Prologue

24 3 0
                                    

Prologue

Marimba Player

"Penge piso, penge piso." Pangbuburaot ko sa mga kaklase ko. Gutom na ako, kaso kulang ang pera ko dahil pambili na lang ng ulam ang natitira dito, kaya naisipan kong mamburaot! Nine pesos na ang na kolekta ko at piso na lang ang kulang para magka-sampung piso na ako.

"Ayan oh, piso." Ayooown!

"Thank you Ces! Hulog ka talaga ng langit!" Pagpapasalamat ko dito. Natawa na lamang ito.

"Tara canteen!" Pagaaya ko sa kanilang mga kaibigan ko. Nagugutom na talaga ako.

"Teka, CR muna ako. Hintayin niyo ako!" Sigaw ni Sanna at hindi na hinintay ang sagot namin at dali-dali na siyang lumabas at pumuntang CR. Wala kaming nagawa kundi hintayin siya.

"Inom kasi nang imon ng tubig. Yan, CR din ng CR." Sabi ni Glai habang nagsusuklay ng buhok. Naghahandang lumabas.

"Doon na lang natin hintayin si Sanna sa labas." Sabi ni Yan at lumabas na. Sumunod naman kami.

Malapit lang kasi ang CR dito, didiretsohin lang naman ang hallway sa harap ng pinto ng room namin at CR na.

Nang dumating si Sanna ay sabay-sabay na kaming pumuntang canteen. Pagdating namin sa canteen, wala pa masiyadong estudyante, mangilan-ngilan lang, at isa na sa mangilan-ngilan na 'yon ay si Ken.

Kenneth Samuel Li. The guy of my dreams. Sobrang tagal ko na siyang hinahangaan, pero hindi niya alam. At wala akong balak ipaalam. Because he's my friend, and I don't want to loose that friendship. I don't want to risk it, dahil alam kong wala akong pag-asa.

We used to be chat mates. Noong mga panahong lock down pa lang, kaya online class pa. He's my classmate. Pero hindi niya alam na kilala ko na siya bago pa kami naging magkakalase noong grade seven.

"Dali Ida, mag uumpisa na! Hindi na natin sila makikita niyan!" Sigaw ng pinsan ko sa akin habang nakikipag-siksikan kami sa madaming tao. Fiesta kasi ngayon ng municipality namin at may drum and lyre contest kaya kami nandito ng pinsan ko sa poblacion para manood.

"Teka lang naman ate, makahila naman!" Reklamo ko sa kaniya. Akala niya siguro bag niya lang yung hinihila niya, grabe maka-hila! Rinig na namin ang tugtug ng mga nagpe-perform na banda kaya madaling-madali siya.

"Excuse me po," sabi-sabi namin. Ang dami talagang tao, promise!

"Excuse,"

"Excuse,"

"Padaan po."

Sa wakas ay nakahanap na din kami ng magandang puwesto. Sa harap kami ng mga nagpe-perform naka puwesto, daig pa namin ang view ni mayor haha!

"'Te, anong school na ang nagpe-perform?" Tanong ko sa katabi kong babae. Tumingin naman siya sa akin at sumagot.

"Public Central." Maikling sagot nito. Good! Akala namin tapos na ang elementary category eh! Ang elementary talaga ang inaabangan ko, kasi siyempre para ma judge mo yung kapwa ko elementary galing ibang school hahaha!

"Ah, sila palang ang naka-perform?" Tanong ko ulit.

"Oo."

Ikli ng sagot. Ang init-init, pero ang cold ni ate.

Nang matapos ang PCES ay sumunod naman ang isa pang school pagkatapos ang Northern East na. Ito na ang panghuling school na magpe-perform sa elementary category.

Ang ganda ng tugtug nila, kaso hindi ganon ka ganda ang mother majorette nila pero magaling sumayaw at maganda ang uniform nila. Ang ganda din ng synchronization ng sayaw. Napadpad naman ang tingin ko sa mga musicians, grabe kung humampas ng drums ang mga drummers, akala mo babasagin na nila eh!

Tumatango-tango ako habang nililibot ang tingin ko sa mga tumutugtog hanggang sa dumaan ang tingin ko sa lalaking tumutugtug ng marimba. Ang gwapo niya, matangkad, maputi at ang tangos ng ilong. Habang pinapanood ko siya ay kumulo ang tiyang ko, yun bang kulo na parang kinikiliti yung tiyan ko na parang nagugutom? Ano bayan? Nakakakulo ba sa tiyan kapag may guwapong nakikita?

Ngumingiti siya habang bumibilis ang pagpalo ng mallet. Ang astig niya! Ayan na naman 'yong tiyan kong kumukulo. Habang tumutugtug siya, mararamdaman mo talaga na gusto niya yung ginagawa niya. At isang beses pang ngumiti siya at kinagat ang pang-ibabang labi. Grabe! Gwapo!

Simula nang nakita ko siya, hindi na humiwalay ang tingin ko sa kaniya hanggang sa matapos sila. At nanalo sila! Panalo si kuyang gwapo! Panalo na din siya sa puso ko!

"Hoy! Anong nginingiti mo diyan?" Nagulat ako ng biglang akong tilulak ng mahina ng pinsan ko.

"A-ano? Wala ah!" Tanggi ko.

"Ikaw haa. Sino diyan? Saang school?"

"Bakit? Kilala mo ba silang lahat ha?!" Maka-tanong naman 'to kung saang school akala mo kilala niya lahat!

"Ha! Minamaliit mo ba ako?!" Parang nao-offend na tanong niya. Humawak pa sa may bandang puso niya, akala mo sinaktan ko talaga ang damdamin niya!

"He! Wala no!" Tanggi ko. Sasabat pa sana siya nang dumating ang mga kaibigan niya at chinika siya.

"Ang gwapo talaga ni Ken! My gosh! Ang tangkad, tapos ang puti, ang tangos pa ng ilong! My gosh! Love na love ko na talaga siya!" Rinig kong sabi ng katabi ko sa kasama niya. Napatingin naman ako sa kaniya dahil sa lakas ng boses niya.

"Saan ba siya? Hindi ko makita?" Sagot naman ng kausap niya.

"Ayan oh! Yang nakatayo sa flagpole!" Sabi nito kaya napatingin din ako. Hindi ako chsimosa ha, curious lang.

Nang tiningnan ko yung flagpole, may nag iisang lalaki na nakatayo doon.

Si kuyang marimba player yun ha! So Ken pala ang name niya! Shet.. gwapo!

"Ay oo nga! Tangkad talaga! Anong grade na nga siya?" Tanong ng babae sa kasama niya.

"Grade five." Hala.. same grade pala kami! Shet, destiny!

"Ay.. tangkad, tapos gwapo talaga no! Ano nga full name niya?" Napatingin na naman ako sa dalawang babae sa gilid ko dahil sa tanong na naman ng isa. Interesado ding malaman ang full name niya.

"Kenneth Samuel Li. Bakit? Hoy wag mo siyang agawin sa akin! He's mine!"

Kenneth Samuel Li. Ang gwapo ng pangalan, parang siya rin.

Napatingin ulit ako sa kaniya. Pinupunasan na ng isang babae ang pawis niya sa likod. Mama niya ata, kamukha eh. Siya naman ay tumatawa habang may kausap na mga lalaki. Kasamahan niya din. Habang nakatitig sa kaniya, kumulo na naman ang tiyan ko. He has an angelic smile that could melt anyones heart, especially mine.

And that is the first and the last time I saw him, also, that is the first time I felt the butterflies in my stomach. Akala ko ulcer, kilig na pala.

Strings of Hearts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon