HS 1

7 2 0
                                    

*ring, ring, ring* (tunog ng bell)

nagulat ako ng marinig ang bell mula sa pagkatulala. Napaitlag ako ng batukan ako ni Hycinth, my best friend.


"bakit ka tulala?" tanong nito at nakataas ang kanang kilay


"u-uhmm wala naman...." sagot ko at inayos ang ang kagamitan ko at nilagay sa bag. Nakakunot nuo naman itong nakatingin sakin kaya hindi ko mapigilang tumawa.


"siguro iniisip mo nanaman si avaline?" tanong nito saakin, hindi naman agad ako nakasagot. Akmang mag sasalita ako ng mag salita ulit siya.



"ay recess na pala besh" she said and laughed as if she had forgotten something.


Nang matapos siyang tumawa ay tumayo na ito sa pag kaka upo. Tumayo na rin naman ako at isinabit sa likod ko ang bag ko.


"tara na nga" saad ko naman at hinila ang kamay nito para pumunta sa canteen.





Nang makarating kami sa canteen ay napakaraming tao ngunit hindi sa mga tao ang tingin ko. Agad ko siyang hinanap at ayun nakita ko siya kasama ang mga kaibigan niya.

si avaline.


napangiti na lamang ako habang pinagmamasdan ang magaganda niyang ngiti, ngunit napasimangot nalang ako sapagkat pag dating saakin para siyang yelo kung mag salita.

nawala ang tingin ko sakaniya ng makita kong na una na saakin si hycinth papuntang counter. Agad akong tumakbo papunta sakaniya, mamuntikan pa ako masubsob. Napatingin naman sakin si hycinth at tawang tawang pa.


Nang makarating ako sa gawi niya ay inirapan ko ito.


"busy ka kasi tumingin sa bebe loves mo, wala ka naman kasing pag asa"pang a-asar niya saakin

"nakakainis ka!" inis kong saad dito at sumabay


"hay nako kamari, para ka lang tanga habol nang habol kay ava"ngisi nitong sabi saakin kaya ngumuso na lamang ako. Pumunta na kami sa counter at nag order. Pagtapos namin mag order ay pumunta na kami sa gawi nila ava.

Nang makarating kami sa nagtatawan na babae ay napatingin ito saamin. Agad naman kaming binati ni Asahi bestfriend ng ate ko si kuina, nginitian lamang namin ito.

"oh kamari and hyacinth, upo kayo rito"naka ngiting saad ni ate kuina saamin. Ngunit wala sa kanya ang tingin ko nakay ava mula kasi ng pumunta kami sa gawi nila nawala ang ngiti nito. Alam ko naman kasi na ayaw niya saakin dahil matagal ko na siyang kinukulit.

"sure po"makapal na saad ng bestfriend ko at hinila na ako paupo. Binati ko naman sila at ang taong gusto ko.

"hi ava, na miss kita" nakangiti kong saad dito ngunit malamig niya lamang akong tinignan, napansin naman ito ng mga kaibigan niya kasama na roon si ate.

Lima sila, si ava, si ate kuina, ate asahi, ate ann, at ate mira.

"ahh kamari wag mo na lang pansinin si ava alam mo naman kung bakit ganyan siya, diba?" biglang singit ni ate ann, pilit na ngumiti na lamang ako.

napatingin naman ako kay hycinth ng bumulong ito saakin.

"ayos ka lang ba?"tanong nito at she looked at me worriedly. Malungkot na lang akong ngumiti kahit na masakit sa dibdib.


kahit na masakit ang binigay niyang tingin saakin ay nag salita parin ako. "a-ahh alam mo ba ava, may ibibigay ako mamaya sayong regalo sa rooftop". Napatigil ito sa pag subo at malamig na tumingin saakin kaya napalunok nalang ako.


Her SecretWhere stories live. Discover now