay pangalawang pangalan ko, at para na din daw malaman ng mga tao na ako ang may ari nito kaya kahit anong giit ko na Lily nalang ang itawag nila saakin ay hindi ko sila makumbinsi kaya hinayaan ko nalang.

I was reincarnated with an absorb skills!Where stories live. Discover now