Chapter One

2 2 0
                                    


Pandemic

Sa pagdaan ng panahon, hindi ko na siya naiisip. I also had a lot of crushes.

"Oh, crush ko! Guwapo no?" Pagmamayabang ko sa mga kaibigan ko ng crush ko.

"Taga saan naman yan aber?" Tanong ni Myra.

"Taga ibang school haha! No to classmate tayo dito uy!" Natatawa kong sagot.

Natawa na lang sila sa akin. Gwapo naman talaga siya, nasa pang 11 ko na siyang crush, ay 10 pala kasi uncrush ko na yung pang sampu kasi may crush palang iba. Mabaho naman paa nun kaya go.

"Hala, magha-high school na tayo! Ma mimiss ko kayo!"

Sigaw bigla ng kaklase kong si Jeymi.

"Oo nga! Magpapansinan parin dapat tayo kahit grade 7 na tayo ha!" Sabat naman ni Jonathan.

"Alam mo Ida, natatakot talaga ako." Napalingon ako sa katabi kong si Sanya nang bigla siyang nagsalita.

"Bakit naman?" Nagtataka kong tanong.

"Kasi diba? High school na tayo. Paano kung masama ugali ng magiging adviser ko? Tapos wala akong kaklase ni isa sa inyo? Tapos puro mean yung mga kaklase ko? Ayoko na." Naiiyak na sabi niya.

Bigla naman akong nahawa sa takot niya. Pero, alam ko na hindi yun mangyayari. Siguro may makikilala lang kaming ganoon, pero malalagpasan din namin yun.

Ang makakilala ng ganoong mga tao ay parte na ang buhay ng isang tao, hindi na maiiwasan ang ganon, kaya dapat matuto tayong tumayo sa sarili nating mga paa at wag umasa sa ibang tao, kahit kaibigan mo pa, dahil darating ang panahon, may laban sa buhay mo na ikaw at ang sarili mo lang ang makakasama mo. Kagaya na lang nito, hindi ko pwedeng i asa sa mga kaibigan o kaklase ko ngayon ang magiging buhay ko sa high school. I need to stand on my own. Because as we leave this school, a new life awaits us, a life that makes us apart, kaya kung sasandig ako sa mga kaklase ko ngayon, paano na ako sa high school, kung saan wala sila?

"Kaya mo yan, kaya natin 'to. Nakakatakot, oo, pero alam ko na hindi tayo mga iisa. Tsaka, kung wala man tayong magiging kaklase na kaklase natin ngayon, for sure may makikilala tayong bago." Sabi ko.

"Ayun na nga eh. Ayaw ko ng bago, gusto ko kayo parin." Sabat niya.

Nanlaki ang mata ko nang pagtingin ko sa kaniya, naluluha na siya. Agad ko siyang niyakap at pinatahan.

"Ano kaba! Magkakaibigan parin naman tayo kahit hindi na tayo magka-klase. Wag kana umiyak Sanya, mahahawa ako."

"Ano yan, ba't kayo nagiiyakan?" Napalingon naman sa amin sina Yas at Myra.

"Si Sanya kasi." Sabi ko at naramdaman ko naman na nakisali ang dalawa sa yakapan namin.

"Hoy! Practice na daw!" Tawag samin ng isa pang kaklase namin. Panira.

Nag pa-practice kasi kami para sa graduation song namin ngayon.

Excited talaga ako at the same time nalulungkot din para sa darating naming graduation. Kagaya ni Sanya, natatakot din ako, at nalulungkot dahil hindi ko na makikita yung mga crush ko. So sad.

"Hoy, alam niyo ba yung tungkol doon sa Cavid-19?" Biglang sabi ng katabi ko. Kakatapos lang namin kumanta kaya umupo muna kami.

"Cavid-19? Ano yun Leah?" Puno ng kuryosidad na sabat naman ng isa pa naming kaklase.

"Oo Sanya, yung virus galing China! Nakakatakot! Mabilis daw yun makahawa! Need na natin mag face mask!" Natatakot na pagpapatuloy ni Leah.

"Hala... ayoko pa naman mag face mask kasi hindi ako maka-hinga!" Sagot ni Sanya.

"Hindi naman totoo yan! Gawa-gawa lang yan!" Sabat ng lalaki kong kaklase.

"Anong hindi!-" naputol ang sagot ng kaklase ko dahil sa pag-announce ng teacher namin.

"That's it for today! Well done pupils! Ready na talaga kayong lahat para sa graduation!" Pag-a-anounce ng teacher namin sa amin pagkatapos ng last practice namin sa araw na'to.

"Waaa sa wakas! Makaka-uwi na din!"

"Hahaha.. well, next week, wala muna tayong practice due to the virus na papasok daw dito sa bansa natin.."

"Oh diba?" Sabi ni Leah kay Ben.

"So.. next next week na tayo magkikita-kita ha.."

"Sus.." ayaw pa patalo nitong si Ben. Hindi ko na lang sila pinansin, dahil, sino ba sila?

"Okay po teacher!" Sagot namin lahat.

"Uy una na ako ha! See you next week!" Paalam ko. Uwing uwi na ako at gutom pa!

Pag-uwi ko ay sinalubong ako ng kapatid kong si Jana.

"Wala raw pasok buong linggo next week ate." Bungad niya sa akin.

"Oo nga eh. Haay, salamat."

But that one week turns into weeks, that turns into month and eventually, into months.

"Ayon sa DOH, humigit kumulang nasa 30,400 na ang cases ng Covid-19 dito sa Pilipinas." Rinig kong balita sa telebisyon.

Ilang buwan na din ang nakalipas matapos ang pamamaalam naming magkaklase na umaasang magkikita sa susunod na linggo.

Sa nagdaang buwan, unti-unting nagbabago ang takbo ng mundo. Lahat ay naka-facemask na at dapat ay naka one meter distance sa isa't isa. Hindi basta-bastang makapasok sa mga lugar at marami pang iba.

Making everyone suffer in this world. Not just in health, but also, in wealth.

"Hindi ko na din alam saan ako kukuha ng pera pambili ng bigas. Ubos na talaga eh... wala talaga akong mahanapan." Dinig ko ang boses ni papa. Nag uusap sila ni mama.

"Subukan kong manghiram muna sa mga kumare ko, baka meron sila." Sagot naman si mama.

"Ate.."

Napalingon ako bigla sa bunso kong kapatid na tumabi sa akin sa sofa. Na alarma ako dahil baka marinig siya ang usapan nila mama.

"Bakit?" Tanong ko.

"Gutom ako.."

"Tara sa kusina." Yaya ko agad sa kaniya.

Sabay kaming umalis at pumuntang kusina.
Pinaupo ko muna siya sa hapag, ako naman ay pinagkuha siya ng pinggan at pinaglagay ko ng kanin, kaso, wala akong mahanap na ulam.

"Tagal pa yan ate?"

Parang pinipiga ang puso ko. Wala kaming ulam. Nilibot ko ang tingin ko at nahanap ang toyo at mantika.

"Toyo-mantika gusto mo?" Masayang tanong ko sa kaniya.

"Oo!" Masayang tugon niya.

Pinaghanda ko na siya ng makakain.

During the pandemic, our lives turned upside down. Nawalan ng trabaho si mama, ganon din si papa. Ang tanging inaasahan na lamang namin ay ang mga kita ni papa galing sa mga pananim namin sa bukid, pero kahit ganon, hindi parin iyon sapat para sa amin.

"Ayon sa aming nakapayanam na kapitbahay ni nanay Linda, ang pamilya nito ay nasa ibang bansa at siya lamang ang nandito sa Pilipinas. Kung kaya't nang ang buhay niya ay inagaw ng pandemya, siya ay nag iisa at walang kasama."

Dinig kong sabi sa balita. This is the worse part of this pandemic. In everything, you will be alone, because by having someone beside you makes everyone in danger.

"Ang tahimik ate no?" Biglang sabi ni Jana, ang pangalawa kong kapatid na babae.

"Hm?" Tanong ko, hindi na iintindihan ang tinutukoy niya.

"Ang tahimik ng mundo. Ang dating maiingay na sasakyan sa daan ay nawala, ang dating lugar na puno ng mga tao ay nanahimik." Napalingon ako sa kaniya. How can a young girl think that way? Pero tama siya, ang dating masiglang mundo ay nawala.

Why do we experience this? Why do the world shuts up? Bakit.. bakit kami pinapahirapan ng ganito.

Strings of Hearts Where stories live. Discover now