CHAPTER 1

9 0 0
                                    

🍩🍩🍩

"Mom, bakit po ba kasi kailangan nating lumipat ng bahay?" Rinig kong usisa ni Vlaixe habang nasa daan kami patungo sa bago naming bahay, lumapit pa siya sa pagitan ng upuan nila Mommy saka inilinga-linga ang ulo sa mga magulang namin habang naghihintay ng sagot.

"Basta, hindi niyo maiintindihan." Tipid na sagot ni Daddy kaya't napabalik na lamang ng upo si Vlaixe sa tabi ko habang nakasimangot, masyadong mausisa ang kapatid ko kaya't hindi uubra sa kanya ang ganoong sagot lamang.

Kung ako lang ay sasabihin ko sa kanya ang totoo ngunit kabilin-bilinan ng mga magulang namin na huwag ipagsasabi sa kahit na kanino ang nalaman ko, kung tutuusin ay hindi dapat itago iyon bagkus ay dapat na ihingi ng tulong pero ewan ko ba kung bakit ayaw nilang sabihin sa iba.

Napatingin ako sa katabi kong bintana ng dumaan ang sasakyan namin sa isang arko, sinundan ko ng tingin iyon hanggang sa malinaw kong mabasa ang nakasulat doon. Welcome to Heal Heights. Iyon ang eksaktong mga salita na nakasulat sa arko na ikinakunot ng noo ko, sa pagkakaalam ko'y isang malawak na probinsya ang Heal Heights, naroon pa nga ang kilalang lungsod ng San Lazarus kaya't paanong dito kami lilipat gayong nasa siyudad na kami. Mula sa siyudad ay lilipat kami sa isang probinsya? Napakalabo naman ng lahat, pakiramdam ko'y kahit alam ko ang dahilan ay hindi pa rin iyon nagkakaroon ng sense dahil sa nangyayari.

Halos tatlong oras pa ang lumipas bago tuluyang huminto ang sinasakyan namin matapos makapasok sa isang subdivision. Huminto iyon eksakto sa pagitan ng dalawang bahay na magkaharap, unang bumaba si Mommy na agad na nag-doorbell sa isang bahay bago sumunod naman si Daddy kaya't bumaba na rin kami ni Vlaixe upang malaman kung anong mayroon.

Ilang minuto lang ang lumipas bago lumabas ang isang babae na agad napangiti ng makita kami, tuwang-tuwa iyon na yumakap kay Mommy na para bang sobrang sya niya sa pagkikita nilang iyon.

"Mabuti naman at narito na kayo! Nako, matutuwa si Tinne at Wendel na makita kayo!" Masayang sabi nito.

"Narito ba ang dalawang iyon? Ang huling balita ko nasa ibang bansa ang dalawa." Usisa ni Mommy.

"Nako, kauuwi lang noong nakaraang taon. Madalas nga ay ang dalawang anak lang ng mga iyon ang nariyan." Sagot ng ginang, "Oh siya! Gusto niyo ba munang tumuloy sa loob o dumiretso na tayo sa bahay niyo?"

"Nako," napatingin sa amin si Mommy, "Pwede bang dumiretso na muna tayo sa bahay? Paniguradong napagod sa byahe ang mag-aama ko e, mamaya na lamang tayo magkwentuhan."

"Sure! Halika!" Pagpayag ng ginang saka naunang lumakad patungo sa isa pang bahay na kaharap lamang ng bahay na iyon.

Sumunod sa kanya si Mommy kaya't napasunod na lamang din kami, pumasok kami sa loob ng bahay at animo'y nag-tour ang ginang kung ano ang mayroon doon.

Napabuntonghininga na lamang ako saka nagpaalam kay Mommy na maiiwan na lamang muna ako sa kwartong itinuro nilang para sa akin. Inilibot ko ang tingin sa kabuoan ng kwarto bago ako lumapit sa malaking kurtina na naroon, hinawakan ko ang kalahati at hinawi iyon. Awtomatikong napakunot ang noo ko ng makitang may bintanang katapat ang bintana ko at napataas ang kilay ko ng mapansing may tao sa kabilang bintana, abala iyon sa pagliligpit ng kung ano sa loob ng kwarto nito.

"Win!" Rinig naming sigaw kaya't nagulat siya at napalingon dahilan para magtama ang mga mata namin, kumunot ang noo niya saka lumakad palapit, "Naiwan ko ata yung sapatos ko dyan! Pahatid dito!" Muling dagdag ng sumigaw kanina kaya't napatingin na ako sa gawi no'n.

Muling kumunot ang noo ko ng makitang may isang bintana pa hindi kalayuan sa katapat kong bintana, binuksan ko ang bintana upang tingnan kung mayroon ding katapat iyon  at hindi nga ako nagkamali, katulad ng sa akin ay mayroon ngang katapat na bintana iyon.

Senior High School Series #5: MetanoiaDonde viven las historias. Descúbrelo ahora