Ang Kahitnatnan ng Pagsuway

6 2 0
                                    

Abala ang isang babaeng matanda sa isang patagong lugar. Siya ay may mahabang sombrerong hugis apa sa ulo. Nag-uumapaw ang kaniyang mahabang ilong at mahabang baba. Mahahaba rin ang kaniyang kuko na kulay itim.

Habang nagsasagawa siya ng ritwal upang magtawag ng mga ispiritu at humingi ng basbas upang palakasin pa ang kaniyang kapangyarihan, tila may napansin siya sa kaniyang kumukulong likido sa malaking kawali na may mga dayong kabataan na paparating sa isang malawak na hardin na punong puno ng mga bunga ng prutas.

Bigla niyang naalala na may sinabi sa kaniya ng isang diablo na kailangan niyang magbigay ng alay kapalit ng kaniyang mabigat na hiling. Kaya naman napakalaki ng kaniyang ngiti. Tumawa siya nang napakalakas na halos umalingawngaw ito sa kalikasan.

Hindi na talaga nakinig ang mga binata't dalaga sa babala ng isang matandang nakatagpo nila. Matigas talaga ang kanilang ulo at hindi iginagalang ang mahal na araw. Ang bagong tubo baga sa bagong henerasyon ay sarado na ang kanilang isip sa mga pamahiin. Para sa kanila ay wala na man itong basehan o sadyang sabi-sabi para takutin ang mga bata. Ngunit ang hindi nila alam, marami nang patotoo ang mga epekto ng pagsuway sa mga bawat babala.

Lumakad sila papunta sa hardin kung saan marami silang makikitang mga pagkain. Halos lahat ng pwedeng kainin ay nariyan na, kukuha na lang sila at lulutuin kung kinakailangan.

"Harold, may dala ka bang pagkain?" ani Jessa.

"Pagkain? Ako, magdadala ng pagkain? Hindi noh! Saka hindi ba ang ipinunta naman natin ay magbakasyon sa resort?"

"Ang malas talaga natin, pre. Bakit ba kasi niligaw tayo ng landas kanina? Ito pre huh, makinig ka... Ako, medyo hindi ako nagpapaniwala sa mga pamahiin, pero iyong nangyari kanina ay para bang pinaglalaruan tayo ng mga hindi nakikita. Hindi mo ba ito napansin, Harold?" sambit ni Kevin.

"Napakamalas talaga, pre! Naubusan na rin tayo ng gas. Ang nakapagtataka, may sira na iyong mga gulong. Sa pagkakaalam ko ay wala nang lubak na daan kahit dumaan pa tayo sa liblib na lugar," pagtataka ni Harold.

Napahimas naman si Jessa sa kaniyang tiyan, "Ano ba ang gagawin natin? Nagugutom na ako, ayokong mamatay sa gutom."

Tumingin-tingin si Harold sa paligid, sa kabutihang-palad palad ay may nahagip silang mga puno ng bunga at mga palay. Kung sinuswerte naman nila, may nakita rin silang source of protein. Natanaw nila ang isang dagat habang sila ay naglalakad habang naghahanap ng makakain.

Ang dalawang lalaki ay nagkusang mang-ani ng mga palay. Ang kanilang kasama naman ay nanguha ng mga bunga at nanakip ng mga isda sa dagat.

Walang sawa silang nanguha ng mga makakain nang hindi nagpapaalam sa may-ari. Wala silang pakialam dito, ang mahalaga lang sa kanila ay masidlan ng pagkain ang tiyan.

Sa kasamaang-palad, habang naiwan si Karla sa dagat, biglang may namuong malaking alon at papalapit ito sa kaniyang kinalalagyan. Namilog na lang ang kaniyang mga mata at nabitawan ang mga nahuling isda.

Nanigas ang kaniyang mga paa at hindi na magawang igalaw ang buong katawan. Tinawag siya ni Jessa ngunit wala siyang marinig na boses at nanatili siyang nakatayo.

Conscious siya sa nangyayari kaya para itong mental torture itong nakakawindang na pangyayari. Bumilis ang kaniyang paghinga hanggang sa tangawin siya ng dagat.

Nalubog siya sa ilalim ng tubig at pinaikot-ikot ang kaniyang katawan ng isang alimpuyo ng dagat. Hilong-hilo na siya at halos wala na siyang makita kundi puro puti. Palalim lang nang palalim at lalong bumibilis ang ipoipo. Naninikip na ang kaniyang dibdib. Hindi nagtagal ay nalagutan na siya ng hininga pagkatapos siyang paglaruan ng malupit na dagat.

Nagsisisigaw si Jessa habang tumutulo ang kaniyang luha. Kinakabahan na siya at natataranta dahil nag-aalala na siya sa kaibigan niya. Natatakot siya na baka hindi na niya ito makasama sa pag-uwi sa bahay at tiyak pag-iinitian siya ng pamilya nito.

"Jessa! Anong ginagawa mo rito? Kanina ka pa naming hinahanap," tumakbo si Harold papalapit sa kaniya.

"S-S-Si... Si Karla, she's gone! She died!" nanginginig sa takot at humahagulhol si Jessa.

Nasaksihan lahat ng isang mangkukulam kung paano unti-unting pinapatay ang kawawang dalagita. Nagtagumpay siya sa kaniyang unang pagsubok. Walang tigil ang kaniyang pagtawa at mas malakas pa ito.

Nagtinginan agad sina Jessa at Harold.  Nagsintindigan ang kanilang balahibo nang marinig nila ang isang tawa na pamilyar sa kanila.

"Naririnig mo ba ang naririnig ko?" tanong ni Harold sa kaniyang kasama. "Takbo!"

Sabrag (A Holy Week Special Short Story 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon