CHAPTER 30

159 9 7
                                    

Engfa

Maganda ang gising ko ngayon ah, nag unat unat na muna ko ng napansin ko na mahimbing pa ang tulog ng katabi ko. Oo nga pala dito pala sila natulog tumayo na ako ng dahan dahan at pumunta sa baba.

Pagkababa ko naman nakita ko naman sina nudee at pailiu na mukhang kakababa lang din.

"Goodmorning" bati ko sakanilang dalawa.

"Goodmorning din" sabay pa nilang sabi saakin.

"Kape ka?" tanong ni nudee saakin na ikinatungo ko sa pang sang ayon.

"Kamusta naman ang tulog mo pailiu?" tanong ko kay pailiu.

"Okay lang naman, hindi naman na gaano maingay sa pagtulog si snack di tulad dati na lakas humilik" kwento nya na ikinatawa namin ni nudee.

"Buti naman" sabi ko ng hindi na natatawa.

Inaabot na saakin ni nudee yung tinimpla nyang kape para saakin.

"Thank you" pagpapasalamat ko sakanya.

Maya lang ay may tumunog sa phone ni nudee kaya mabilis nya itong tiningnan, pagkatapos nyang basahin ay syang pagtingin nya naman saakin na ipinagtaka ko naman.

"Anong problema?" takang tanong ko.

"May meeting daw tayo sa office ngayon" sabi nya habang nahigop ng kape nya.

"As in ngayon na?" tanong ko ulit.

Tumango lang saakin si nudee ibig sabihin ngayon na talaga mismo.

"Magbibihis lang ako" sabi nya sabay akyat sa itaas.

Naiwan naman kami ni pailiu dito sa kusina, napaisip naman ako na kami nalang ni nudee ang pupunta sa meeting para maasikaso ng tatlo yung mga girls dito.

"Ah pailiu pasabi naman sa kanila na may meeting kami ah, pag gising na sila" sabi ko naman kay pailiu.

"Okay fa, ako na ang bahala" sabi naman nya.

"oh sya, bihis lang ako" paalam ko na kay pailiu.

Umakyat na ako para mabilis kaming nakapunta dun sa office namin at matapos din kaagad.

Nagsuot lang ng cout na black at slack din na black tyaka bumaba na.

Pagkababa ko naman ay saktong nakaayos nadin si nudee naka plain lang to na tshirts na kulay black.

"Tara na" aya nya saakin.

"Pai una na kami pasabi nalang ah" sabi ko kay pai tumango lang naman sya kaya umalis na kami.

Agad naman kaming sumakay ni nudee sa kotse sya na ang pinag drive ko, dali dali lang kami nakapunta dun sa office.

****

"What's the problem?" takang tanong ko sa kanila pagpasok namin sa loob.

"Ah boss ka-si ano po" utal na sabi ni Samantha secretary namin dito sa office.

Nagtitigan naman silang lahat dito na parang may ipinapahiwatig sila isat isa.

Napatingin naman ako kay nudee na tanging nag angat lang ng balikat na hindi din alam ang nangyayare.

Magsasalita na sana ako ng bigla..

Maya lang ung ibang empleyado ay nagsilabas ng confetti sabay sabay nilang putok iyon na hawak ni Samantha na ikinagulat naman ni nudee napayakap pa saakin si nudee sa gulat ikinatawa naman namin, nakapag taka kung bakit may paganito sila.

Friends Become LoversWhere stories live. Discover now