Chapter Ten: MISSION ONE

0 3 0
                                    

**

MALACHI

"Are you awake?" Napalingon ako sa likod ko kung sa'n may nagsalita. Nakasandal ito sa may pader at naka-ekis pa ang mga braso. Walang emosyong nakatitig sa 'kin.

Naalala ko nanaman ang nangyari kagabi. May humahabol sa 'king kung sino at 'di ko alam kung anong balak niyang gawin sa 'kin. Nang makarating ako sa likod ng campus ay dito ko agad naisipang pumunta para magtago.

Ewan ko ba ano naisip ko kagabi ba't dito ako pumunta, ang alam ko lang ay imposible akong mahanap ng taong 'yon dito. Sana nga...

"I-ikaw pala-" napahinto ako sa pagsasalita nang mapansin ang mga sugat nito sa magkabilang braso, dumudugo rin ang kamay niya. May pasa rin siya sa pisngi at may sugat naman sa gilid ng labi. Gulo-gulo din ang buhok niya, mukhang 'di pa siya naligo dahil sa itsura niya.

Nakipag-rambulan ba siya?

Naghanap agad ako ng pwedeng i-gamot sa mga sugat niya dito sa paligid. Nang may makita ako ay agad ko iyong kinuha saka ko hinila si Grey paupo sa may kama niya, nabigla pa nga ito sa ginawa ko.

"W-what are you doing?" Kinuha ko ang kamay niya saka pinahiran ng ointment ang mga sugat niya, pati na sa braso. "Ah, that hurts." daing niya. Nagtangka pa itong alisin ang kamay niya pero pinigilan ko agad siya.

"Don't move! Ginagamot ka na nga e!" suway ko rito.

"Tss, there's no need for that. As if it hurts." pagmamayabang pa niya kaya naman mas diniinan ko pa ang pagpapahid ng ointment sa sugat niya, napadaing nanaman ito sa hapdi.

"Lalo na sa lahat, ayaw niyang hinahawakan siya. Kaya mas mabuti pa lumayo ka. Baka mapano ka." Naalala ko nanaman ang sinabi ni Lennon sa 'kin kahapon. Mabuti nalang, itong bulak lang at iyong ointment ang lumalapat sa balat niya hindi itong kamay ko. Iniiwasan ko talaga hawakan siya dahil baka mamaya mapano pa 'ko.

Pero ba't hindi man lang siya nag-react kanina no'ng hinila ko siya? 'Di bale na nga, baka 'di niya lang napansin, buti nalang.

Kumuha ako ng benda para ibalot iyong mga sugat niya sa kamay at braso.

Tumingin naman ako sa mukha-este sa sugat sa mukha niya para lagyan ng oinment. Napalunok ako bigla ng magtama ang paningin namin. Hindi ako naging komportable bigla dahil sa malalim niyang pagtitig kaya naman nag-iwas agad ako ng tingin.

"K-kaya mo na sigurong gamutin 'yang sugat mo." Naiilang na sagot ko saka inilapag ang mga hawak ko malapit sa kanya.

Hindi man lang ito gumalaw o nagsalita kaya muli akong humarap sa kanya pero this time ay nakayuko lang ako.

"M-may itatanong pala ako sayo."

**

VEYAN

Pagpasok ko palang sa S-1 Room ay wala akong nadatnang kahit na sino sa mga teammates ko. Napaaga yata ako.

Tiningnan ko ang orasan sa may dingding at ala-singko palang pala ng umaga.

Napabuntong-hininga nalang ako at naupo sa isa sa mga upuan doon.

"Ang aga mo yata." Hindi na 'ko nagulat pa nang may magsalitang kung sino mula sa likuran ko. Fyi hindi ako natulog.

"Is that you, Silvestre?" Kanina ko pa kasi nararamdaman ang presensiya niya.

"Ano nama'ng pumasok sa utak mo at pumunta ka dito."

"I'm the one who should be asking that. Are you here to find her?" Ba't ko pa ba tinanong 'yon? E, obvious naman.

I heard him smirked. "You got it right. Are you also here to stop me?" Sinasabi ko na nga ba. Dapat pala no'ng una palang binalaan ko na siya.

"Talaga ngang patay na patay ka sa kaniya, ano?"

"Ibinabalik ko lang ang pagmamay-ari ko." Hindi ko mapigilang matawa sa sinabi niya. Tss, kaya pala tinakasan siya ni Malachi?

"Hindi ba't gano'n ka rin?" Inirapan ko nalang ito dahil alam ko kung anong tinutukoy niya.

Hindi na 'ko nagtataka kung bakit marami siyang nalalaman tungkol sa 'kin. Mahigit sampung taon na kasi akong naninilbihan sa pamilya nila kaya hindi naman maiiwasang hindi magtagpo palagi ang landas namin.

"Natatakot ka bang baka bumalik siya sa kanya?" Pinaningkitan ko naman agad siya ng mata para tumigil na siya, pero 'di siya nagpatinag.

"Who knows, baka kung wala lang si Malachi ikaw siguro ang... kasama ko ngayon, Veyan." Hindi ako tanga para hindi maintindihan ang sinasabi niya. Tss, I will never fall for this jerk.

Marahan pa nitong sinuklay ang ilang hibla ng buhok gamit ng mga daliri niya. Agad akong lumayo sa kanya dahil ayaw kong hinahawakan ng isang tulad niya. Nakakasuka.

"Hearing my name from your f*cking mouth disgust me."

Sa halip na mainis dahil sa sinabi ko ay natawa pa ito.

"You're still that amazona girl I used to know." Hindi ko nalang siya pinansin dahil ayoko nang uminit ang ulo ko.

Ang panget naman ng umaga ko. Dumagdag pa 'tong pagmumukha ng baliw na 'to.

"Balita ko ngayon daw nila ia-announce ang unang misyon natin."

"Kinakabahan tuloy ako. Baka kung anong ipagawa nila."

"Huwag kang mag-alala, sa nakalipas na ilang dekada kahit kailan hindi pa sila nagbigay ng mabibigat na misyon."

"Kung makapagsalita ka parang alam mo na lahat ng tungkol sa Seraphim."

"Sabihin na nating oo."

Nabaling ang tingin ko sa pinto kung sa'n may nag-uusap mula sa labas at papasok na marahil dito.

Sinenyasan ko si Silvestre na umalis na, pero dapat pala 'di ko na ginawa 'yon dahil sa isang iglap lang ay mabilis itong tumalon sa may bintana ng walang kahirap-hirap.

"Don't forget your mission, Vangie." iyon ang huling katagang binitawan niya.

Pagbukas ng pinto ay iniluwal non si Malachi, at dalawa niya pang kasamang si Lennon at Reese.

Binati pa 'ko ni Reese subalit saglit ng ngiti lang ang naitugon ko. Na kay Malachi ang tingin ko at ino-obserbahan ang mga kilos niya.

Naaalala ko nanaman ang mga pinagsasabi sa 'kin ni Silvestre kanina.

Dapat ko bang sabihin sa kanya?

Hindi... hindi ko sasabihin. Sigurado akong pag nalaman niyang nandito si Silvestre hindi siya magda-dalawang-isip na umalis dito at magtago nanaman sa ibang lugar para matakasan niya ito. 'Yon ang iniiwasan kong mangyari.

"Do you have anything to say, Veyan?" Hindi ko namalayang nasa harap ko na pala si Malachi at kunot-noong nakatingin sa 'kin.

"Nothing. Don't mind me."

Nagkibit-balikat na lamang ito at naupo sa bakanteng upuang nasa gilid ko.

Saktong pagtunog ng bell ay nagsidatingan na lahat ng mga teammates namin. Panghuling pumasok ay si... Chadney. As usual, naka-poker face nanaman siya.

"GOOD MORNING, STUDENTS!" Masiglang pagbati ng boses-babaeng marahil ay isa sa organizer ng task na 'to.

Hindi ako sigurado, pero pamilyar sa 'kin ang boses niya.

"TODAY I WILL ANNOUNCE YOUR FIRST MISSION..."

Saglit na katahimikan ang namayani bago muli itong nagsalita.

"ONE OF YOUR TEAMMATES RIGHT NOW IS AN IMPOSTOR, YOU MUST FIND OUT WHO IT IS BEFORE THIS DAY ENDS. GOOD LUCK..."

Enigmatic VengeanceWhere stories live. Discover now