"Hindi ka na naman pumasok kahapon." bungad ko sa kaniya pagkapasok niya. He looks tired. Anong problema, Jerome?
"Ayoko na pumasok. Wala akong gana." matamlay niyang sabi. Naninikip ang dibdib ko na makita siyang ganito. Noong nakaraan ay sinamahan ko siyang bisitahin sa ospital ang kaniyang lolo. Kahit sumasakit ang ulo ko at nilalagnat, sinamahan ko pa rin siya.
"Tapusin mo lang itong semester at mag drop ka pagkatapos, kung ayaw mo na talaga ipagpatuloy." tanging nasabi ko sa kaniya. Hindi ko kayang makita ang ganitong side niya. Mas pipiliin ko nalang makita siyang pumasok sa klase kahit may hangover. Dati naman kahit dalawang oras lang tulog niya dahil kakainom, papasok pa rin siya sa klase. Wala siyang imik at natulog nalang.
Ilang weeks ang lumipas ay napapadalas ang pag absent niya. Nagrereklamo na ang mga CI namin dahil kahit sa online class ay hindi siya umaattend.
YOU ARE READING
Sweet Memories
RomancePhilomena Escorza fell in love with her best friend. She thought that letting him go was the best decision to make. As time passed, her feelings grew into something more-something deep and painful. .