Chapter 1

3 0 0
                                    

Ano ba yan, ang boring naman ng buhay ko. Bulong ko sa sarili ko habang naka tambay sa cafeteria.

Huy! bakit nmn tulala ka dyan. sigaw ng kaibigan ko na si Jess.

Ano ba! kung maka sigaw te. Maka sigaw nmn to kala mo nasa kabilang mundo ako.

Kanina kapa kasi tulala dyan Elise, ano ba kasing iniisip mo ha? Kanina pa kaya kita tinatawag no, mag sisimula na ung klase natin tapos ikaw naka tulala lng dyan para kang tanga te kung alam mo lng.

Ito nanaman tayo sa q & a mabuti pang ayain ko na lang syang pumasok na.

Hay nako Jess tara na lng pumasok, isara mo na yang bibig mo na kala mo naka kain ka ng speaker sa lakas. Inirapan nya na lng ako at buti nmn tumahimik na din sya.

habang nag lalakad kami may pinakita sya sa'kin na dating app, subukan ko daw baka dun ko na mahanap ung the one ko.

Nang maka dating na kami sa room namin agad naman nag simula mag turo yung prof namin pero kahit anong focus ko ay walang pumapasok sa isip ko, kaya naisipan ko na mag download na lang ng dating app na sinabisabi ni Jess.

I remembered that I used this app before, so familiar nako sa pasikot sikot dito.

Habang na I scroll ako my naka kuha ng attention ko, isang picture ng guy, so I clicked the heart react coz I find him attractive. Pag katapos nun ay nakinig na uli ako sa klase.

Elise yung phone mo nag vibrate. Bulong naman sakin ni Jess

Hinayaan ko na muna dahil wala naman akong alam na may mag chachat sakin. Inisip ko na din na I delete agad ung dating app kasi baka maka gulo lng yun sa study ko.

Hanggang sa matapos ang klase namin walang ginawa si Jess kung hindi kulitin ako sa dating app na yun.

Jess ayoko nga ng ganun alam mo nmn na ayoko na sa mga love na yan, kaya tigilan mo nako. Okay? sabi ko sakanya kahit na ang totoo nag download na talaga ako pero balak ko din nmn I delete so mas mabuting wag ko ng sabihin sakanya.

Oo na, pero sabihin mo sakin pag sinubukan mo ah, support kita te. Dagdag nya pa, pag talaga sa kaharutan g na g tong kaibigan ko.

Oh sige na dami pang sinasabi, umuwi kana, ingattttt! paalam ko sakanya.

Pag ka dating ko sa kwarto ko ay agad naman akong humiga sa kama ko at naisipan ng I delete ung dating app.

Wala naman akong mapapala sa dating app na to I delete ko na lng. Sabi ko sa sarili ko

Bago ko I delete, may nakita akong isang message pero dot lang. Ang nonsense naman ng chat neto.

Dahil curious ako kung bakit sya nag chat, sinubukan ko syang I stalk.

Wth! napaupo ako sa aking kama, sya ung guy na sinabi kung attractive kanina. Pero bakit nmn sya mag chachat sakin, baka trip nya lng ako kasi pogi sya tapos ako average lng.

Sinubukan kung mag reply ng question mark syempre wag masyadong maharot sabi ko sa sarili ko.

Ang bilis nya mag reply at hiningi agad ung FB ko! hindi naman siguro ako I a add neto pag na stalk nako. sabi ko sa sarili ko, kaya binigay ko na din syaka I d'delete ko na itong dating app.

But mali ako, nag friend request and chat sya sakin sa Facebook.

Yurie: Hi!

Me: Hello.

Yurie: ikaw ung sa LM di ba?

Me: Yup

At doon na nag simula ang pag uusap namin. Syempre kwentuhan sa una, Unang araw palang na nag uusap kami, napapatawa nya nako sa mga corny jokes nya.

After namin mag usap sa chat nag tanong sya kung pwede daw ba sa call kami mag usap mamayang gabi. Nag oo ako dahil tingin ko nmn ay walang masama. Tingin ko naman ay mabait sya syaka magaan na agad yung loob kung kausap sya.










Almost Us Where stories live. Discover now