Chapter two

5 1 0
                                    

Selestine Pov

"Kiox!"nanigas ako sa kinatatayuan ko at nang makagalaw lamang ako nang may lumabas na lalaki sa kotse at kinuha ang walang malay ko na kapatid sa kalsada,sumunod ako sa kanila.

Sumakay kami nang kotse at mabilis na pinaharurot nang lalaki,aligaga ako kung anong gagawin sa kapatid ko na nasa kandungan hindi alintana kung sino ang nakabangga sa kanya.

"Bilisan mo!"sigaw ko sa driver.Ngayon ko lang napansin na may bata sa gilid ko nang hawakan niya ang kamay ni Kiox.Siya yung babaeng kasama ni Kiox kanina.

"Kiox,gising ka"niyogyog nang bata si Kiox may tumulong luha sa mata nito.

Agad na dinaluhan nang mga nurse si Kiox,ako naman ay kabadong-kabado Isa pa wala pa akong pera ngayon anak nang hayts namn oh!

"I'm sorry,hindi ko sinasadya"mahinang  sabi nang lalaki habang nakaupo ako sa gilid nang operating room.Agad akong nag angat nang tingin at nakita ko namam kung sino.Siya yung lalaki sa palengke.

"Ikaw?Ikaw ba ang bumangga sa kapatid ko?"medyo tumaas ang boses nang ko.

Napahilamos ito sa mukha niya.

"Yeah,I'm sorry.Gagawin ko ang lahat ako na ang magbabayad nang bell sa ospital.Wag mo lang akong sampahan nang kaso"nagsusumamamong sabi nito.Bitbit ang batang babae.

Hindi ako nakaramdam nang galit or ano basta maging maayos lang ang lagay ng kapatid ko.Tumango ako.Bumuga siya nang hangin.

"Uuwi muna ako,hahatid ko lng si ysavell.Babalik ako dito."Tumango ulit ako at umalis siya kasama ang batang babae.

"Kamusta po ang kapatid ko doc"tanong ko nang makalabas ang doctor na tumingin sa kapatid ko.

"Okay naman ang lagay niya, may galos lang ang ulo niya dahil sa impact nang pagkakabunggo but he's stable now. Ililipat  nalang siya sa patients ward ."Sabi nang doctor .

"Salamat po doc".

Nang tawagan ko si mama agad na pumunta siya sa ospital.

"Naku!anyari sa kapatid mo.Okay naba ang lagay niya?"maluhang Sabi ni mama nang makarating sa ospital agad na niyakap ko siya.

"Okay naman po siya ma".

"Wala pa naman tayong perang pambayad sa ospital"nag alala si mama.

"Yung nakabangga naman po ang magbabayad ma."

"Dapat lang."

Alas dies na nang nakabalik ang lalaking nakabangga sa kapatid ko.Pagbalik niya may dala siyang pagkain.Si mama naman pinauwi ko na.

"Kumain ka muna"binigay nito sa akin ang supot.

Tinaggap ko,sabagay kanina pa ako gutom.
"Sa-salamat".

Nakaupo siya sa gilid nang kama nang kapatid ko kung saan may isang upuan.At parang hindi siya magkakasya doon sa laki ba naman niya.Natawa nalang ang isip ko.Nilagay ko sa mesa ang pagkain at umupo  din.

"Ang weird, ikalawang pagkikita natin pero hindi ko padin alam ang pangalan mo"Simula ko.

Tumawa siya nang bahagya.

"Yes,My name is  Red Alexander Rhodon"at nilahad ang kamay sa akin.

"Selene"tinaggap ko ang kamay niya.

"Selene lang?"tanong niya.

Binitawan ko ang kamay niya,nakakahiya ang lambot samantalang sa akin magaspang.Ang bango pa naman niya kahit magulo ang buhok niya at naka white tee shirt lang siya at black pants.Pulang pula ang labi niya at ang mata niyang kumikinang.

"Fate's Crossroads: Love in the Shadows"Where stories live. Discover now