Prologue

2 1 0
                                    


Napapikit siya sa sakit nang tulakin siya ng malakas ng kaniyang ama.

"Hindi ka namin inampon at binuhay para lang alagaan! Kinuha ka namin para magkaroon ng magtatrabaho para sa amin! Sinabi kong kailangan ko ng limang libo tapos ngayon ay isang libo lang ang ibibigay mo sa akin?!"

She bit her lips when her father slapped her. It hurts but this is normal for her.

"Wala na naman bang naiuwing pera? Paano na lang ang utang natin kay Baron? Yari na naman tayo!" Natatarantang ani ng kaniyang ina.

"Sabi ko kasi sayo at magtrabaho ka sa bar! Gamitin mo 'yang katawan mo at landiin ang mga mayayaman doon! Putang ina naman, ayaw ko pang mamatay sa kamay ng pangit na 'yon!" Dagdag pa ng ina niya.

Si Baron ang laging inuutangan ng ama at ina niya para lang magsugal at makabili ng ibang luho ng mga ito.

"Punyeta talaga! Malapit na akong manalo ng milyones kinulang lang ang pangtaya ko! Inaasahan ko ang sampung libo mo pero wala kang maibibigay ngayon? Letche kang bata ka!"

Tatayo na sana siya sa pagkakaupo nang muli siyang napayuko at niyakap ang sarili dahil hinataw lang naman siya ng sinturon ng kaniyang ama.

Gabi na at dahil sa probinsiya sila nakatira at wala sa bayan banda ay malayo ang mga kapitbahay nila.

"Tama na po! Tama na po!" Iyak niya rito.

Walang ginawa ang ina niya at pinanood lang siya nito habang naninigarilyo at binubuga pa sa gawi niya.

Akala niya ay swerte siya dahil may umampon sa kaniya. Okay naman noong bata siya dahil mahigpit man ito sa kaniya ay hindi siya nito pinagbubuhatan ng kamay. Noong naging highschool lang siya talaga itong dalawa lumala noong nakilala si Baron.

May mga alagang baboy sila at iyon ang negosyo ng ama niya. Nalugi lang at nawala dahil lumaki ang utang kay Baron at wala ng maipangbayad. Nang maka-graduate siya sa highschool ay doon niya nalaman na ampon lang siya dahil sinabi na ng mga ito sa kaniya.

Binubugbog na siya ng mga ito pag wala siyang maibibigay na pera kaya naman lahat ginawa niya para kumayod lang.

Nagtinda siya ng mga pagkain na gawa niya dahil mahilig siya magluto pero hindi pa rin sapat ang kita niya dahil maliit lang talaga. Isa rin sa dahilan na nasa probinsya sila.

May bar naman sa bayan pero hindi niya iyon pinasok dahil negosyo iyon ni Baron. Alam niya ang nangyayari sa loob no'n dahil nahuli niya na may mga drogang hawak ang mga pumapasok don.

"Anong tama na? Pinapalamon ka namin tapos hindi mo man lang masunod ang gusto namin! Putang ina kang bata ka! Papatayin talaga kita!"


"Tama na po! G-gagawa po ako ng paraan. B-bukas po susubukan ko pong makahanap," iyak niya rito. Alam niyang imposible pero kailangan niyang sabihin iyon at gumawa ng paraan.

Sobrang sakit na ng katawan niya sa madalas na bugbog at palo sa kaniya.

Pagod na pagod siya sa trabaho niya at ito ay nabubugbog na naman siya.

"Tama na 'yan! Pag wala pa rin siyang naibigay sa atin ay tanggapin na nating ang offer ni Baron. Siya na ang ipangbayad natin!"

Halos lumuwa ang puso niya sa kaba at takot nang marinig ang sinabi ng kaniyang ina.

Tumigil ang ama niya at kinuha ang beer na iniinom nito kanina lang.

"Talagang ibibigay na natin 'yang hinayupak na 'yan. Akala ko pa naman ay maraming pera ang mabibigay sa atin pag nakapag trabaho na pero hindi pala! Letcheng buhay 'to!" Inambahan pa siya ng suntok nito pero hindi natuloy kaya kahit papaano ay nakahinga siya ng maluwag.

Dahan dahan siyang tumayo nang pumasok na ang dalawa sa loob ng munti nilang bahay.

Pinagpag niya ang damit dahil may mga buhangin na sa suot niya. Sugat at pasa na naman ang inabot niya sa gabing 'yon.

Dumeretso siya sa kaniyang maliit na kwarto. Pasalamat na lang siya na hindi siya inalisan ng kwarto sa bahay na 'yon.

Noon kasi ay may nagche-check sa kaniya na nagta-trabaho sa gobyerno para kumustahin ang buhay niya dahil isa nga siyang ampon.

Dahil na rin siguro do'n kaya hindi siya inalisan ng kwarto para naman pag may pupunta ulit ay maisabi ng dalawa na maayos ang buhay niya— kahit hindi naman.

Naligo siya para maalis ang dumi sa katawan niya. Ginamot na rin niya ang sarili bago magpahinga at matulog.


Dinalaw naman siya kaagad ng antok dahil sa pagod at dinanas niya ngayong gabi.


Pakiramdam niya ay napikit lang siya at nagising ulit. Napansin niya sa orasan niya na alas-tres na ng umaga at nakaramdam siya ng init.

Naidilat niya mabuti ang mata niya nang malanghap ang usok galing sa labas.

Napabangon siya bigla at laking gulat niya ng nagbabaga na sa apoy ang buong bahay at kita niyang nakahandusay na ang ama at ina niya na wala ng buhay.

Halos manginig siya sa takot. Tuluyan ng tumulo ang masagana niyang luha. Hindi niya alam kung paano makakalabas ng bahay dahil malaki na ang apoy sa gawi ng pinto.


Napapikit na lang siya nang may sumabog. Naramdaman na lang niya ang sarili na lumutang at bumagsak palabas ng bahay.


Wala na siya sa sarili at napatakbo na lang sa abot ng makakaya niya kahit nanghihina na ang katawan niya.


Nakarating siya sa gitna ng gubat. Hindi niya alam kung bakit dito siya dinala ng mga paa niya basta't tumakbo pa lang siya palayo roon.

She stopped running when she realize something. Mabilis niyang tiningnan ang katawan niya. She checked if she has burn anywhere but she doesn't have.

She felt hot, she felt the fire but she didn't burn despite the fact the she flew away because of the fire earlier.

Sumabog ang gasul kaya siya tumalsik kanina pero hindi man lang siya nasama sa sunog.

Napaluhod siya ng tuluyan nang mahina ang kaniyang hita. She can't run anymore.

It feels like her energy is gone now.

Lumabo ang paningin niya at nang tuluyan siyang bumagsak ay may nakita siyang puting liwanag.

Before she passed out she felt that her body float. Parang may kakaibang enerhiya ang yumayakap sa buong katawan niya.

"A-anong nangyayari..." bulong niya pero tuluyan na siyang kinain ng kadiliman.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 29 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Virtue AcademyWhere stories live. Discover now