one

23 4 0
                                    

one.

MJ POV


"SH*T SH*T SH*T" sigaw ng isang lalake sa mall habang tumatakbo. Nakatingin na lahat ng tao sa kanya, parang baliw. "MJ!" biglang niyang sigaw nang makita niya ako, oh shemay, he was calling out to me.. Bigla niya ako hinawakan sa balikan, gagi, ang sakit ng kapit niya. Na-recognize ko yung mukha niya, yung isa sa pinaka nakaka-urat na ka-grupo ko sa Science Group, sin Anthony, a.k.a Tonio the great.


"Hide me, please," Tumingin siya sakin nang may puppy-eyes, I raised my brows as I roll my eyes, "Asa ka, Tonio.". May humahabol pala sa kanyang mga lalake, parang gang. Napa-iling ako ng ulo at sinubukan kong umalis pero bigla niyang hinawakan yung kamay ko, "Oi, MJ, wag mo akong iwanan dito." "Pagkatapos mo akong bigyan ng sakit ng ulo? Baka masampal pa kita diyan, Sanchez, tumigil tigil ka" Sabi ko pagkatapos alising ang kamay ko sa hawak niya.


Nang makalapit samin ang mga lalake, bigla niya ako hinila. Gag*, ma-hold-hostage ba ako dito? What the F?! "Sino to ha? Girlfriend mo, Anthony?" Ngisi ng isa sa kanila habang tumungo lang si Tonio. Baliw ba tong lalaking to? "Well, well, look, I never thought you would get a girlfriend, akala ko kasi wala ka nang pag-asa" One of them said and nudged the one next to him. Ilan ba sila?? Baka meron pa sa likuran? 


"You're lucky you have company this time, Anthony," Tawa ng lalaking naka sunglasses, naka designer brand, dalawa palang conyo boys ang nasa harapan ko. Parang mga babae ang mga insulto amp*ta. "Looks like we found a weak spot huh?" Ngisi niya sa ibang mga lalake na nasa likuran niya, "Let's go," Sabi niya sa kanila at doon na sila umalis at lumayo sa amin. This @sshole got me in trouble. "What were you thinking? You're getting me involved in sh*t you do." Tiningnan ko si Anthony ng masama, tinulak ko siya at nagpunta na sa mga kaibigan ko. Can this day get any worse?


Pagdating ko doon sa cafe kung nasaan ang mga kaibigan ko, nakita ko ulit doon ang mga grupo ng mga lalaki kanina. Bigla nalang ako napatingin sa kanila, like a deer in headlights. Andun yung two conyo boys and friends. Shet. "Oh, babe, she's here, MJ! Over here!" Sabi ni Kaylee habang napaturo ang kamay sa direksyon ko, gagi ba't di pa ako umalis kanina... "Come here, MJ! This is the boy I wanted to tell you about" Ngiti niya habang minomotion niya akong lumapit. Since when tong babaeng to nag-English kapag nandyan ako??? Ah wait... Nevermind.


"No thanks, I'm good, K," Ngiti ko, might as well match her energy, "I was gonna let you know that I'm going home" Napatingin pa sakin yung mga ibang kaibigan ko, kasama na si Kaylee, pati conyo boys and friends. "MJ! We've been here just for like an hour, live up to the moment, will you?" sigaw ni Janine, napatungo sina Kaylee at Honey.


"MJ, just this once? Please, we promise hindi na kami manggugulo sa'yo na pumunta ulit sa mall," makaawa ni Honey habang naka-akbay dun sa isang lalake. Wag na lang uy. Umiling na lang ako sa kanila at umupo sa tabi ni Janine, thankfully it wasn't occupied. 


"So you're friends with Anthony's girlfriend, huh? Nice meeting you, MJ, was it?", Conyo Boy #1. "Huh? MJ? You? Anthony's girlfriend?" Biglang tanong ni Honey na gulat na gulat. Lahat sila ay tumingin sa akin nang may kahalintulad na pagkagulat, at least sa mga kaibigan ko. Ang mga conyo boys and friends naman, tila hinihintay nila ang sagot ko. Tumango ako nang bahagya at inirapan sila at sabi ko, "...Really? Ako? Maging gf ni Tonio the great? Asa kayo."


Ang mga kaibigan ko ay huminga ng maluwag habang ang mga CONYO BOYS ay ngumisi at ang ilan sa kanila ay nagtawanan. 

"Oh thank goodness, MJ, I thought you lost it," Janine.

"So you're not his girlfriend? Or maybe, you're just hiding it?" Conyo Boy #2.


"Ah, right, I haven't introduced them to you, MJ, this is my boyfriend, Kian, Kian, this is my friend MJ," Sabi niya, ah, so Kian pala, pano si Conyo #2? "These are his friends, this is his brother Jaaden" "Ah, I see," lang ang sinagot ko at tumayo na agad. "It was nice meeting all of you, now I got to go home na guys." Ngiti ko habang palabas na ako ng cafe. Gag* ang awkward dun. Uuwi na nga ako, nakakaurat naman.


Tiningnan ko ulit yung cafe kung nasaan sila, nagulat ako at nakatingin sa akin si CONYO BOY #2-- I mean si Jae- Ano nga ulit pangalan niya? Tawagin ko nalang siyang J. Grabe makatingin si kuya ah. Parang gusto akong patayin. Tuluyan na akong umalis ng mall, kahit muntik na akong mapa-stare sa kanya. Not now, MJ, not now.

Stand-ByWhere stories live. Discover now