Prologue

16 0 0
                                    

CW// Homophobic Remarks

Prologue:

Mabilis ko agad siya sinampal nung nakita ko na bumuka pa ang kanyang bibig para mag salita. I pulled her hair and that’s when she started to shout. Dali-dali kaming inawat sa mga teachers namin dahil sa nagawa ko.

“Maria! Tatawagin ko Daddy mo dahil sa behavior mo!” sigaw nung teacher namin, “Bata bata pa napaka warfreak!”

I parted my lips to talk pero inunahan ako nung kaaway ko sa malakas na iyak niya. Gusto kong matawa dahil nakakaawa ang itsura niya ngayon. Gusot ang kanyang damit habang ang magulo niyang buhok ay hindi na ma-itsura, mas lalong nakakatawa pa ang mapupula niyang pisngi dahil sa malakas na sampal ko kanina.

Naghintay ako ng ilang minuto sa principal office dahil pinadala na ’yong kaaway ko sa clinic dahil nahihirapan daw huminga! Arte arte!

“Maria!” napalingon agad ako kay Daddy Matthew at Papa Carl na pumasok. Mabilis akong hinagkan ni Daddy at nakipagkausap agad siya sa principal habang ako ay naglakad na palabas para maiwan sila na mag usap doon.

Nung nakalabas na sila ay rinig ko ang malalim na buntong-hininga niya. Pinag krus ko pa ang mga kamay ko dahil alam ko na uulanan naman ako ng sermon! Mabilis niya agad ako hinatak papunta sa sasakyan namin.

“Maria naman. . . tatlong buwan palang nawala ang Mommy mo pero ito ka ngayon nakipag-away ka naman, diba nag promise ka ni Mommy na hindi ka na mang-aaway?” Daddy told me in a soft voice. Bigla akong na-guilty nung na brought up na naman ang promise ko kay Mommy bago siya namatay.

Napayuko agad ako. Nasa back seat na ako ngayon habang nasa harap si Daddy Matthew at Papa Carl. When Papa Carl started to live with us, I rarely converse with him, siguro ay natural na tahimik lang siya at ang sabi ni Daddy ay hindi naman siya mahilig makipa-kausap. Though, I heard him many times talking with Dad, so I think he’s still not comfortable with me yet.

“Napaaway ako kasi. . . sinabihan nila kayo na b-bakla. . .” I said getting embarrassed to tell those words. Namilog ang mga mata ni Papa Carl habang si Daddy ay nanatiling kalma.

“Oh no, that’s not true baby. . .” Papa Carl said. He immediately looked at me and even explained why he’s living with us — kaibigan lang niya si Daddy at napag-isipan nilang dalawa na pagtulungan ang negosyo ni Daddy sa ekta-ektaryang farm niya.

Minsan ay hindi ko mapigilang hindi mag duda pero gaya ng sabi ni Daddy ay kaibigan na sila simula nung mga bata pa sila and I bet Daddy is still mourning with my mom’s death. Nung naka uwi na kami sa bahay ay dumiretso na ako sa kwarto ko at nagmukmuk.

Napapikit ako sa inis lalo na naalala ko ang mga kaibigan ko sa Cagayan De Oro. After my mom died, dinala agad ako sa probinsya nila Daddy sa Medina, alam ko na ilang oras lang naman ang byahe papuntang CDO but i’m still young and don’t know how to commute! I was about to go downstairs to have my dinner when I accidentally heard their conversation, napakagat ako sa labi ko nung narinig na ako ang topic nila!

“Carl. . . it’s just a petty fight, hindi mo na kailangan bumalik sa Cebu.”

Papa Carl sighed, “Maria suffered, Matt. Hindi ko kayang tumayo lang dito habang binubully siya roon dahil sa atin. . .”

“I already processed the papers. Anytime soon pupunta na ’yong mga gamit para sa farm, I also hired people who can help us, malapit na Carl. . . just don’t give up yet.” Tumikhim si Daddy, “And I already talked to her teacher about Maria through phonecall . . . h’wag ka na umuwi.”

Natahimik sila saglit kaya linakasan ko na ang bawat yapak ko sa sahig para marinig nila. Nung nakababa na ako ay sinalubong agad ako ng mga ngiti nila.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 31 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Thirst, Lips, And Bed (Thirst Series #2)Where stories live. Discover now